Tuesday, June 28, 2005

batman

nanood kame ni hubby ng batman begins nung saturday. buti naman at wala ng nipples si batman. hehe.

bakit ganun, kailangan ba talaga maging husky boses ni bruce wayne pag nagiging batman? e di ba nd naman sya nagttransform? i mean, nagco-costume lang naman sya a, so what's with the husky voice?

and talaga bang tabingi mag ngingiti si katie holmes? o iniisip nya so papa tom, kaya ganun sya ngumiti?

gwapo sana si Christian Bale, pero parang kulang sya sa panga para sa batman. and ayaw ko ren ng ngipin nya. parang pustiso na ewan.

pero ok na ren. maayos ren naman sya.

Monday, June 27, 2005

nevergiveup

Never give up on people, despite some disappointments.

chickboy

nung isang gabi, gumising si little boy. gumapang papunta saken. nag kiss sa pisngi ko. tapos natulog na ulit. awwww...... natunaw ang puso ko.... sarap!

****

nag atend kame ng children's party kahapon.

nakakatuwa na panoorin si little boy. nakikigaya na kasi sa mga ibang bata. un nga lang, marunong na ren magsabi kung ano ang gusto nya, tulad ng makita ang pool, "mimming" daw sya. (swimming) pinagbigyan namen at maaga aga pa naman nun. nakakatuwa sya kasi careful den sya. hindi basta basta natalon sa tubig. binabaybay muna ang mga gilid gilid.

nung nasa party na, me sinusundan si little boy na 5yo girl. maputi, maganda, mahaba ang buhok. naks! me taste ang anak ko. at mega pa cute pa sya. pa smile smile at me pa taas taas pa ng kilay.... huwaw! chikboy in the making.... yun ang akala namen! e kaya pala nya inaaligiran yung bata e kasi, type nya..... type nya ung lollipop na hawak nung girl! ahehehe. ng maupo ung girl, nasunod ung mata nya sa lollipop at hindi nakapagpigil at dumila sa lollipop! aheheheh. buti na lang mabait ung kid, at hinayaan nya na share sila sa lollipop. nakakatuwa, kasi sinusundan talga ni meg ung lollipop. as in, nakalabas pa dila! kulang na lang tumulo ang laway! hehe. PG!

mukha lang nasobrahan sa pagod, at ng tulog na e bigla bigla na lang nagsisigaw... baka napapanaginipan na inaagawan ng lollipop! hehe...

****

Friday, June 24, 2005

yummy!

nasalubong ko ang aking officemate na babae. binati ko sya sabi ko, "you look nice!"
hindi ata ako narinig, sabi nya "what?" so inulit ko, pero sa kadahilanang pagkain ang nasa isip ko ng mga oras na un, ng inulit ko... ang aking nasabi ay "you look yummy!"

nyahahaha!

nakakahiya! blush! blush! siguro nasa isip nya tibo ako. ahehe. pero buti na lang babae sya, imagine kung lalaki un at sinabihan ko ng "you look yummy!" wahehe. yari na.

nagulantang si officemate. sabi nya uli, "huh, what?" sinagot ko sya ng..."er.. cause ur wearing pink. like strawberry ice cream!" Yaiks! wrong answer pa den. ahehe.

Thursday, June 23, 2005

2ndanniv

DSCN2306

nagcelebrate kame ni hubby ng aming 2nd year anniversary last june 17.

it was simple and sweet.

nagpunta lang kame sa changi beach park. naglatag ng aking sarong. at kame ay naupo sa tabi ng dalampasigan. nagbaon lang kame ng honey pork ribs. plus wine and cheese. at habang kame ay naka-upo sa dalampasigan, kami ay nagbibilang ng mga eroplanong nagla-landing. una takot pa si little boy, pero ng nagtagal nag enjoy na ren sya sa mga "emplem"(airplane). hindi namen alam kung bakit sinama namen si little boy. normally naman nakaka pag date kame ng kame dalawa lang. pero that time, we just felt na need namen isama si little boy. need namen sya isali sa celebration.

pinagusapan namen ni hubby ang nakaraang taon. at pati na ren ang mga susunod pang taon.
nakakatuwang isipin na kumpara sa unang taon namen, mas nag improve ang samahan namen. mas open na kame ngayon. mas nakakapagusap na kame ng maayos at higit sa lahat marunong na kame makipag compromise ng bukal sa loob. hehe.

it was a good year.

