Friday, June 10, 2005

kapraningan

kagabi, umiral na naman kapraningan ko. hehe... patawid kame ni flo sa kalsada. eh nagkataon na bus ung nakahinto sa bungad ng traffic light. sabi ko ke hubby, "kawayan mo ung driver!" ask nya bakit nya daw kakawayan. sabi ko basta, kawayan mo. e ayaw nya. so pagtapat namen sa harap ng bus, kinawayan ko si mamang driver. kumaway ren naman si mamang driver! (buti na lang hindi sya na choke, kasi nainom pala sya ng tubig! hehe)

hubby: bakit mo kinawayan ung driver? mukha kang sira! (halakhak! hagikgik! at halakhak pa!)

me : pagod na un. at least sa kaway ko nabawasan pagod nya! hehe

hubby: mukha kang sira. (halakhak! hagikgik! at halakhak uli!)

me : di naman nya ko kilala e. (halakhak! hagikgik! at halakhak ren!)

hubby: e para kayang eto ang ruta ng bus na un. e di dadaan uli un dito

me : e ano naman?(halakhak! kagikgik! at halakhak ever!) kita mo ha. pagod na ung tao. tapos me kumaway sa kanya. di napangiti sya. ngayon magddrive na sya ng nakangiti. better than naka kunot nuo nya di ba?

hubby: para ka talagang sira(halakhak! kagikgik! at halakhak to the max!)

me : kita mo, tayo ren. kesa hinihingal hingal tayo palakad pauwi, napasaya tayo ng aking
munting kaway. kanina pa tayo tawa ng tawa. masaya ang ating paglalakad. si mamang driver, tuwing mapapa-stop sa traffic light un, hindi na sya maiinis. mapapangiti na sya kasi maalala nya ang aking munting kaway?

hubby : eh kung ma inlove sau si driver?

me : ngak! hindi ba nya nakita na naka angkla ako sau?

hubby : muka ka talagang sira!(halakhak! kagikgik! at halakhak pa with matching pamumula na sa kakatawa!)

*** hehe, wala lang. dumali na naman ang aking kapraningan. pero nagtataka lang ako, bakit kaya sa asians ano nginitian mo ang kasalubong mo, isipin praning ka. nagpunta kasi ako sa dallas dati for a 3week training. as in sa supermarket/grocery/car park, pag me nakakasalubong ako all smiles sila with matching good morning pa! or minsan nga ask pa nila ko..."how you doin?" (oo mala joey ng friends!hehe. uy, di kaya they were trying to check me out? hahaha. ) parang magaan kasi ang feeling pag naka salubong ka ng naka ngiti di ba (oh well, unless ngiting me pagnanasa ang i-flash sau. hehe) wala lang para lang ang sarap isipin na mababait lahat ng tao. =) ***

6 comments:

Jeanny said...

Hmmmm...based on my opinion ha, para kang sira nga, joke joke....

pro upon knowing your reason na gusto mo lang magpasaya ng isang tao na pagod na (c mamang driver), isa kang mabuting nilalang :D

Sana maging katulad kita (isang cra...ano ba hindi)magkaroon ng isang mabuting loob. naks!

MrsPartyGirl said...

hahaha, ako nga minsan naiinis na sa mga tao dito sa amin. makabangga mo lang ng tingin, 'how ya doin?'. e siyempre obligado ka to say 'im good, and you?' kahit di naman ako interesado sa kanila, wahaha! ako naman e asyano lang, mas type kong hindi namamansin, charing! anyway, misis congeniality ka pa rin. naway marami ka pang mapasaya :D

Marj and Carlos said...

hi. Just bloghopping. That was really sweet of you to wave to the driver. I'm sure he appreciated that.

I live in the US pero usu when they say "how are you?", automatic lang talaga yon. They're not really interested in how you are. Minsan nga nakasimangot pa sila pag sabi ng how are you? I guess it's considered a hello here.

salme said...

sana maraming taong katulad mo hehehe

SimplyMuah said...

jeanny - inabot lang ng kapraningan. hehe

mrspartygirl - hahaha! siguro nga kung bawat tao makakasalubong ko na ganyan e maiirita ren ako. hehe

marj - hehe, ang haba naman pala ng hello sa inyo!

salme - minsan lang yan, mas madalas ang sungit ko kesa sa kapranignan ko. hahaha

elapot said...

hahahaa... natawa ako super sa "para ka talagang sira"!....
nwys oo nga, sa US ganun palagi, nakasmile sila tas lagi ka tatanungin "how ya doin". ahahah