nag lunch out kame kanina... kasama ko mga opismates ko.
samu't saring nationality. sa taxi, apat kame.
kasama ko isang singaporean, isang chinese, isang indian.
usapan ng indian at chinese kong kasama...
chinese: where do you live in india, town, city or province?
indian: town proper.
chinese: so, do you take care of chickens?
indian: no.
chinese: why not?
indian: i'm a vegetarian. (sharp look.)
***
chinese: so do u like to go to korea?
indian: no.
chinese: why?
indian: i don't like the food.
chinese: why? they have vegetables there right?
indian: yes but they only have leaves.
chinese: but leaves are vegetables right?
(wag na kasi makulit.)
***
hehehe. buti na lang katuwa ang aking mga kasama. kasi di ako masyado natuwa sa pagkain. medyo maanghang para sa panlasa ko.
isa pang di nakakatuwa e ung scene sa resto. ung waiter, natapunan ung isang customer.
di naman sinasadya. nag-sorry naman si customer, at kumuha pa nga ng sandamakmak na
tissue si waiter. ewan ko ba, kung ano problema ni customer. so dumating pa ang 3 waiter.
tatalak pa ren si customer. kesyo daw basang basa sya. oo nga basang basa sya, as if naman matutuyo sya kung magtatalak sya dun forever. anyways, sa kakatalak nya lumabas si manager.
paglapit ni manager, sinampal si waiter! sa harap ng maraming tao. hay, kawawa naman si waiter. dapat binuhos na ren nya sa customer ung 4 na drinks na natitira sa kanya. para sulit yung sampal sa kanya. para saken mali ang ginawa ni manager. hindi un tamang way para ma-please si customer. pero mukha naman na please na si customer kasi finally ay nanahimik. oh well.
ako ngayon e inaantok na. epekto ng curry. sa banana leaf pala kame kumain. as in literal na banana leaf. =)
2 comments:
Natawa ko sa unang dalawang kwento pero mas may effect yung kwento sa resto. Grabe namang manager yun... grabeng customer din. Nakakainis... dapat maranasan din nila pano mag-silbi ng malaman nila nararamdaman ng mga tulad nung waiter *hmmmp* Nainis ako huh! Anniv pa naman namin (hehe biglang siningit ang anniv)
nung una gusto ko sana bumalik sa resto. kasi oks naman ang food nila at kakaiba nga dahil sa banana leaf ka kakain. pero pagkasampal nung manager dun sa waiter nila, nawalan ako ng gana sa kanila. =(
pero ayaw ko talaga ng curry. kahapon, hangang gabi mainit katawan ko. feeling ko any minute, sisingaw ako! haha
Post a Comment