Friday, September 23, 2005

cockroachman!

natatawa ako...
kasi kaya pala sinasapak ng anak ko si spiderman dahil akala nya ipis ang nasa dibdib nito! naglalaro kame kanina, tinayo nya si spiderman, at bigla nya sinapak! pag bagsak ni spiderman, sabi nya..."mommy, la na ipithsss" mwahahaha!
pagbagsak pa ni spiderman, pinagaapakan nya sa dibdib, sabi nya..."apak ipiths... apak ipithss.." bwahahaha!
hay naku... kaya ngayon sya na si cockroachman!!!!

chick boy...

ang aking little boy, big boy na. marunong ng kumilatis ng chika bhabes! minsan kame nagka-bisita si IZL... maputi, mahaba ang buhok, maganda. aba ang aking little boy, di maalis ang titig sa kanya (sana lang di nya naiisip na, "hmmm, maganda ayusan si tita izl!" hehehe)
last wednesday, dumalaw uli si izl samen. at me dala na inflatable spiderman. aba ang aking anak, itatayo si spiderman at saka susuntukin para bumagsak si spiderman. pag napabagsak na nya si spiderman, pupunta sya sa harap ni izl at mag-aaction sya ng sapak sa hangin, tapos sasabihin nya na "nnntok ko oh!" ang gagawin naman ng lola nya, itatayo uli si spiderman. pupuntahan uli ni little boy si spiderman at sasapakin to, at pag napabagsak na nya uli, punta sya uli sa harap ni izl at mag-aaction sya ng sapak sa hangin, tapos sasabihin nya na "nnntok ko oh!" paulit ulit syang ganyan! PAKITANG GILAS!
tapos ng nasa bahay pa si izl, pilit pang pinalabas ang motor nya. mismo sya kumuha sa lalagyan. at ng paalis na si izl, naku panic sya kasi di pa sya nakakasakay sa motor nya. hahaha!
hay naku, ang aking little boy... big boy na! ngayon cute pa ang pagiging chickboy nya, pero pag 16 na sya at ganyan pa ren sya katinik sa babae e naku!!! kabahan na ako.... mukang lalabas ang pagiging stage mother ko...
my little boy is growing up.... huhuhu

Monday, September 12, 2005

krrrinnng... krriiing....

soske! nawala na naman ang fon ni mahal! aiyoh! nahulog na naman ata sa taxi... tsk! tsk! tsk! dapat ata ang telepono nito ung mga unang model, ung kasing laki ng pangkaskas ng yelo! tapos ang baterya, baterya ng kotse! para pag nahulog, ramdam agad!

ayan, me ang bday gift tuloy nya e telepono! hayyy.......... sa susunod, KUTOS na!

Wednesday, September 07, 2005

chinese garden, year 3....

