Monday, February 21, 2005

day 11, 12, 13 and 14

day 11

lunch kame sa house ng panganay nila mahal.
grabe kala ko malayo na ang marikina!
mas malayo pala ang novaliches.
tapos nun dinner naman sa isa pa nyang kuya,
ang layo ren ng tandang sora!!!
NAKAKAPAGOD!
reklamo pa ko, e natutulog lang naman ako sa byahe.
wawa si mahal... kasi sya lang maneho.

day 12

BALENTIMES! hehehe...
first time namen iniwan si little boy sa katulong nila mahal.
tapos kame e nag date. nagpa full body massage kame. =)SARAPPPP!
tapos namili na nagiuuwi sa singapore...
then sinundo namen si little boy.
(sabi ni aling nida, ke bait daw na bebe.)
tapos kain kame sa don henrico's kasama 5th brother ni mahal. sarap pa ren ng wings nila!
tapos diretso kame sa nipa hut. then, punta sa house ng 2nd brother ni mahal.
(daming brothers! hehe... bunso kasi si mahal... at bago sya e me lima pa!)

day 13
punta kame kalaw para bayad ng tax exempt chuva...
tapos direcho sa robinsons manila.
kain sa mangan! hay...kalabisan na ata ang pagkain ko.
at nanaba na talaga ako.
kainis nga ang isang saleslady. mega chika pa sya...

saleslady: kayo lang po alaga sa anak nyo.
me: oo =) (take note of the smile)
saleslady: ang galing nyo naman po ma'm, buti di kayo nangangayat???
me: (bruha!syempre sa loob loob ko lang. hehe)

huhuhu. di daw ako nangangayat. samantalang nugn bagong dating ako
sabi nila para daw ako di nanganak kasi payat ako! waahhh

start na ko malungkot. kasi lapit na uwi. meet ko uli ibang nawies.
this time kasama na hubby nila. sila bilyar, kame mga gels chika chika.

day 14
impake na nung umaga. grabe, di ko alam pano pagkakasyahin bagahe namen!
tapos nung gabi, meet ni mahal friends nya, ako naman meet ko friends ko.

tapos the ff day, uwi na... kaka lungkot... mami-miss ko na naman ang pinas...

-----

day 8, 9 and 10

day 8

me meeting si mahal.pero dahil wala kaming yaya at sya ang driver e
karay karay nya kame ni little boy sa kanyang meeting!
habang sya e nagkukuha ng picture sa project nya... ako naman e...
mega habol sa anakis kong ikot ng ikot....

mahal: ano po ba problema sa shops
client: eto po.. blah blah blah...
(ako sa background.... darling, don't go there daddy is working. anak be quiet.)

hehe.. buti na lang bait si client...

tapos ng meeting, EB ako sa makati with the n@wies.
nagulat ako, more than 15 ata kame! sa isip isip ko.... me tinabla kaya ako dito sa mga posts ko??? nuninuninu... mukha naman wala kasi wala naman umirap saken pauwi. hehe...
wawa naman si mahal, naging yaya ni little boy bigla! kasi napasarap ako sa chika. hehe...
tapos punta pa kame sa house ng isang scrapper... hay, sarap mamili ng murang scrap materials!!!

tapos diretso kame sa dampa... hay ang sarap talaga kumain!!

day 09
umaga punta kame LTO. para kunin ang lisensya ni mahal. nahuli kasi kame sa skyway. hehehe.... obstruction daw. di kasi kame nagbabasa. lumusot kame sa E-pass. e wala kame nun! ano ba yun? hehe... e si mamang pulis, mabait. tapat sa serbisyo, ayun. ayaw pabayad. hehe... seminar daw! huhuhu.... ok lang naman kame mag seminar e. kaso naman... 5 days na lang natitira sa bakasyon namen, 3 days pa seminar! naman!!! buti na lang.... basta buti na lang... hehe

tapos nung gabi, libis lang gimik namen. nagkayayan kasi si marc at mahal nung EB. punta kame sa jack's loft, kasama sila marc at joy. syempre, pati si little boy.

