loooong weekend!
nagpunta kasi kame ng new jersey nitong weekend. it was suppose to be a 6-hr drive, pero dahil sa mali maling exit. ginawa namen itong almost 9 hours! kasi naman kada magtatanong kame ibang way ang sinasabi. pag nasa north side kame,sasabihin papunta south yun. pag naman nasa south na kame sasabihin samen pa north ung tinutuntun namen. kaya naman paikot ikot kame dun sa area. and we were just like an hour away na lang from our desti. soske, nagkataon pang sa may toll gate kame paikot ikot. kaya kumita samen ang toll gate! 3x kame umikot sa magkabilang toll gate. hangang sa sinundo na kame nung pupuntahan namen. kakahiya. :p mag 12 na kame nakarating sa kanila. inabot na kame ng dilim kaya ang hirap mag navigate.
then the ff day, saturday. punta kame ng sesame place. nag enjoy si little boy at ang nanay na laki sa sesame street. hehehe. si little boy nag enjoy ng husto ke elmo. ako nag enjoy ke "big bird" at si hubby nag enjoy sa mga big "b**bs! wehehe. joke only. pero grabe nga ang mga boobs nila, bakit ganun? parang ulo ko na. para tuloy akong naging dalaginding na pinamumukulan pa lang. wehehe... hay naku wholesome tong blog ko so change topic.
after sesame, nagpunta naman kame atlantic city. di man kame nag casino kasi kasama namen si little boy at di ren talaga kame mahilig ni mahal sa sugal. so nag boardwalk lang kame. at habang nagjajalan jalan sa boardwalk, e me natuwang mga puti ke little boy at ayun binigyan sya ng malaking nemo. na ewan kung pano namen un bibitbitin pa SG. baka un na hand carry ni little boy. kaya naman natigil si little boy ng pagmamaktol kasi nalula ke nemo. ayun tahimik na sya natulog pauwi ng byahe yakap si nemo. kaaliw.
sunday, rainy day. punta kame NY. napuntahan namen ang twin towers. grabe nakakakilabot ang place. empty space. ang nasa labas lang ung mga pictures. pati ung account of actual event. creepy. =( sayang di namen inabot ung lion king. kasi 330 namen nakita, 3pm ung start ng show. na enjoy sana ni little boy. di ko masyado nagustuhan ang NY. parang masyadong busy. (syempre city. hehe) parang naguguluhan ako masyado sa kanya. ang daming parang mga sangano. (para kong nasa recto. yun nga lang magaganda ang mga buildings. pag labas pa lang kasi ng terminal ng bus, ang dami na mukang sangano. me hinuhuli pa nga ang mga pulis. anobayun! nag bus tour na lang kame. medyo ma ambon ambon pa, nadala ata si little boy sa ulan kaya naman ng pauwi na, ng pasakay kame ulit sa bus sabi nya ayaw na nya sa taas. (double decker kasi ung tour bus at nasa taas kame na open)
then monday pauwi ng maine, dinaanan namen si mareng liberty. sabi samen ni ate gina, 20min lang daw ugn ferry, so balikan 40 minutes di ba. kala ko mga 1.5hours ok na kame. alamak! inabot nakame dun ng alas-singko! yaiks! so ginabi na naman kame sa daan. pahirapan na naman sa pag navigate! ayayay! ayun na nga, we missed another exit pero mas maalam na kame ngayon kaya naman medyo 10miles lang ung nasayang at back on track na naman kame. nakakatuwa si little boy, kasi alam nya na di na sya talaga pwede umalis sa car seat nya at di naman ako pwede lumipat sa likod. sasabihan na lang nya ko ng "mommy, hawak mo na lang kamay ni meg." tapos matutulog na sya. awwww! ang sweet ng anak ko. sana hangang pag laki nya, kaya pawiin ng paghawak ko ang kahit na anong dinaramdam nya. naks senti! hehe.
halos 12am na naman kame naka uwi, kaya naman di na ko naka abot sa company dinner ko. tapos di pa ko makatawag sa kanila kasi dead ang HP ko. tapos na late ako kanina pa umaga kasi nga pagod na pagod kame sa byahe at napasarap sa tulog. ayun, pag pasok ko sabi nila malapit na daw nila ko isama sa listahan ng mga missing persons. ahehe.
nag enjoy kame sa trip sobra, kahit na sobrang pagod. pero miss ko na ren ang SG kasi nilalamig talaga ko dito. partida summer daw dito. brrrrrr!
simple as 1, 2, 3.
1 husband, 2 hobbies(scrapbooking and gardening) and 3 kids(MRK). She used to live in the little red dot and is now living down under.
Tuesday, August 29, 2006
Thursday, August 24, 2006
ang aking little chickboy!
kinakabahan ako sa aking iho. mukang chickboy pag laki. pag me babae na nakikita, nakakalimutan na kasama nya nanay nya. lalapit sa babae at parang si joey ng friends na lilinya ng pick up line na "how ya doin?" un nga lang ang sa kanya e "what are you doing?" at panay ang sabi ng "I'm meg."
dinala ko kanina dito sa office, aba at ang damuho e nagpasikat! as in kung ano ano pinagagawa.
"I'm a lion.... roooaaaarrrr!"
"I'm a rabbit... (hop! hop!)"
"Peek-a-boo!" "Belly wobble.. (Hi-5!)"
"I'm 2 years old!" >> kahit wala naman nagtatanong.
"I'm fine. Yeah!"
"Ok, see you!" >> sabay kaway at flying kiss
Panay ang posing. Panay pa cute. Habang me pumapansin lalo ginaganahan.
Mukang me future ang anak ko sa showbiz!
simplymuah >> stage mother in the making! haha

