Tuesday, February 24, 2009

When I get to college...

Little boy (who is now in prep) : Mommy, pag nag college na ako hindi na ako uuwi dito. Titira na ako sa ibang house, yung walang kasamang family.

Mommy(gustong mag-sumigaw ng nooooo!) : ummm.... Okay.

Little boy : hindi ka iiyak mommy?

Mommy : Hindi. Kasi dadalawin mo naman ako di ba?

Little boy : Yes mommy. I will visit you always.

------------bago mag sleep---------

Little boy : Ayaw ko na mag-college mommy.

Mommy : E aba, paktay tayo dyan anak. Bakit naman ayaw mo na mag-college?

Little boy : Cause I don't want to leave you. I don't want to live alone.

Mommy : It's alright. If you want to visit me and sleep in my house, you are always welcome. You can always do that.

Little boy : Promise mommy?

Mommy : Of course! Matagal pa yun. Mag G-grade 1, 2, 3, 4, 5, 6 ka muna. Tapos High school 1, 2, 3, 4 pa. 16 ka pa mag college.

Little boy : Matagal pa ba ako mag 16 mommy?

Mommy : Matagal pa. Matagal ka pang titira dito sa house ni mommy.

Little boy : Okay.

-----------------------------

Ahuhu! Prep pa lang sya naiisip na nya un. ahuhuhu...

Wednesday, February 18, 2009

My Little Nadal =)

Kaninang umaga, first day ng tennis lessons ng aking little boy.
Pina-try ko lang sa kanya, para tignan kung ano gusto nyang gawin sa buhay nya.
Kung magustuhan nya, tutuloy ko. Kung ayaw, hindi na.

E pareho kame excited so maaga kame. Pero mas me excited, kasi may mas maaga.He he
So chika chika, i've learned na ung anak nya grade 3 na. Sinali daw nya nung maliit kaya lang tinamad, kasi di pa daw nga kaya kasi maliit pa. Di pa daw kaya.

Little boy to the father : I'm gonna win you know!

Mwehehehe. Di naman kaya over-confident ka iho. Ni wala ka pa nga raketa!

Then dumating na ang mga coach at iba pang bata.

Little boy : Alright! This is sooo cool! This is gonna be fun... cause I'm gonna win!

Nyahaha! Walang kupas. Lekat di kaya na over-stimulate ko ang batang ire.

Sabi ni coach, ok warm up. Run around the court. E syempre naiwan sa dulo ang aking iho dahil sya ang pinaka shortest legs. Ang daya! nag short cut sa gitna!
Sa daya nito, malamang manalo nga!

Tapos, tinuruan na sila mag footwork at tamang hawak ng raketa. In fairness, nakakapalo naman sya ng bola. Not bad for his first day. =)