Tuesday, June 27, 2006

wedding supplier ratings

ratings: 1 lowest, 10 highest

Photographers - rey mondez with rey tuazon and rey jr.
Contact details - rey mondez : (http://reymondez.ph)
- rey tuazon : 90935247
ratings - 10
-10 hindi dahil friend ko si rey, pero dahil satisfied talaga kame sa pics!since di kame showbiz people, nung una parang nakokornihan kame sa mgaposed shots at sa iba pinagagawa samen ni rey mondez pero ng makita namen ang pictures e sulit naman pala ang pagod namen sa paglakad lakad ng naka kuntodo gown at suit. =)
-at si rey tuazon naman, meron na ren sya eye for details. hindi halatang baguhan.

veil,cord, arrhae, mom's accessories, sarong packaging, wine packaging -
Crafts and Creations
Contact details - 09173447269 -creations_crafts@yahoo.com
ratings - 10
highly recommended para sa overseas brides. (and sa mga nasa pinas ren.)super bait, super tyaga(sa makulit na customer na tulad ko), super galing na supplier.

House of Peranakan Cuisine
Contact details - Bee Leng ( sbeeleng@singnet.com.sg)
ratings - 10 for service, 8 for the food.
-super bait. kahit ano hilingin namen sige lang ng sige basta kaya ren lang nila ibigay. nga lang, maanghang ata sobra food nila. sinabihan na namen ng less chili e maanghang pa ren daw sabi ng mga guests. Buti na lang norms na dito ang maanghang ang food kundi baka sinumpa na ko ng mga taste buds ng mga bisita ko. :p

Invitations - www.handcraftedexpressions.com
Contact details -(imaginovation@yahoo.com)
ratings - 10
another super bait na supplier. super bilis din gumawa. and very creative.

wedding package(gowns, suits, make up) - everbliss, suntec
Contact details -91196830, christine
ratings - 10 -
ok na sana sila e, nasira lang sila sa bouquet ko. ang chaka talga ng binigay nila saken promise! napagastos pa tuloy ako sa last minute. dahil nagpagawa ako ng bago.- isa pa nakakainis e ung pag repair nila sa mga suits. sinukatan na ang mga boylet namen tapos pag uwi sa bahay ng suit di man nagawa. so need pa ulit ibalik.

bridal car - everbliss
Contact details -91014235,mr ong
ratings - 10
- ok ang driver. wala ako narinig na reklamo. me dala pa sya tubig para samen. =)
cake -the patissierContact details - 67373369 ,michelleratings - 10 - maganda ang gawa nila and happy ako sa kinalabasan ng design. last minute nagpalit den ako, wala man ako narinig na reklamo.

Florist - Future FLorist (International Plaza, Singapore)
Contact details - 9680-3091; 6226-3933 ,mr. tan
ratings - 10
-super bait ng me ari. as in sya pa nagsasabi kung san ako makakatipid. sya rin nagsalba ng bouquet ko. at ang mura pa maningil. dun sa una ko florist pinagtanungan, almost $700 ang charge. wala pa dun ung bouquet ko, sa future florist 1/3 lang ng price andun na ung bouquet ko.
kaya sa mga me GF na papadalhan ng flowers, dito kayo umorder. =)

hotel - raffles the plaza
Contact details - 6339 7777 (www.singapore-plaza.raffles.com)
ratings - 9
-ang ganda na sana ng room. malaki ang bed. maluwag. kaso naman, walang dresser sa labas. kaya inayusan ako sa toilet na. and kahit na free ung first night namen, e same service pa ren sila. nakakatuwa pa sila kasi panay bati ng congratulations saken ng naka wedding gown na ako. hihi

Chocolate Fountain
Contact details - Les(93848131)
ratings - 9
-mabait den. kaya lang ako pa nag pick up. mahal kasi delivery charge. hehe.


sarong souvenirs
Contact details - sajwl2@yahoo.com
ratings - 9.8
-navy blue kasi ata ung inorder ko pero ibang blue ung dumating. pero ok lang mabait naman ung supplier. magka iba lang ata kame ng pagkakaintindi ng kulay. hehe. nakakatuwa pa sya kasi bumati pa sya sa nung kasal namen. greetings pa yun from indonesia!

wine labels - StoneyCreek U.S.
Contact details - http://www.stoneycreekwinepress.com/
ratings - 8
-sabi nila scratch proof ung labels. mukang hindi naman kasi nasscratch sya. pero ok lang.

wedding singers - RAC( rei, alison and cyrel)
ratings - 10
-very talented group. they really know what they are doing. one less worry na ng ikakasal.