Tuesday, June 21, 2005

diet at iba pa

on a diet kame ni hubby. actually on a daya. hihi.
pag dating kasi ng 11, nagugutom kame uli at nags-snack.
kagabi nagutom na naman kame e pareho na kame nakahiga.

hubby: gutom ka.
me: oo.
hubby: me pagkain ba sa baba? (nasa 3rd flr kasi kame)
me: me salad sa baba.
hubby: ayoko maasim un e.
me: maasim? bakit naman maasim? macaroni salad un. hindi un maasim.
hubby: maasim nga un.
me: hindi nga maasim un. kulit mo. bakit naman aasim ang macaroni salad?
hubby: sige nga kuha ka nga.
me: maasim un e. :p

***

tsk! tsk! delikado kame ke little boy. mukang walang hilig mag-aral.
kagabi, nagdo-doremi sila ng daddy nya.

dad: do
meg: do
dad: ree
meg: ree
dad: miii
meg: miii
dad: faaaa
meg:faaaa
dad: sooooo
meg: sooooo
dad: laaaaaa
meg:laaaaaa
dad:tiiiiiiii
meg:tiiiiiii
dad:dooooooooo
meg:doooooooo

dad: ok! numbers naman.... 1,
meg: (deadma)
dad: 2
meg:(deadma uli)
dad:3
meg: (deadma pa rin)

ok, sing uli...
dad: do
meg: do
dad: ree
meg: ree

tsk! tsk! itigil na kaya namen ang educ plan nya at kumuha na lang ng share sa ryan cayabyab music foundation???

***

Friday, June 17, 2005

stupid me

haaayyy... me tinatago palang sweetness sa katawan ang aking asawa. hihi.
kanina umaga, sinend nya saken ang aming website at pina click ung picture namen. pag click ng picture, me mag-uupload ng HAPPY ANNIVERSARY!!! (500x! hehe, over. hindi ko binilang, basta puno ung page.)

pag dating ng hapon.... nagpadala sya ng e-greeting. pag open ko, meron lyrics at instrumental. so kinanta ko ung lyrics, sinabay ko sa instrumental. ewan ko ba naman, kung bakit pag dating sa gitna/chorus ng instrumental ang pumapasok na lyrics sa utak ko e... "Oh, what's love got to do with it...What's love but a second hand emotion...What's love got to do with it....Who needs a heart...When a heart can be broken... " ni tina turner...

eh kaya naman pala........ hindi pala song ung pinadala nya kundi poem! at background music lang ung instrumental.... AIYOH!!! nasira tuloy ang sweetness na hatid ng asawa ko! haha.. tanga ko kasi....

anyway, here is the poem... and try to sing it to the tune of What's love got to do with it! haha

loving you your loving me

loving you
is the music i hear
in my dreams my love
you will always appear

loving you
is my one special prayer,
to awaken and find,
love that you're here.

loving you
all clouds disappear
for being with you
makes my heart sing with cheer

loving you
morning, noon and at night
first sign of daylight
oh so early and bright

loving you
as the sea beats the shore
my angel my love,
its eternally you, i adore

loving you
at my life's very end
i'll be right back my love
as an angel to tend

loving you
this anniversary you'll see
that i feel this much love
just from you're loving me.

****
HAPPY ANNIVERSARY MAHAL!
****

Thursday, June 16, 2005

2ndanniv

3 years of being together.
2 years of being married.
1 year of being parents.

and still so much in love! hihihi....

2 years na kame bukas ni mahal. pero parang kelan lang. sabi nga ng kuya nya, 23 na lang silver wedding anniversary na namen. tama ba naman un? pero tama nama sya, galing sa math! haha...

well, for our 2nd year, eto regalo saken ni hubby. actually, hiningi ko yan! :p kasi for a certain amount, me 6 free make up lessons na. tuwa ako sa kit, kasi kumpleto na sya. meron para sa mata, cheeks and lips. and super simple ng effect. ewan ko lang ung lessons nila kung maganda, hindi pa kasi ako na-attend. baka kasi kada lesson ko e alukin ako ng product nila. e naku, hirap ako tumanggi! hihi

DSCN2091DSCN2089

myboy....