ika tatlong taon na namen pumunta sa chinese lantern festival. naging tradisyon na namen to ni hubby... kasi yung unang taon namen as a couple, disaster ang aming lantern fest...
at eto ang kwento dyan kung bakit...
nalaman nya na yung first year ko dito sa singapore, e di ako nakasama sa mga kaibigan ko mag chinese garden so sabi nya sa susunod na lantern fest dadalhin nya ko dun. nagkataon na ang lantern fest e september lagi. so papatak at papatak sya ng birhtday ko. so, promise nya na saken na sa birthday ko sa chinese garden kame. (first birthday ko na MU kame, MU as in mag-un! hehe) so dumating ang aking kaarawan... usapan namen 7pm. nasa bahay naman sya ng 7pm. kaso ng makita ko sya, e super pagod itsura. so ask ko kung gusto pa nya pumunta, ok lang daw. syempre patweetums pa ko, sabi ko pagod ka ata e. wag na tayo punta. sabi nya sige oks lang. deadma. so sabi ko uli, pagod ka ata talaga. gusto mo na magpahinga? sige uwi ka na lang para makapahinga ka na. ABA! ABA! ABA! tama ba naman umuwi nga!!! HAYYYY! siyempre mukmok ako! crayola ang beauty ko. aba, ano daw iniinarte ko e ako nagpauwi sa kanya! HAYYY talaga! (2 days kame magkaaway, natapos bday ko na magkaaway kame! nyahaha. OO kaya di ko makalimutan yan. HMP!)
anyway, the ff year, bumawi na sya. dinala na nya ko sa Chinese Garden, kaso naman... buntis na ko nun, e sus kalaki pala nun! nainis ako uli kasi pagod na pagod talaga ako. 5months na ata ako ke little boy nun. kaya meron kame picture na nakahiga ako sa bench (mala notting hill). kasi pagod na pagod na ko. (me picture uli kame dun na kasama si meg, nakahiga ulit ako! nasa dibdib ko na si meg AT kahapon nagpa picture uli kame dun sa bench, nakahiga ulit ako at si meg naka upo na sa tyan ko! hehehe... tradisyon na ang bench, iiyak ako pag tinagal nila un!)
ayan ang kwento ng aming chinese garden.....
***
another kwento about chinese garden...
syempre kasama ang pictorial sa pagpunta dun...eh nainis kapatid ko dahil sa isang picture, napasama ako. e gusto nya solo lang sya. as in sabi sya ng sabi, "why did you join me in the picture? i don't want you in the picture. " sabay maktol pa. e ako pa pagmamalditahan nya! so sabi ko sa kanya, "ok, fine! I also don't want you in the pictures... so, i deleted ALL your pictures!" isang impit na "waaaahhhhh" ang kanya lang naisagot saken! MWAHAHAHA! yes, i know. ang bad ko. pero syempre joke lang naman. di ko naman dinelete ang mga pictures. nakakatawa lang, kasi tuwing titignan nya ko naiiyak sya. ng nasa MRT na kame, nakipagbati na ko. sabi ko, i didn't delete your pictures. i was just teasing you. naiyak uli sya. pero siguro tears of joy na yun. hahaha... e di pinagsasabihan ko na sya. sabi ko, next time magpakuha na lang sya uli ng picture. she doesn't have to ruin her day over a picture. ang kanyang sagot..."i'm sorry ate.. but it was you who ruined my day!" nyahaha... ako pala me sala! so nag sorry na lang ako. at sabi ko next time magpakuha na lang sya uli. hihi...
ang makasaysayang chinese garden...
***
chinese lantern festival themes
2003 - hello kitty
2004 - east meets west
2005 - jungle safari

Tuesday, September 06, 2005

big boy na!

kagabi ng alas dos ng madaling araw...

di makali si little boy... ire dito, ire dun... ikot, ire... balikwas... ire...
wala naman ako naririnig na utot nya.. kala ko nahihirapan umebs... e di hinahayan ko lang sya mag-iire forever...

after mga ilang ire, siguro napansin nya na deadma lang ako... sabi nya saken..."mommy, gas... pooot!" na ang ibig sabihin ay, "mommy, hugas... ako e nag poop!" nakakatuwa kasi marunong na sya magsabi... 2x nya inulit un... e antok pa ko, di hindi ako kaagad nakabangon... ang anak ko talaga, napaka bait na baby, walang ka rekla reklamo.. natulog na lang ulit... kaya naman pag bangon ko para hugasan na sya e tulog na tulog na... kaya ng inupo ko sya sa toilet bowl, tulog pa ren! NYAHAHAHA! ang cute ng itsura...

***

sa zoo naman, (nag zoo kasi kame nung sabado) syempre panay kame... "meg, look oh..." sabay turo sa animals...
maya maya si meg sabi na ng sabi "look oh..." with matching turo sa kung saan.. un nga lang, turo sya ng turo kahit walang kahayupan! hehehe...

***

at ng mag punta namen kame sa party, dahil sa busy ako makinig sa instruction ng host, di ko napapansin ang anak ko pala e dinudukwang na ang fries na nakahain sa likuran ko! ahehe... kain na sya ng kain di ko pa alam... pwede na maglayas ang anak ko, di na magugutom! hehehe...