church - St. Therese
contact details - 93831494(bernadette)
ratings - 10
-ok ang church namen. bukod sa fully renovated ang church, mabait ung pari.di tulad nung pari sa una namen pinagtanungan na simbahan. napaka-sungit nun! hmp. Buti na lang nag-sungit sya, kasi napaganda pa ang pictorial session namen kasi maganda ang church. hehe

support group - FRIENDS
ratings - 10 ++++
-super lucky kame ni mahal to have wonderful friends who went all out to help us para maging maganda ang wedding namen.
marc - for being our emcee, boses pa lang pamatay na.
jenny - emcee rin na di nagpahuli ke marc
alan - for helping us with the church slides and video
alex - na kahit naka barong, didn't care at mega buhat sa cake namen.
ada, nat, kdan, steph - for singing in our wedding.
jeco/liezel m. - for the videos.
darwin/pazette - for the nice black and white pictures.
ada/liezel m. - na naging on the day coord.
ria - make up artists ng mga abay.
aby - our commentator sa mass
vanj, che and kristy - readers sa mass, na kahit mga kabado e pumayag.
acho - for the fruits na tinuhog with love with ada, jeco and aby sa tabi.
monet - for patiently printing my misalettes.

ayan po ang aking supplier ratings, sana wala ako nakalimutan!

Tuesday, June 20, 2006

DEFINITELY, NOT MY WIFE!

"DEFINITELY, NOT MY WIFE!"

ayan po ang statement of the year na binitawan ng aking asawa habang hawak ang aking kamay. kung kailan at saan, inyo pong malalaman sa kabuuan ng aking wedding kwento.
Nag leave ako mula ng Tuesday na kasi parang ang dami pang dapat ayusin, pag pack ng mga souvenirs, yung pick up ng choco fountain, yung sa cake, yung sa mga damit namen. Grabe, as in mula 2 weeks ata before the wedding epuyat na ko lagi. Halos di na nga kame nagkikita ng aking si little boy.Na nakakatuwa naman kasi di naman sya nagmamaktol. Basta pag nagkikita kame sigaw lang sya ng sigaw ng MOMMMMY! MOMMMMY! MOMMMMMY! na parang miss na miss nya ko...

Fast forward to Friday, pagkuha ko ng bulaklak ko e NYAH! naiyak ako, as in mukhang kampupot. Dapat ang flowers ko e calla lilies. Mahaba na stem, tapos meron lang balot ng pearl string sa stems. aba e pagkuha ko para kong pupunta ng sementeryo. As in naiyak ako pagkita ko sa kanya. Tapos ung florist pa panay sabi saken, its ok what? Ang sabi ko maybe for you but not for me. Buti na lang andun si mahal at si kapatid. Sila nagpapakalma saken, Punta kame agad dun sa isa pang florist. Yung gumawa ng para sa church ko. It was not the perfect bouquet, pero much better than the first one. Kaya medyo nakalma na ren ako. Tinangap ko na ang tadhana na mag-mamarcha ko na mas maganda ako kesa sa bulaklak ko. Wehehehe.
Tapos, friday night nag ayos pa kame ng reception place. halos 3am na ata kame nakatulog kasi excited na!

Gising kame ng sabado ng 9am. Breakfast. Tapos, 11am nasa hotel na ang aming (home)videograper,photographer at make up artist. Nauna na make-upan si mama. Ang kukulit nila, nag transform daw si mama from being a tya pusit to nova villa. wahahaha. Tapos pa, di makali ang nanay ko. Kasi heto naman tatay ko e binulungan sya, "mas maganda pa ung make-up na ginawa sayo ng anak mo kahapon...." Nyah! e day make up lang kaya ung gawa ko ke mama kaya sobra simple lang. Kaya maya't-maya sya nag ask saken ng, uy di ata maganda make up ko... Tumigil lang ng sinabi ko na "ma, kaya medyo makapal para maganda sa pictures, kasi pag manipis yan tulad ng gawa ko di maganda sa pictures." In fairness, maganda naman make up ke mama.

Tapos, nakakatuwa sila papa, bro ko at si little boy. Nakakatuwa sila tignan na naka suit lahat. At ang aking kapatid na babae, e ang ganda sa gown nya. Mukang princesa. At maya maya ren ang kalabit at tanong na, can i look at myself in the mirror? Pano kasi sabi ko maupo lang sya sa isang tabi. E naku di talaga makali.