DSC_0003
DSC_0002
DSC_0004

my little boy... wala lang, nagpapaka stage mother lang ako! hehehe =)

Wednesday, June 15, 2005

angbatya

DSCN1190


si little boy, pag sinabi mong ligo or take a bath, tatakbo na yan sa bathroom. yung takbo na parang natataranta pa. or basta makita nya kame na pumasok sa bathroom, susunod na ren yan. ganyan sya kahilig maligo.

ewan ko ba naman kung bakit ng umuwi kame sa pinas, nagiiyak sya tuwing liliguan namen. parang kinakatay na biik. as in nagawa na namen lahat, ipasok lahat ang toys, kumanta ako, magpatawa ang daddy nya. wala pa ren. siguro dahil mas madilim, mas maliit ang bathroom. hindi namen alam. pinagswimming na nga namen sa drum, ngawa to death pa ren...

so naghanap kame ng way, ayaw ko naman ma trauma anak ko sa pagligo. baka kasi matakot na maligo kung sa tuwing maliligo sya e magiiyak.

ang sagot...ang wonder batya... ayan ng inilabas namen sya sa likod nila flo at nilagay sa batya, hindi na sya umiyak. happy na sya uli sa pagligo. un nga lang umiiyak naman after kasi ayaw na umahon. hehe...

ayan ang aking iho at ang kanyang mahiwagang batya....
(me picture den ako na nasa batya ako kasama ng mama ko.... ayaw ko ren kaya maligo sa bathroom noon? hehe)

Tuesday, June 14, 2005

sleeping....

aiyoh.... 3 days na kame puyat....pano naman si little boy e matutulog ng 5pm, gigising ng 8pm.
so pano pa sya matutulog ng 10pm? ang tulog na nya uli minsan past 12 na. aysus....

sabi ni hubby, wag daw patulugin ng 5pm. e mapipigil ba un? cranky na pag hindi nakatulog. pag naman hindi mo pinansin, mahihiga at tatapikin sarili nya. (independent!)

ginawa ko, bumili ako ng mga vcd... para manahimik sa isang tabi.. hoping ako na antukin sya.. naman! naman! antok na kame mag-asawa sya hindi pa ren...

in fairness naman, sa loob ng 1year at 5months, ngayon lang kame pinuyat ni little boy. mula pagka bebe, e good boy sya. as in aga sleep at direcho umaga pa.

oh well, sana phase lang ito.

Friday, June 10, 2005

kapraningan

kagabi, umiral na naman kapraningan ko. hehe... patawid kame ni flo sa kalsada. eh nagkataon na bus ung nakahinto sa bungad ng traffic light. sabi ko ke hubby, "kawayan mo ung driver!" ask nya bakit nya daw kakawayan. sabi ko basta, kawayan mo. e ayaw nya. so pagtapat namen sa harap ng bus, kinawayan ko si mamang driver. kumaway ren naman si mamang driver! (buti na lang hindi sya na choke, kasi nainom pala sya ng tubig! hehe)

hubby: bakit mo kinawayan ung driver? mukha kang sira! (halakhak! hagikgik! at halakhak pa!)

me : pagod na un. at least sa kaway ko nabawasan pagod nya! hehe

hubby: mukha kang sira. (halakhak! hagikgik! at halakhak uli!)

me : di naman nya ko kilala e. (halakhak! hagikgik! at halakhak ren!)

hubby: e para kayang eto ang ruta ng bus na un. e di dadaan uli un dito

me : e ano naman?(halakhak! kagikgik! at halakhak ever!) kita mo ha. pagod na ung tao. tapos me kumaway sa kanya. di napangiti sya. ngayon magddrive na sya ng nakangiti. better than naka kunot nuo nya di ba?

hubby: para ka talagang sira(halakhak! kagikgik! at halakhak to the max!)

me : kita mo, tayo ren. kesa hinihingal hingal tayo palakad pauwi, napasaya tayo ng aking
munting kaway. kanina pa tayo tawa ng tawa. masaya ang ating paglalakad. si mamang driver, tuwing mapapa-stop sa traffic light un, hindi na sya maiinis. mapapangiti na sya kasi maalala nya ang aking munting kaway?

hubby : eh kung ma inlove sau si driver?

me : ngak! hindi ba nya nakita na naka angkla ako sau?

hubby : muka ka talagang sira!(halakhak! kagikgik! at halakhak pa with matching pamumula na sa kakatawa!)

*** hehe, wala lang. dumali na naman ang aking kapraningan. pero nagtataka lang ako, bakit kaya sa asians ano nginitian mo ang kasalubong mo, isipin praning ka. nagpunta kasi ako sa dallas dati for a 3week training. as in sa supermarket/grocery/car park, pag me nakakasalubong ako all smiles sila with matching good morning pa! or minsan nga ask pa nila ko..."how you doin?" (oo mala joey ng friends!hehe. uy, di kaya they were trying to check me out? hahaha. ) parang magaan kasi ang feeling pag naka salubong ka ng naka ngiti di ba (oh well, unless ngiting me pagnanasa ang i-flash sau. hehe) wala lang para lang ang sarap isipin na mababait lahat ng tao. =) ***