Monday, September 05, 2005

sale, sale, sale!

linsyak! kahapon, nagsale ng mga pabango. sabi ng isang kaibigan namen $50 na lang daw ung bulgari blu na for men. e paborito un ng asawa ko, so nagpunta ko sa sale. e marami kame dala mga plastic dahil galing kame kiddie party, so naiwan na lang sa labas asawa ko at ako na lang ang pumasok sa loob.

ayayay! NASIRA ang budget namen... nakabili ako ng 3 bulgari for women, 1 bulgari for men, 1 eternity for women at 1 burberry for men... pero ung sinadya ko na bulgari blu e hindi ko nabili! ahehe.

malapit na ko ibenta ng asawa koooo!

Friday, September 02, 2005

my little boy....

ang bilis lumaki ng mga bata... nung isang gabi, nasubok ang aking pagiging isang ina!
gusto pumunta ni little boy sa room ni robbie para makipag laro. e past 10 na un. me pasok pa si robbie kinabukasan. so, sabi ko hindi pwede. alah! ayan na, nagiiyak na! as in iyak na walang humpay! patigasan kame. as in tulo na uhog nya! yes, uhog na, hindi na sipon! sa sobrang pag iyak. mugto na ren ang mata. andun ako sa point na naiisip ko, ang simple lang naman ng gusto nya, ang makipag laro lang ke robbie, bakit diko pa maibigay, pero andun ren ako sa point na kung pagbibigyan ko, gagawin na nya lagi ang style na un. ang magiiyak ng walang humpay hangang maibigay ang gusto.

ang ending, nakatulog sya sa pag iyak. =( dumugo ang puso ko. gusto ko na ren umiyak. pero kailangan nya malaman kung sino ang masusunod sa bahay! at hindi sya un. hayyy.... ang hirap pala...

tapos nung umaga, normally, ako ang hahanapin nun. pag gising nya, nagpakarga sa daddy nya tapos tinignan lang ako ng deadma look. WAAAAH! hurt ako! nag-tampo ang iho ko!

pero pag uwi ko naman, balik mommy na sya uli. hayyyyy.... simula na ng pagdidisiplina...


***

sa ngayon, naka-kaaliw na si little boy kasi nagt-try na sya magkwento... ahehehe... un nga lang parang charade... brrromm.... brrrommmm... mommy.... bas... moon.... brrrooom brrroommm.... (na ang ibig sabihin sa aking pagkakaintindi ay "car, car! mommy sa labas may moon! car! car!) meron pa syang, pis... (sign ng pagpalo sa sahig).. palo... pis... mmm.. palo... (na ang ibig sabihin e, ipis! pinalo ko ang ipis!) ahehehe.... nakakatuwa...

me bago syang body part... LILI (kili-kili) at BUMBUM or PWETPWET! hehehe...
kakatuwa, nakakaaliw... pero NAKAKAPAGOD NAAAA!

wushuuuu....

kagabi si mahal ang nakapag-patulog ke little boy...

mahal: napatulog ko si meg! napatulog ko si meg!
muah: HUWAW! ang galing ah! napatulog mo ng walang dodo. kung ako yan need ko pa sya padodoin.
mahal: nambola pa! oy, di ako tumanda ng ganito para mabola mo pa noh!
muah: wushuuu! nabola nga kita para pakasalan ako e!

mwehehehe..... feeling na naman ang asawa ko nyan na ako ang dead na dead sa kanya!