Fast forward sa simbahan, haaaayyyy! tama bang maiyak ako sa bridal march ko samantalang ng paglabas ko ng sasakyan e ni katiting na kaba e wala ako nararamdaman. Kasi naman ang nanay ko, pagtayo ko pa lang sa may pintuan e humahagulgol na! Tama ba un.... kaya nadala na ren ako ng aking emosyon. Naiyak na ren ako. (At ng pinanood ko ang video, naiyak na naman ako! hehehe) Nakakakilabot kasi kanta nung banda na kinuha ko, panunumpa ang kinanta nila. Maganda pagkaka deliver.

At naiyak na naman ako sa vow ng asawa ko. Kasi, pinalitan nya ung vow na pinabasa nya saken. As in gawa nya lang ata nung umaga na. Hayyy, na in love ako ulit. Pero sa hina at ng boses nya dahil sa nerbyos e ako lang ang nakarinig. Kaya kung sakali itanggi nya e wala ako makukuha na witness na sinabi nya un! hehe

Nakakatawa ng sinindihan ung candle namen, ayaw mag sindi. As in tagal nung sponsor dun sa harap ng kandila, until manawa sya at ung palito na me sindi e pinatong na nya sa ibabaw ng kandila at hangang sa maki-alam na ung aming pari. tapos ng masindihan nya, ayaw naman mamatay nung palito na hawak nya. As in mapapaso na ata sya ayaw pa ren mamatay kandila. At nung kame naman ni mahal ang magsisindi sa kandila e muntik na sumawsaw ang veil ko sa dingas!

After ng church, picto pictorial muna. Smile dito, smile doon.Hayyy! ang hirap pala maging artista, buti na lang hindi ako sikat. hehehe

Then after the pictorial, fly na sa reception. Medyo na-late nag start ang reception kasi onti pa lang ang guest ng mga 7pm. Kasi ma-traffic papunta east coast, so nag start kame mag 8 na ata.
Ang grand entrance song namen, GROW OLD WITH YOU. Feeling drew. haha! At syempre, nagpalit pa ako ng outfit, hindi lang ako nakapag retouch kaya medyo mamantika na ang fez ko nung gabi! Nasunod naman lahat ng gusto namen except for the seating arrangements. Yung mga nawie friends ko tuloy e nagka-hiwalay.

Nagulat kame ni mahal sa host namen na guy (a friend also), kasi di namen expected na ganun pala talaga kaganda ang boses, "Good evening..." pa lang nya e, mapapa-kinig ka na talaga. At ang aming host na girl (friend rin) e di ren naman nagpahuli. Kala mo e mga propeysyonal hosts talaga!

After the dinner, nagsimula na ang mga games. Ung isang game namen e longest married couple. (They have to disqualify my parents, baka kasi sabihin luto. hehe) Pero ang nanalo e ang amo ko na pana. Paktay tayo dyan!Pero buti na lang game ren sila at pumunta ren sa harap.
Then after nun ung sa singles na. Dapat, bubunot na lang kame ng names sa isang box since di naman nag lalapitan ang mga singles. E friday night, tumawag ang boyfriend ng isa kong kaibigan na dati kong opismate. Kung pwede raw e makahingi ng ilang minuto sa wedding ko, kasi daw magp-propose sya sa GF nya! Ako ang kinilig para sa kaibigan ko, so ang ginawa namen. Niluto na lang ung singles na game, instead of putting all the names of the singles,name ng guy at girl na lang ang nilagay namen so kahit ano mabunot namen, sila na un. At as in nag-propose nga! ON BENDED KNEES PA! hay kilig moment talaga, nakaka-aliw. Naiyak nga ung girl kasi wala sya ka ide-idea talaga! Grabe, bilib ako sa lakas ng loob nung guy. sabi ko nga sa friend ko, ang lupit ng bf nya mahal na mahal sya!

Tapos, me game na ib-blindfold si mahal. (Di talaga alam ni mahal ang gagawin.) Nilagyan muna sya ng takip sa mata, tapos me pintayo sila 5 babae sa harap, including me. Tapos hahawakan nya lang nag kamay in 3 seconds, and will choose kung ako ang
Girl #1: (Che, my former housemate) >> Mahal's comment: ang lambot ng kamay a!
Girl #2: (Christine, a wowie.) >> Pinili ni mahal!
Girl #3: (Rachelle, former officemate) >> Mahal's comment: Nope.
Girl #4: (ME!) >> Mahal's comment: NOT MY WIFE!
Girl #5: (Sarah, wife of a friend) >>Mahal's comment: NopeGirl
#6: (My brother) >>Mahal's comment: I'm not even sure if that's a female!

