ang aking little boy, big boy na. marunong ng kumilatis ng chika bhabes! minsan kame nagka-bisita si IZL... maputi, mahaba ang buhok, maganda. aba ang aking little boy, di maalis ang titig sa kanya (sana lang di nya naiisip na, "hmmm, maganda ayusan si tita izl!" hehehe)
last wednesday, dumalaw uli si izl samen. at me dala na inflatable spiderman. aba ang aking anak, itatayo si spiderman at saka susuntukin para bumagsak si spiderman. pag napabagsak na nya si spiderman, pupunta sya sa harap ni izl at mag-aaction sya ng sapak sa hangin, tapos sasabihin nya na "nnntok ko oh!" ang gagawin naman ng lola nya, itatayo uli si spiderman. pupuntahan uli ni little boy si spiderman at sasapakin to, at pag napabagsak na nya uli, punta sya uli sa harap ni izl at mag-aaction sya ng sapak sa hangin, tapos sasabihin nya na "nnntok ko oh!" paulit ulit syang ganyan! PAKITANG GILAS!
tapos ng nasa bahay pa si izl, pilit pang pinalabas ang motor nya. mismo sya kumuha sa lalagyan. at ng paalis na si izl, naku panic sya kasi di pa sya nakakasakay sa motor nya. hahaha!
hay naku, ang aking little boy... big boy na! ngayon cute pa ang pagiging chickboy nya, pero pag 16 na sya at ganyan pa ren sya katinik sa babae e naku!!! kabahan na ako.... mukang lalabas ang pagiging stage mother ko...
my little boy is growing up.... huhuhu
2 comments:
kanino nagmana sa pagka-chikboy yan ha??? :D
bakit kaya ang mga bata parang ang bilis maging 'aware' sa mga ganyang bagay? si ninna naman, mahiyain around boys. at pag sinabi namin na pupunta kami sa house nung isang pinoy dito na may anak na cute boy, gusto niya siya pipili ng damit niya! fave niya yung pink na palda/shorts niya, at kailangan naka-pin yung hair niya sa side (ayaw ng pigtails). kerengkeng.
dapat na ba tayong kabahan???
alah! kerengkeng nga anak mo! hahaha... e yan kanino nagmana? ahahaha....
siguro sa mga napapanood nila sa tv!
si barney kasi e... i love you, you love me... a hug and a kiss from me to you,please say you love me tooooo!
hehehe
Post a Comment