Wednesday, August 23, 2006
I RESIGN!
I RESIGN!
oh well, hindi po ako. kundi ang supposedly magte-train saken dito sa US of A ang nag resign. And yes, effective today. Umuwi na syang dala ang halaman nya.
So eto ngayon, self study ang lola nyo. nyarkssss!

word of the day: nelemas
little boy: mommy, asan na nelemas?
mommy: anong nelemas?
little boy: mommy, asan na nelemas?
mommy: anak di kita naiintindihan.
little boy: mommy, asan na nelemas?
little boy: mommy, asan na nelemas????
little boy: mommy, gusto ko punta nelemas?
little boy: mommy, asan na nelemas?
***ang nelemas po pala e ANIMALS! aysus ginoong mga hayop!

Saturday, August 12, 2006
My verdict on BE!
Dumating na kagabi ang order ko. I ordered the 26-Piece Collection bareMinerals Best Seller Collection. At gamit ko na sya ngayon umaga.
My verdict... Nothing special.
Yung Multi-Tasking Bisque na supposedly e miracle concealer, didn't conceal much. I tried using it on my dark eye circles, didn't cover much. Mas effective ang concealer cream ng Bobbi Brown. (I am comparing it with Bobbi brown kasi un ang gamit ko na make up.)
Though nice ang mascara nila kasi hindi heavy sa eyes.
Give their brushes a miss. Ang tigas! Hindi worth it para sa price. Get the bobbi brown brushes instead. Halos pareho lang ng presyo. Mas malambot sya sa mukha ng di hamak.
Yung make up pang everyday use lang talaga, hindi pwede pang dramatic entrance. In fairness, yun naman ata gusto nila i-project and barely there make up. So kung pang pasok sa office, eto ang gamitin. Pero kung gusto mo ung mapapansin ka, use other brands.
Ang huhusgahan ko na lang kung tatagal sya hangang mamaya ng di na kailangan mag-retouch. =)

