ang aking asawa parang naglilihi. gusto kumain ng fishballs.pero hindi ang normal na fishballs. ang gusto daw nya, ung parang fishballs ng pinas.ung pag inihaon mo sa mantika e puro hangin na! ang fishballs kasi dito e siksik.
so eto ngayon, naghanap sya ng recipe sa net. nakakita naman. nagpabili ng mga rekado at gagawa daw sya. ang presyo ng isda $10 para sa 800 grams! gusto ko atakihin. sabi ko "mahal, di kaya ang dami ng fishball ang mabibili mo sa $10?" ang kanyang sagot,"iba pag gawa ko" .ok fine pagbigyan ang hilig. mahirap na kumontra at baka kotrahin ren ang mga pinamimili ko.
so luto sya. in fairness ayos naman. nagmuka naman syang fish ball... at lasang fish ball ren naman...
asawa ko : tikman nyo!
sis-in-law: ang alat!
asawa ko : pagbigyan nyo na, pers time e!
sis-in-law: ang alat nga e, pero ung sauce mo masarap!
asawa ko : alamak! eh yun pa ang di ko ginawa!
sis-in-law: bakit sino ba gumawa ng sauce?
simplymuah: ako.
sis-in-law: e kaya pala masarap yung sauce.
NYAHAHA! wawa naman asawa ko, apihin ba!
No comments:
Post a Comment