Wednesday, December 29, 2004

multi-national company...

nag lunch out kame kanina... kasama ko mga opismates ko.
samu't saring nationality. sa taxi, apat kame.
kasama ko isang singaporean, isang chinese, isang indian.

usapan ng indian at chinese kong kasama...

chinese: where do you live in india, town, city or province?
indian: town proper.
chinese: so, do you take care of chickens?
indian: no.
chinese: why not?
indian: i'm a vegetarian. (sharp look.)

***
chinese: so do u like to go to korea?
indian: no.
chinese: why?
indian: i don't like the food.
chinese: why? they have vegetables there right?
indian: yes but they only have leaves.
chinese: but leaves are vegetables right?
(wag na kasi makulit.)
***

hehehe. buti na lang katuwa ang aking mga kasama. kasi di ako masyado natuwa sa pagkain. medyo maanghang para sa panlasa ko.

isa pang di nakakatuwa e ung scene sa resto. ung waiter, natapunan ung isang customer.
di naman sinasadya. nag-sorry naman si customer, at kumuha pa nga ng sandamakmak na
tissue si waiter. ewan ko ba, kung ano problema ni customer. so dumating pa ang 3 waiter.
tatalak pa ren si customer. kesyo daw basang basa sya. oo nga basang basa sya, as if naman matutuyo sya kung magtatalak sya dun forever. anyways, sa kakatalak nya lumabas si manager.
paglapit ni manager, sinampal si waiter! sa harap ng maraming tao. hay, kawawa naman si waiter. dapat binuhos na ren nya sa customer ung 4 na drinks na natitira sa kanya. para sulit yung sampal sa kanya. para saken mali ang ginawa ni manager. hindi un tamang way para ma-please si customer. pero mukha naman na please na si customer kasi finally ay nanahimik. oh well.

ako ngayon e inaantok na. epekto ng curry. sa banana leaf pala kame kumain. as in literal na banana leaf. =)




Wednesday, December 22, 2004

blade trinity....

nanood kame kagabi ni mahal ng blade trinity... oks na ren pampalipas oras...

mas maganda pa ren ung 1 and 2. (kahit na di ko na sya natatandaan) sabi nga ni mahal, "something is missing..." sabi ko naman, "mahal bading si drake." hehe

para syang pinagsama-samang movie e... (matrix,van helsing, underworld) parang cartoons na...
pero sabi ko nga, oks na ren pampalipas oras.

ocean's 12 naman mahal!!!









Tuesday, December 21, 2004

busy weekend...

saturday, punta kame xmas party. though, nakakapagod masaya pa ren naman. ako nag-organize kaya di kame makasali sa game. me game na nagiiyak na pala anak ko, di ko pa napapansin. (nakalimutan ko, me bitbit pala kong baby! hehe)

sunday, punta kame JB. attend ng wedding ng dating ka opisina ng asawa ko. chinese wedding. syempre pa, wala kame naintindihan. kaaliw ung wedding, kasi kakaiba. me videoke... =) pwede kumanta ang mga guests.patawa pa ung isang guest, kumanta kasi photographer di syempre walang kukuna ng picture. kinuha nung guest ung camera at inutusan ung bride na kuhanan ng picture ung kumakanta! ung bride hindi marunong dun sa camera, so inutusan nya yung groom nya. hehe.. tama ba naman un?!....

6pm ang invitation, pero 8pm na di pa nagstart. tradition na daw sa kanila na late datingan ng mga bisita. kala ko sa mga noypits lang un. buti na lang kumain muna kame sa dunkin donuts (yumyum!)bago pumunta dun sa wedding.

ang traffic pabalik, past 12 nakame nakabalik ng singapore. kaya ayun, lunes na lunes naka leave na naman ako.

kahapon, nagluto ako. wala lang. na miss ko lang magluto. mula kasi dumating sila mama dito e sila na nagluluto. salmon teriyaki with stir fried veggies ang aking menu... ika nga ni mahal, panalo! =)


ayan ang aking kapagod na weekend!