Friday, August 11, 2006
US of A
andito ako ngayon sa bansa ni uncle sam. dumating ako kahapon at isang himala dahil parang hindi ako na jetlag. nung unang punta ko kasi dito, 2 weeks ako andito eh 2 weeks ren ata ako lumulutang. e ngayon, kagabi lang ako dumating pero ok naman na ako. o' feeling ko lang ok ako kasi nasa room lang ako at di pa ko napasok. hehe.
pag alis ko ng singapore, na principal's office pa ako. e pano naman kasi, nagpalit ako ng passport. nalimutan ko naman ipalipat ang re-entry permit ko! so illegal na pala akong nagsstay sa singapore. sabi ko nga ke mahal, "tama ba un! me US visa nga ako, wala naman ako Singapore visa!" so mega sorry at promise ke officer na magpapa tatak ako pagbalik ko. Buti na lang mabait ung officer. Kung hindi naku lagot ako sa amo ko at di ako makakalipad.
Pag dating ko naman dito, naharang naman ako dahil sa laptop. Chine-check na pala pati yun.
Yun naman nag check ng laptop ko sobra chika. Tinanong pa ko kung nano-nood ako ng world cup. Me football print kasi yung shirt ko. Sabi ko, "Yeah, when I do get the chance." Ngak! Wrong answer! Natanong pa tuloy ako kung sino nanalo. Sagot ko, "Italy???" As in malaking question mark! E isang game lang ata napanood ko. At malayo pa sa semis noon. Dahil naman sa madaling araw naman pinalalabas ang game nun. Pero sabi nya un daw nanalo, natalo daw ang France. (Parang hindi naman un ang magkalaban. Ah ewan, malay ko. hehe)
Tapos kanina nagpunta na ko sa mall, parang ang mahal ng grocery dito. $50US na nagastos ko e ang onti pa ng napamili ko. Sa singapore, malayo na nararating ng $50 ko. Mukang di ako matutuwa mag grocery dito. Pero ang scrap shop nila.... siyeeeet! Para kong nasa heaven! Ang sarap mamili kasi un ang mura. Yari saken si mahal, promise nya kasi na ipapamili nya ko ng scrap items. Di nya siguro akalain na sandamakmak dito. ahehehe.
Feeling ko lang dito ang liit liit ko, bigla ako naging petite! Samantalang sa pinas at gapor e feeling ko ang laking babae ko na. Dito parang pag binalya ko ng mga makakasalubong ko e tatalsik ako. hehehe
Nakausap ko na ren kanina sila mahal at little boy. Salamat sa yahoo at libre usap. Hehe.
Kaya lang nalungkot ako kasi umiyak si little boy. Kala nya ata andun na ko sa house, kasi naririnig na nya boses ko. Panay sigaw at iyak ng "mommy, come! mommy come!" me kasama pang reaching arms. =( Kala ko pa naman ok na ung paghihiwalay namen kahapon. Kahapon kasi pag hatid saken sa airport di sya umiyak. Pano tuwang tuwa sa mga eroplano. As in nagba bye agad saken kasi daw titingin pa sya ng planes. Siguro kagabi nya lang na realize na wala ako dun.
Di ko pa ma enjoy ngayon ang isteyts, kasi di man ako marunong mag drive. Tambay lang ako sa hotel. Buti na lang free internet. Next week pa ko makakagala pag dating nila mahal.

Wednesday, August 02, 2006
ka-blag!
naku ang aking iho. nahulog na naman kagabi sa kama. at sa kasawiang palad, di ako naging maagap. pag bangon ko nasa sahig na sya. =( kawawa naman. iyak tuloy ng iyak. ginawa ko minasa-masahe ko ang ulo. sabi ko, "wala na anak di na masakit." sabi naman nya, "mommy, meron pa saket. waaaaah!" naawa naman tuloy ako kasi bago matulog galit na kameng dalawa. ang arte kasi. oh well, ako lang pala ang inis.
mommy, want dodo.
mommy, lagyan mo hot water. (kung kelan naman lumaki saka nag inarte sa warm milk.)
mommy, want small dodo. (arrrg! me pinipili pang bote!)
mommy, want water.
mommy....
little boy, pag ako nainis sayo me palo ka na. ayaw mo pa matulog. bahala ka na. sleep na ko. (sabay talikod)
mommy, sleep na ako. (hikbi! hikbi!)
mommy, love mo na ko. (pilit nagsusumiksik)
mommy, good boy na ko.
mommy, want kumot.
mommy, small kumot lang.
little boooooooyyyyy! naiinis na koooooo!
mommy, dud nyt.
love you mommy....
mommy....want.....
arrrrgggggh!

Subscribe to:
Posts (Atom)