So ng tanungin sya, sabi nga nya si girl #2 daw! So inulit, pag dating saken ang sabi nya "DEFINITELY, NOT MY WIFE!" tama ba naman un!!!! tawanan talaga lahat. nagsisigawan na nga mga tao e di pa naka gets. Sabi nung host, so ang iuuwi mo e ang girl #2! Sumigaw kuya ni mahal, "HINDI NA SYA MAKAKAUWI!" hehehe...

Tapos, me mga friends kame na kumanta for us. Mga kinanta nila You(Steph), Ikaw ang tunay na ligaya(Nat) at Ikaw lamang(Ada)... Magagaling sila tatlo. Promise!

Eto na ngayon, me best man's toast di ba. E ang BIL ko ang best man. E mahiyain un. So hindi daw nya alam ang sasabihin, tapos ang SIL ko gusto kumanta with the live band. So pinipilit nya si BIL, ang sagot ni BIL e di ko na nga alam ang ii-speech ko e kakanta pa ko. ABA! ABA! ng mag speech na, ang sabi na lang e..."wish you all the best, kakanta na lang ako!" sabay sabi sa banda, ready na ba kayo? Ala! bumabat ng Be my lady! with matching emote pa talaga! sabi ng mama ko, hiyang hiya pa yan! wahahaha. Pero magaling ang pagkaka-kanta nya, parang practisado. Ang nainis si SIL kasi gumuho ang pangarap nya maka-kanta with the band kasi iniwan sya sa ere ni BIL! hahaha...

Then ang first dance namen (LOVE OF MY LIFE), sinayaw ko ang papa ko at sinayaw ni flo si mama. tapos nung kinuha nako ni flo, dapat upo na si mama at si papa, aba! ang tatay ko hindi naupo! hinila ang mama ko at niyakap! Mas sweet pa sa amen! kaka-aliw tignan!

And after nun, nag speech na kame. At syempre ako e naiyak na naman. Dahil masaya ang naging wedding namen, simple pero rock. Ang saya! As in sobra kame na touch ni mahal kasi wala na kame ni worry during the wedding. Me mga glitches, pero nakaka tuwa kasi di na nakarating samen. As in sinolve na ng mga friends namen kung kaya ren ng powers nila. Yung tipong, ung cake namen e malayo samen at ultimo naka barong ang isa nameng kaibigan (Alex) e wala syang kiber na binuhat ang cake para ilapit sa amen. Mga ganun ba. Ang saya talaga, till now high pa kame mag-asawa! =) At nakakatuwa kasi mismo mga guest nagsasabi na nag enjoy sila sa wedding. Nakakawala ng pagod. (Pero sa totoong buhay pagod pa ren ako ngayon! haha)

Ayan ang aking wedding kwento, supplier ratings to follow. =)

Friday, June 16, 2006

BUKAS NA!

Mula nung June 7, nagco-countdown na ko sa YM status ko. Kung ilang tulog na lang. Napansin ng kaibigan ko wala na ko countdown, tapos na raw ba? Sabi ko bukas pa, wala na lang ako countdown kung ilang tulog pano e HINDI NA KAME NATUTULOG!

Tanong nga nila excited ka na? Sabi ko wala na ko space sa pagka excite kasi pagod na pagod na ko. Pero syempre, kunyari lang un. hehe. Kunyari lang cool na cool ako. Pero sa totoo lang tama bang kabahan pa ko e 3 taon na kame kasal. Pero ganun pala talaga ikakasal. Nakakaba. Ang dami kasi detalye dapat isipin. To think super simple lang ng kasal ko na wala masyado detalye.

Ilang gabi na kame puyat. Ang hirap mag-pack ng souvenirs. Nakaka -windang!
Yun na ren kasi ang ginawa namen na name tags para sa seating arrangement nila e, so dapat talaga ayos na ang pag pack nya per table.

So far, wala na ko kulang. Well sa tingin namen. I'm sure me nakalimutan pero siguro small details na lang un. Kasi so far, ung mga big items naka pack na lahat.

Nag-aantay na lang ako ngayon mag 2pm para punta kame sa hotel.

Tuloy na tuloy naaaaa! Naway maging maayos lahat. At naku sayang ang mga dugo na nawala saken sa pagpupuyat, anemic pa naman ako. weheheh.

Updates on Sunday!

Friday, June 02, 2006

updates! updates!

na miss ko ang blog ko! hayyyy, uber busy kaya di ko man lang mabisita ang blog ko.