day 10
punta kame tagaytay with joy and marc. punta kame calaruega. tapos, church on the hill.
tapos, pasyal sa fantasy world. na di naman kame pinapasok. for members lang pala un. hehe... tapos sonia's. ganda garden, kaso di kame nakakain, kasi si marc e di di nakain ng gulay. so sa leslie's na lang kame eat ng bulalo! hay, lamon uli... di na talga kain, lamon na!
tapos, punta kame sa house ni SIL. to get the longanisa.
me appointment kame ng 6pm sa bahay nila mahal pero 8pm nasa manila pa kame. hehe, galing!
10pm na ata kame nakarating kila mahal... bad!

pag dating sa bahay nila mahal, go agad pa montalban.... swimming daw... ganda ung lugar, kaso sa pagod, nakatulog na kame ni little boy. pag gising namen, UWIAN NA! hehe...
pero naman, di ko kaya maligo sa pool nila. ang lamig, kala mo galing sa ref...

day 5, 6 and 7

day 5
monday. medyo, pahinga kame kasi di kame makaalis ng marikina.
pano e color coding ang sasakyan. so nagpaganda ko, pakulay ako ng buhok. si mahal naman e nagpagupit.

dinner kame sa house ng friend ni mahal. para kong me exam kasi kinuha nila ung mga recipe ko. so habang sila e nagkkwentuhan, ako e nagsusulat ng recipe. =)eto ka! dumating friend nya na lalaki, pareho ba daw kame ng shade ng buhok! NYAK!!! at ang masaklap pa nun, libre daw ung sa kanya! WAAAAHHH! ayun, tameme ang hair ko buong gabi. HMP!asar talo tuloy ako. kenes! feeling ang ganda ko pa naman! hehe

day 6
maaga kami alis ng marikina. punta kasi kame ng batangas. punta kame la luz resort. maganda yung beach. malinis. malinaw tubig. kaso takot si little boy sa alon. e mahirap naman ata maglangoy ng me nalulunod na batang nakakapit sa likod. kaya ayun, di kame nakapag-swim. pero oks lang. nagmuni muni na lang kame under the stars ng kinagabihan. with matching wine pa daw at bonfire! pa tweetums! yak! hehe... sarap den ng food nila. grabe, di pa ata kame natutunawan ng lunch e, nakahain na agad ang meryenda.

day 7
maaga kami gumising kasi gusto namen makita sunrise. katuwa, kasi kita namen mga mangingisda. picture! picture! turista e. hehe...
maaga na ren kami umalis kasi di naman nga kame makapag swimming. dumirecho kame sa laguna. kaso di ren kame nakapag-pool. nagkuripot kasi ako! hehe... kasi naman, 3pm na un. mga 1 hour lang kame makaka swim tapos magkano ang entrance at cottage. e di naman ako sure na mags-swim si little boy. ayun, bumili na lang ako ng alimango. kasi request ng friend ni flo ang chili crab. so ayun, luto na naman ako. =)

day 2, 3 and 4

-day 2-

punta kame pa-renew ng lisensya ni mahal. (nag jeep kame at tricycle. tulala si little boy! hehe)in fairness, mabilis na LTO ngayon. kaso lang inabot kame ng lunch break. kaya natagalan kame.ang di ko lang maintindihan, para san ba yung drug test? kasi tinanong ko ung nagte-test,

me: pano kung positive ang drug test ng asawa ko?
gel: wala lang po ma'm
me: nyah! ano ba un? as in wala lang?
gel: naka-record lang po samen ma'm ng 6mo, tapos mabubura na ren sa computer...
me: serious ka?
gel: yes ma'm...

DUH???

after makuha ang lisensya, punta kame paranaque. para kunin sasakyan na hiram namen sa pinsan ko. from marikina to paranaque, walang angal si mamang driver! as in di nangontrata, kung ano metro un na! para kong lalagnatin sa gulat! hehe

tapos nun, namili na kame for little boy's party. mga pinsan ni flo gusto tumulong. kaso naman ako ayaw ko ng maraming tao sa kitchen kasi mas lalo ako naguguluhan. kakahiya tuloy sa kanila, kasi panay ang offer nila, panay naman ang tangi ko.

