ang aking iho masyado maka nanay. pag nasa bahay na ako ayaw na nya sa yaya nya. pagpasok ko sa room, papa alisin na nya si yaya, as in "ate angie, dun ka na sa room mo." palayasin ba ang yaya! hehe.
ang nanay naman salbahe, pag ayaw nya sumunod ginagawa ko panakot si yaya. tipong "little boy, bad boy ka? gusto mo bigay kita ke yaya? ANGIIIIEEE! KUNIN MO NGA SI LITTLE BOY!" tapos sasabihin nya, "ayaw! ayaw ko ke angie. good boy na ako mommy!"
super effective yan, lalo na at ayaw matulog sa gabi. isang sigaw ko lang ng YAYA ANGIEEEE! mabilis pa sa alas kwatro ang pag pikit ng aking little boy.
minsan, nangungulit ang daddy sa little boy. as in sobrang kulit, sabi ng aking iho... "bad boy ka daddy! ANGGGIEEE! KUNIN MO NA SI DADDY!"
tama bang ipa-alaga ang daddy ke yaya! hehehe...