15 days na laaaaaang! grabe, tuliro na ako. 2 gabi na akong puyat. (pagpasok ng june, panic na. hehe)

Nung isang gabi, ginawa namen ang table assignments. Naiinis ako kasi karamihan ng guests, kailangan pa tawagan isa isa. The term R.S.V.P. comes from the French expression "répondez s'il vous plaît", meaning "please respond". Ok fine, hindi lahat alam ang ibig sabihin ng RSVP dahil hindi naman lahat e marunong mag french. Pero naman ang nakalagay sa invite ko e "We have reserved ___ seat(s) for you. The honour of your reply is expected on or before May 28, 2006." Mahirap pa bang intindihin yun? At syempre ang pinaka nakakainis pa sa lahat e ang sabihin sayo na "sige pupunta ko, wag ko lang makalimutan." DUHHHHH! kung di ko lang iniingatan ang aking image na charmie ay naku! talaga naman. talaga naman. Sabi ko na nga ke mahal, I can be bad and di ko na lang sila tatawagan. Tapos I won't give them seats. Tutal di naman sila nag reply. Sabi lang ni mahal, it's not for us to teach them good manners and right conduct. Na sinagot ko ng I WANT TOOOO!!!! hehehe.... Henewey, tapos na ang seating arrangements namen. We only have 5 seats extra. At reserve ko pa to sa mangagaling sa pinas.

Ano pa ba kailangan ko ayusin.

Flowers - Nakakuha na ko. Not so grand, pero at least di na sya mas mahal pa sa wedding rings ko! Tama ba naman kasi na ung unang nag quote saken e mas mahal pa sa wedding rings ko ang bulaklak? Mamaya punta ko dun para bigay ko ung candles ko para tignan nila kung pano nila ia-arrange sa church.

Cake - binago ko ang cake ko. Instead na mag 3 layers ako, 1 layer na lang sya. Para na lang sa cake cutting ceremony. Ayaw ko na nga mag cake sana dahil di man nakakain ang cake, pero sabi ni mahal sayang naman ang cake cutter ko. wehehe. parang mali ang logic nya kasi ung cutter ko ang cost nun in peso lang, ang cake ko in $$$. Napamahal pa ren ako. Sabi ko naman sa kanya, magagamit ko naman ung cake knife just in case mambabae sya. :p

Bridal Shoes - nakabili na ren ako at happy ako sa nabili ko. Kasi pwede ko sya magamit kahit sa ibang araw.

Kagabi inayos namen ang name tags ng souvenirs. Pinangalanan kasi namen bawa't isa. Para me personal touch. Naks! E nanang kupo! Madugo pala. Kasi ni hand stamp namen ang bawat name, e syempre per letter ang pag stamp. Kaya ayun, alas dos na nasa kalahati pa lang kame. Pero happy naman ako sa resulta, pwede gawin bookmark after ung mga tags.

Ang mga wine para sa sponsor, darating na bukas. Bukas un naman ang aayusin namen. Kasi need pa lagyan ng label at need pa i-pack. Pero 15 lang naman ung kailangan lagyan ng label at tags so di na ganun kadugo.

Band - nakausap ko na ang band. ang band ko ay sila Mr. Brosnan??? oo, un name nila. Kung bakit hindi ko po alam! ako e costumer po lamang!

Program - meron na ren kame program. Maiksi lang program namen. 2hours lang nga ata. Yung half hour pa dun speech ko. Wehehe. Joke po.

Ano pa, ano pa? Sana wala na ko nakalimutan.

Ang wala pa pala e ang suit ni little boy! WAAAAAH! kasi di pa namen binili ung nakita namen dati. 2months ago kasi namen nakita un at kala namen e lalaki pa si little boy e kaso till now little pa ren sya. dito ako kinakabahan.

Kahapon pala dinala namen si little boy para mag practice. Sa bus sabi ko sa kanya, little boy lalakad ka sa church ha. Ang sagot nya,"achan na pillow ko?"(Pina-practice na kasi namen sya sa bahay at naglalakad sya ng pagka cute cute. pag sinabi mo pang picture! picture! e hihinto pa sya to smile. ) E di kala ko naman ok na. alamak! pag dating sa church ayaw mag lakad at naglaro na sa mga pews. At balak pa na pati ako e palusutin sa ilalim ng pews. "Mommy, luthot ka dito." Nyak! ano ba un. Sabi ko little boy lakad ka muna dito dali. So kinuha nya yung pillows, at nakuuuuuuu itinakbo mula sa door hangang altar. Para siguro tapos na ang utos ni mommy. Josmio! pano na kaya sa kasal? Oh well, bahala na si batman! Goodluck na lang sa aken. hehe