-day 2-
punta kame pa-renew ng lisensya ni mahal. (nag jeep kame at tricycle. tulala si little boy! hehe)in fairness, mabilis na LTO ngayon. kaso lang inabot kame ng lunch break. kaya natagalan kame.ang di ko lang maintindihan, para san ba yung drug test? kasi tinanong ko ung nagte-test,
me: pano kung positive ang drug test ng asawa ko?
gel: wala lang po ma'm
me: nyah! ano ba un? as in wala lang?
gel: naka-record lang po samen ma'm ng 6mo, tapos mabubura na ren sa computer...
me: serious ka?
gel: yes ma'm...
DUH???
after makuha ang lisensya, punta kame paranaque. para kunin sasakyan na hiram namen sa pinsan ko. from marikina to paranaque, walang angal si mamang driver! as in di nangontrata, kung ano metro un na! para kong lalagnatin sa gulat! hehe
tapos nun, namili na kame for little boy's party. mga pinsan ni flo gusto tumulong. kaso naman ako ayaw ko ng maraming tao sa kitchen kasi mas lalo ako naguguluhan. kakahiya tuloy sa kanila, kasi panay ang offer nila, panay naman ang tangi ko.
-day 3-
aga ko nagising. 6am! maliwanag na... sa singapore kasi, 7am na hirap pa ko bumangon kasi madilim dilim pa...
start na ko magluto agad. ako lang kasi magluluto... gulat ako kasi by 12pm, tapos na ko magluto. (prawn in cereal, caldereta, lumpiang shanghai, pork in bbq sos,chili wings(na di naging chili, ewan ko kung bakit, hehe) at fruit salad)...
huhuhu... wala lang maniwala ako lahat nagluto!
sobra ata ako napagod, pagdating ng 6pm boses ko nag sign-off. as in namaos ako. dami ren namen bisita, binibilang namen ni mahal nasa 100 ata. si mahal maaga napagod. natulog na sila ni little boy. ako naiwan nakikipag-inuman sa aking mga friends. hehe, ulirang ina!
-day 4-
akyat kame antipolo. punta sa kame sa bahay ng mom ni SIL. tinignan ren namen house na nabili nya. tapos, dun na kame nagsimba. ganda pala ng simbahan ng antipolo! bumili ren kame ng suman... YUM-YUM! gustong gusto ren ni little boy.
at dahil nasa antipolo na ren kame, dumiretso na kame sa padi's point. GRABE ANG SARAP KUMAIN!!! hay, para kame patabaing baboy ng aking asawa. di pa nakuntento.. nagpunta pa kame sa the cliff... e kaso, bubuniks kame pareho ng asawa ko, di pala cliff yung napuntahan namen... mukhang cliffside lang! aysus!
pero ok na ren. hehe...
No comments:
Post a Comment