Tuesday, September 19, 2006

ang aking anak na saksakan ng good boy!

last friday night, ako e busy gumawa ng aking props para sa aking munting salo salo together birthday party.

eto ngayon ang aking anakis na pilit nakiki-gulo at pilit na nakiki alam sa gamit ko.
so ang sabi ko sa kanya, "little boy, wag makulit. ibibigay kita ke yaya angie at ipapa-akyat na kita sa taas."

at dahil mabait sya at masunurin, naupo na lang sya sa isang tabi. makalipas ang 5 segundo.

little boy : "mommy, di na tulit si little boy oh."

after another 3 seconds...
little boy : "mommy, di dadalaw ni little boy gamit mo noh!"

after 2 seconds pa ulit.
little boy : "mommy, di na tutuha ni little boy ang paper mo."

after another second.
little boy : "mommy, di na bigay little boy ke angie kasi di ako matulit noh."

isa pa uling segundo..."mommy....."

mommy : "little boy, ayan na ang papel. ayan na nag stamp, ayan na ang ink. sige anak gawa ka na!"

windang ang nanay!

********************
kahapon naman, ako e medyo ginabi ng uwi. pag dating ko nakain na sila mag-ama, e di ako e nakisabay na. eto ngayon si little boy, sampa agad sa nanay. syempre pagod ang nanay, sabi ko wag nya ko sampahan at pag-lambitinan. at ang sagot ng aking anak....

little boy: "mommy, lo-love lang kita. miss ka ni little boy e."

awwww! kundi ba naman madurog ang puso ko....

********************

Thursday, September 14, 2006

hellomoto

kahapon naka on-call ako. so antay antay ako ng tawag.
ng mag ring ang fon ko, takbo ako para sagutin. takbo ren si little boy at nauna sya.
syempre, sigaw ako "little boy, wag office ko yan!"
e pasaway, sinagot pa ren nya at ang sabi nya, "HELLO, OFFICE!"

wehehehe... si office nga daw kasi un e! (buti na lang si mahal lang pala.)

ang bad boy.

nung isang gabi si little boy nagising ng alas dos! (sya pinakajetlag saming tatlo)
e gusto ba naman maglaro at ayaw paawat. e madaling araw nga!kasarapan ng tulog. so sabi ko sa kanya, hay naku ayaw ko na sayo at bad boy ka. sabay talikod na ko.
pag talikod ko sabi nya....

"in the name of the father, and son and holy pirit amen.bless mommy, bless daddy, bless meg. good nyt jesus. tutulog na poako.in the name of the father, and son and holy pirit amen."

tapos yumakap saken at nag kiss, sabi nya "mommy di na ko bad boy."

natawa nga ako buti na lang madilim di nya nakita! hehe

Tuesday, September 12, 2006

MATULIT!

last saturday nagpunta kame ng east coast. pinasyal namen ang aking lola (88 years old).
actually me jet lag si little boy kaya naman ang aga namen magising. windang na nga ako kasi minsan alas dos ng madaling araw gising sya, swerte na ko kung alas kwatro sya magising.

so eto na, pag dating sa east coast e di laro laro si little boy. meron syang ledge na inakyatan. eto ngayon ang lola, masyado protective pilit syang hinahawakan. ang little boy naman, ayaw pahawak.

lola: hawak ka, baka mahulog ka.
little boy: wag mo ko hawakan lola.
lola: hawak at baka mahulog!
little boy: lola wag!
lola: naku baka mahulog ka sabi e.
little boy: lola, wag ka matuliiiit! mommy!!! ang tulit ni lola! waaaaahhhh! sabi ko wag na hawak little boy e. ayaw bitaw tamay ko. mommmmyyyy! waaaahhhh!

ahehe... sino nga ba ang makulit???

ang bad boy.

nung isang gabi, ang tigas ng ulo ni little boy. meron syang ginugulo. sabi ko tigilan na. ayaw makinig, so sinumbong ko sa tatay nya. sabi ni daddy, little boy tama na yan. isa. ayaw makinig. little boy, dalawa. ayaw pa ren. little boy, mapapalo ka na. deadma ang bata. so sa ikatlong bilang, napalo na nga. ngawa syempre. so ang nanay lapit ke iho. gusto ko maintindihan nya kung bakit sya napalo.

mommy: little boy, tama na iyak. bat ka pinalo ni daddy?
little boy: waaaahhhh...
mommy: little boy, alam mo bakit ka napalo?
little boy: kasi bad si daddy! waaaaahhh! bad boy ka daddy! waaahhhh!

nyarks! ang tatay pa ang bad. ahehe. pano na ang paliwanagan?