-day 3-
aga ko nagising. 6am! maliwanag na... sa singapore kasi, 7am na hirap pa ko bumangon kasi madilim dilim pa...
start na ko magluto agad. ako lang kasi magluluto... gulat ako kasi by 12pm, tapos na ko magluto. (prawn in cereal, caldereta, lumpiang shanghai, pork in bbq sos,chili wings(na di naging chili, ewan ko kung bakit, hehe) at fruit salad)...
huhuhu... wala lang maniwala ako lahat nagluto!

sobra ata ako napagod, pagdating ng 6pm boses ko nag sign-off. as in namaos ako. dami ren namen bisita, binibilang namen ni mahal nasa 100 ata. si mahal maaga napagod. natulog na sila ni little boy. ako naiwan nakikipag-inuman sa aking mga friends. hehe, ulirang ina!

-day 4-

akyat kame antipolo. punta sa kame sa bahay ng mom ni SIL. tinignan ren namen house na nabili nya. tapos, dun na kame nagsimba. ganda pala ng simbahan ng antipolo! bumili ren kame ng suman... YUM-YUM! gustong gusto ren ni little boy.
at dahil nasa antipolo na ren kame, dumiretso na kame sa padi's point. GRABE ANG SARAP KUMAIN!!! hay, para kame patabaing baboy ng aking asawa. di pa nakuntento.. nagpunta pa kame sa the cliff... e kaso, bubuniks kame pareho ng asawa ko, di pala cliff yung napuntahan namen... mukhang cliffside lang! aysus!
pero ok na ren. hehe...

pilipinas kong mahal....

after 2 years ng hindi pagbabakasyon, kame ay muling tumuntong sa lupang sinilangan!

ang daming nangyari , hangang ngayon pakiramdam ko pagod pa ren ako...

kadarating pa lang namen ng FEB03, larga na agad! (ang ganda na ng roxas blvd!)

pagkagaling ng airport, diretso kame sa bahay ni SIL. grabe, na miss ko ang mendiola at recto! kaka-panibago kasi lalo sumikip daan dahil sa MRT. konting chika chika...

then diretso sa bahay namen para sana i-surprise ang brother dear ko...pero ako ata ang na-surprise... dahil puro chika bhabes! hayyy.. naloka ako...10pm na un nasa bahay pa namen sila... sabi nga ni flo, tinakot ko daw ung mga babae kasi sinabihan ko ng "mga ineng, alam ba ng mga magulang nyo kung nasan kayo???" (pero malumanay naman... promise!) kasi naman, ako ng nasa high school e 6pm ang curfew! tapos sila, 10pm na prente pa ang pagkaka-upo sa aming sofa... at ang make up ng isa ha! galit na fula ang kanyang lipistik! talaga namang OH MY!
deadma na lang... pinuntahan ko na lang ang aking lola dearest para pakita ang aking anak. dahil un naman talaga ang rason bakit kame umuwi. para ipakilala ang aking iho sa aking lola.
syempre pa dahil sa pagod, nakalimutan namen i-video. =( sayang, tuwang tuwa pa naman ang lola ko ke little boy.
pagkatapos sa bahay namen, punta na kame marikina. pero dinaan muna kame ng aking cousin dear sa libis. (ang libis, muka ng bugis! ganda!) medyo nataranta lang ang pandinig ko, kasi lahat ng naririnig ko tagalog na salita na.
patawa nga lang mga guards nila... kasi nagche-check sila ng kotse. dapat papa-open nila ung likod. etong pinsan ko, me pagkakulit. sinabihan nya as in yung tipong pabulong ung guard "boss, wag mo open yung likod. me natutulog na bata.." NGAK! di na kame chineck! e pano kugn me dala kame bomb? sows! sumabog na ang libis. hataw talaga tayo sa security! nasa pinas na nga ako...

anyway, YUMMY ng food... recipe ata yung name ng resto... sa table na katabi namen e meron dalawang nagde-date... at eto ang kanilang usapan...

boylet: hey, it's baligtad... (something sa wallet ng gel...)
gel : no, it's not baligtad...

NASA PINAS NA NGA AKO!!! WOHOOOO! narinig ko na naman sila... hehehe...

ika nga ni mahal e "IT'S NICE TO BE BACK!!!"

---- end of day 1 ----