Thursday, September 01, 2005

nakaka-aliw, nakaka-inis...

ilang araw na ko binabagabag ng mga bagay bagay...

a few weeks ago, naisip namen bumili ni hubby ng bahay... hay, hindi pala madali...
nung sabado na lang, para kaming naga-amazing race! kasi, ang dami namen appointment sa iba't ibang ahente.at ng dahil sa isang mokong na agent, ayun nasira ang sched namen. nagkanda late late kame. meron pa kame nakalimutan na isang ahente! nakakahiya talaga sa kanya... pero talagang nakalimutan namen... di kasi sya nasama sa list ng mga ime-meet namen. at dahil sa sobrang honest ng mister ko, pag kakita sa kanya, sabi ni hubs "sorry nakalimutan ka namen..." nyah! di man lang gumawa ng excuse. hehe...

magaganda naman ang mga bahay na nakita namen, pero wala pa ring katulad ung unang unang bahay na nakita namen. actually, ung una namen nakita, di sya maganda. yun nga lang, maluwag sya. malapit sa basketball court, at malapit sa daycare. hehe, ang babaw ba ng batayan namen?

nung second day ng paghahanap namen, ayayayay... muntik na ko atakihin sa puso... gusto ko tuktukan ung ahente. (same ahente na nagpa late samen) grabeng emotional damage ang ginawa saken! ang mga bahay na pinakita, josporsantisima! kahit na di ako claustrophobic e naku feeling ko naninikip ang dibdib ko sa mga units na pinakita nya! HAY TALAGA! tapos pa, meron syang isang bahay na pinakita. SEMI maayos naman, so ask ko kung magkano ang valuation nung bahay. ABA, hindi pa daw alam dahil nasa ibang bansa ang me ari. kung gusto ko daw e, mag offer muna ko ng presyo! ABA, gusto talagang makutusan ko! sabi ko nga sa asawa ko, ilayo layo saken ung mokong na un at baka di ako makapag pigil e!

tapos, kanina tumawag pa ang mokong saken! GRRRR, talaga! ask nya kung ano daw feedback ko sa bahay. sabi ko, me nakita na kame na gusto namen. better than what he showed us. para na lang di na sya mangulit nga samen. chika lang ba, na kunyari meron na kame nakita! hehe... ask nya kung saan area, so sinabi ko kung saan. ABA! ABA! ABA! pag initin ba uli ang ulo ko. ang dami pang sinabi, takutin pa ba ko. kesyo daw sa area na un e nag uupgrade, and as PR daw magbabayad daw ako ng $40k additional. e di hindi na nakapagtimpi ang ganda ko! sabi ko sa kanya, "I DON'T CARE ABOUT THE 40K, I REALLY WANT THAT HOUSE!"
MWAHAHAHAHA... oh di ba, feeling ang yaman ko! pero ang gusto ko lang talaga iparating sa kanya e, neknek nya! tapos nya ko bigyan ng emotional stress! HMP! san naman kasi ako kukuha ng $40K! hehehe...

hay... di talaga madali...

eto pala napansin ko, pag bahay ng mga pana... puro tiles, as in me arko sila sa bahay tapos puno un ng tiles... pati sahig nila ung tiles na maliliit. feeling ko tuloy pag pasok ko nasa isang malaking C.R. ako. hihi.... pag naman mga yalam, puro naman me mga column/pillar sa loob ng bahay. tipong kaliit liit na space e me pillar sa gitna... at ang kulay ng mga walls e yellow or orange... pag mga chinese naman, ang house maayos... PERO amoy insenso naman.... wehehehe...meron kami nakita na bahay ng pinay, me mga capiz sya at mga kutsara at tinidor na malaki na nakasabit sa dingding kasama ng mga miniatures na mga itak! ahahha.... nakakatuwa...

meron pa pala kame nakita na bahay ng pana, my gulay! 5 ang anak, ang gugulo! sabi nung owner, pag binili ko daw ung bahay me kasamang free na bata! NYAH!

at meron pang isang bahay na sobrang natuwa saken ung anak nila (3yo), sabi nya "auntie, tomolow you come back to my house, ok!" eto ay sinabi nya matapos nya ilabas lahat ng gamit nila sa kwarto at ipakita saken! whehehe... close kame!

nakakapagod!