nag trip na naman kame ng asawa ko ng weekend... nagpunta kame sa JB (malaysia) nung sabado. para kumain ng dunkin donuts. hehe.. ayos ba sa trip. sinama pa namen si little boy, si bunso at si father dear! tama bang mandamay pa sa trip. hehehe...
kasawiang palad, wala na silang donuts!!! huhuhu...kaya napilitan kame kumain sa marry brown... grabeee ang serbisyo! di ata nila alam ang salitang pressure! (o ayon nga sa mga singaporean, pressurized!) as in grabe, nagiisa na ko sa pila pero it took them 5o golden years
para kunin ang order ko. di pa kamo kame magkaintindihan... buti na lang me ex atang malaysian ang asawa ko at medyo alam nya magbilang in malay, kaya ayun naka order sya ng isa nito at isa nyan in malay.... apa ini... hehehe...
napagod lang kame, buti na lang nakisama si little boy at tulog sa byahe.
pagbalik namen sa singapore, direcho kame sa kasal ng kaibigan ni hubby. buti na lang sa bahay lang, so di kame masyadong pormal. (kala ko maisu-suot na naman namen ang el-paboritong formal clothes--"el paborito = un lagi suot pag me kasal! hehehe") ang daming pagkain nalula ako, kaya ayun di ako nakakain masyado.
tapos, inuman na. napasubo ata ako. napainom ako ng wala sa oras. ayaw kasi ni hubby masyado uminom e, so ako ang sumalo sa kanya. (tama ba naman un! hehehe) miss ko na ren uminom, gone were the tequila-chaser-gilbeys days... pero kaya ko pa ren palang tumagay ng purong vodka! hehe... kampay!!!
malapit na ren kame umuwi sa pinas... magb-bday party uli si little boy dun. simpleng salo-salo together lang naman... para lang makita ng mga kamag anakan at kaibigan ang aming little boy... hirap kasi kung iisa isahin pa namen na kitain, baka buong bakasyon e nasa daan kame. kahit nakakaturete, excited na ren ako!
matagal na ren akong di nakauwi... almost 2 years na ren... ano na kayang nabago sa pinas?
ewan ko, wala naman ako gaano na babalikan sa pinas kasi andito na sa singapore ang pamilya ko, pero kaka-excite pa ren umuwi! makikita ko na naman ang mga jologs na nagkalat, makakatikim na naman ako ng higanteng bubuyog at ng nakakahigh blood na bulalo! yum-yum!
parang natitikman ko na ngayon ang pinas!! wohoooo.........
No comments:
Post a Comment