Monday, June 06, 2005

madagascar at iba pa

nanood kame ng movie last saturday... with Meg! first movie nya ang Madagascar!

and i am very proud to say, that he finished the movie!!! hindi nagluko, hindi nag-ingay. nangulit nga lang sa katabi. pero hindi namen kasalanan. promise! eh kasi ung babae na katabi namen, tama ba na mag text sa loob ng sinehan, e di ang liwanag nun. so na di-distract si meg, sabi nya sa babae...."hello... hello...hello..." (kasi si meg, naghe-hello pag nakakita ng fon) and everytime na magtetext ang girl, sinasabihan sya ni meg ng "hello... hello...hello..."
and every 5 minutes, nahingi sya ng dodo. at dahil ang motto ni meg e why settle for less when you can have the best, syempre ayaw nya sa bote dumede. gusto nya saken. kaya ayun, every 5min, may i show ako ng aking boobs. hehe, syempre di naman kita kasi madilim naman sa sinehan. at pag napasabay pa ang kanta nila alex e naga snap si meg ng fingers habang na dodo. hehehe...

after the movie, hinayaan namen si meg maligo sa fountain sa bugis. marami kasi naglalaro na mga kids, so hinayaan ren namen si meg. nung una ayaw pa nya. aba ng mabasa na, ayaw na umalis sa tubig. sayang lang wala ako dala camera. =( after nya maligo, ung mga tao tuwang tuwa ke meg. kasi nga ayaw na umalis dun e sya pa pinaka maliit. nilapitan pa kame ng isang kano at kinausap kame at tuwang tuwa sya. pumalakpak pa nga sya ng mabihisan namen si meg. kasi naman ayaw nga magpabihis, tumatakas pa samen para bumalik sa fountain. hehe

ayan ang aming sabado. wholesome masyado. baby's day out. =)

** meg's new song **

me : tap your sticks in the air, with a one...
meg : tu, tee (two, three)
me : tap your sticks on the floor, with a one...
meg : tu, tee (two, three)

**meg's new game **
me : saw, saw suka mahuli taya! si meg naman....
meg : (to the tune of saw saw suka) taw taw na na nana na ya!
(with matching action pa na nanghuhuli ng daliri nya. hehe)

**meg in church**

aleluia! aleluia!
meg : luya! luya!

Friday, June 03, 2005

episode 3


nanood kame ng episode three ni hubby nung wednesday.

ok naman sya. worth it na sya para sa $15.00 na date.

un nga lang me mga lines ako na hindi gusto... like.... "anie, you're breaking my heart..." parang hindi bagay para sa movie.. syado mushy.... hehe... and di ko ren like ang..."i lovedddd youuuu!!!" (obiwan to anie - parang hindi jedi e. iba naiisip ko... haha!)

pero oks naman sya. nakakalungkot nga lang. di na ko magkkwento masyado kasi baka marami pa di nakaka-nood.

Thursday, June 02, 2005

meg2

meg3 meg2 meg

unti unti ng nakikipag communicate si little boy samen. nakakatuwa. nauutusan na sya at alam na ren nya kame utusan!

taas! >> akyat na sa room
baba! >> baba sa sala
ga! >> higa sa bed.
dodo! >> feeding time.
bahuuu! >> me pupu.
poot! >> umutot sya.
poot, bahuu! >> umutot sya at me kasama na. haha
pen >> open
tusss >> shoes
lawww! >> ilaw
tat >> cat
bed >> bird
fisss >> fish
dod >> dog
ber >> bear
kek >> cake
vee >> T.V.
boh >> ball - first word nya
brom-brom >> car

alam na ren nya parts ng body nya like, ears, nose, teeth, head, toes, eyes. ang cheap man, pero alam nya mag wow-wow-wee! hehe. alam na ren nya mag-kiss ng me tunog. sarappp! he loves singing, kahit alang lyrics. basta me mic! he loves dancing, kahit na anong tugtog. (pero hate nya pag nag-a-ala cameron-diaz-in-charlie's-angels-dance ako... ewan ko kung bakit. basta pag nakita nya ko na sumayaw nun, sisigaw na sya!) minsan pag sinabi mo na one, sasabihin nya tu... =) tapos act sya na binibilang ang fingers nya.kilala na ren nya kame lahat sa bahay, kahit sa pictures kaya na nya kame i-identify. alam nya kung para saan ang nail cutter, ang hair brush, ang cellphone, ang walis...bebe ang tawag nya sa tyan ni SIL(preggy).

simple things, pero nakakatuwa marinig at tignan... lumalaki na ang baby ko... unti unti na sya nagiging bata...

huwaaaahhh! I MISS MY BABY!!!