Tuesday, December 19, 2006

Friday, December 01, 2006

cutaneos na hindi cute.

To all the mommies out there, konting ingat po sa mga playground. lalo na ung sa may sand at me mga nagala na aso/pusa.

Ang aking little boy e nadali ng cutaneous larva migrans (http://www.dermnetnz.org/arthropods/larva-migrans.html)

Una, nagiiyak sya ng gabi. sakit daw paa nya. e si little boy ko di yan iiyak unless me masakit talaga. buong gabi halos di ako nakatulog. tapos ng tinignan ko paa nya, parang me kagat ng ipis. ung namumula na nakaumbok. pero wala naman marka ng kagat.

the ff day, meron na sya parang butlig. dinala ko agad sa ospital, kasi gusto ko nga itest nila. dahil baka mamaya makamandag ang nakakagat. e kasi kumakalat na ung pamumula, tapos dalawang paa pa. ang sabi lang saken ng doctor "i think it's an insect bite." naku delikado. i think daw. di sigurado. so sabi observe ko daw for a week e buong gabi na naman di nakatulog meg. Kinabukasan, nakupo! me track na sya ng worm sa paa. pero syempre di ko pa alam kung ano un. para lang mga nerve na gumagapang sa paa nya. so right after office , dinala ko ulit sa doctor, pero this time sa pedia na nya, pag tingin pa lang ng pedia alam na kagad nya na worms un. hay buti na lang maalam ang doctor na ito. mamatay naman daw ren un ng kusa un nga lang sobra kati. so binigyan ng gamot, then after a few days para na sya naglapnos. ung me tubig sa loob. tapos nagputok nun, natutuyo na. ngayon onti na lang.

ang nakakatawa sa lahat ay eto... normally, pag me masakit sa little boy ko, kinikiss ko ang masakit sa kanya then ask ko sya kung masakit pa. madalas sasabihin nya hindi na. so kiss ako ng kiss sa paa nya nung sinasabi nya na masakit, tapos malaman laman ko worms pala ung nasa paa nya.. YUCKKKK! kadere! ngayon ko na realize na para akong nakipag leps to lepsan sa mga uod na un. EWWWWWW!