Thursday, September 07, 2006

talaga naman na it's the journey!

i'm back from the grave.

after 50 golden years sa airport, sa wakas kame ay nakarating ren sa singapore.

dapat lunes pa kame nakarating dito, ang flight namen from portland to newark e 6pm. (1hr flight) aba, e past 9pm na kame naka sakay ng eroplano. tapos pag sakay pa namen, syempre di daw nagana ang isang computer ng aming munting airplane (50-seater) ang saya-saya!

so baba ulit, lipat ng ibang plane. pag dating naman sa ere, soske malalaglag na ata puso ko sa alog dahil sa weather! para kong si keana na sumasayaw sa tugtog ng aalog-alog! feeling ko katapusan ko na! grabeee talaga! un na pinaka matindi kong lipad. para tuloy ayaw ko na umulit. grabe katakot!

so almost 11 na ren kame nakarating sa newark. e nasa ibang terminal pa, so kahit ata mag eroplano ulit ako papunta sa kabilang terminal, di pa ren kame talaga aabot. unless, e humarang ako sa runway at sumigaw na me terorista sa ilalim ng gulong nila para tumigil sila!

so to make the short story, shorter... kame po e naiwan ng eroplano papuntang SG! kaya mas mahabang journey!

eto na ngayon, alas dose ng gabi. tulog ang aking iho. kame e nasa airport. so ano ngayon ang kailangan gawin? e di humingi ng hotel sa me kasalanan. nagpunta kame sa office ng airline at nag demand ng matutulugan. aba, e mabigat magbuhat ng 12kg na bata sa buong magdamag ano! e kaso sabi ni officer, wala daw pong hotel. 3am pa daw magbubukas ang kanilang international office. ehehe, ang saya talaga.

e di ang aking pagka maldita e umiral. sabi ko sa aking esposo, hindi tayo aalis ng office hangang di tayo binibigyan ng hotel! e aba, wala akong balak mag ala tom hanks sa terminal! so tumambay lang kame dun sa office nila. tapos, ako e nangangalay na so lumabas muna ko. ng papasok ako, nasalubong ko ang officer. HMP! Ismidan ko nga. pag upo ko sabi ng asawa ko, me hotel na tayo, with transpo at meals. nyahahaha, inismidan ko pa e nagbigay na pala. buti nalang di binawi. kaya naman after nya mag explain saken kung papano un, sabay tanong sya ng "so you happy now? you were so mad at me." syempre ako naman e lumambot na ang puso, sabi ko "i'm not mad at you, i am mad at the situation. we've been at the airport since 3pm and with a difficulty level of hard cause we are carrying a toddler!" isisi ba bigla sa anak! nyahahaha....

so ayun, free hotel, transpo at meals. pero syempre di pa ren madali, kasi till 12 lang ang hotel. so by 130pm nasa airport na ulit kame kinabukasan. e 11pm ulit yung next flight. kaya ayun, lahat ng bata sa airport, kinilala na ng anak ko. at siguro dahil burong buro na anak ko kakaintay e ayun, nilinis nya ang sahig ng newark airport using his wet wipes! (at dahil scrapper ang nanay, imbes na awatin ang anak e pinicturan pa!teeheee)

sa plane naman maayos si little boy, kundi tulog nanonood lang ng tv. kaya naman amaze na amaze ang nasa likod namen. such a wonderful boy daw si little boy at behave na behave. hindi nila alam wala ng energy kasi naglinis ng airport! nyahahaha.

kaya eto po ako ngayon back to regular programming... =)