ako ngayon e nasa bansa ng china. soske, balak ata nila ko patayin sa ginaw. nagtanong ako sa aking ka opisina, kung ano ang weather... ang sagot saken e "not cold..." sus! pag landing namen dito, 19C! aiyoh... di nila alam na pag nasa singapore ka nakatira, anything below 30C e malamig na! kaya naman ang baga ko feeling ko frozen na....
****
si little boy wawa naman, hanap ng hanap sa pet turtle nya. nawala kasi, di namen alam kung nasaan. nilalaro nila, tapos di na nakita. sabi ng nanay ko baka daw naglayas, pero kung naglayas man daw, wag kame mag-alala at dala namam nya bahay nya! nyah!
nagtext ngayon lang si mother, kagigising lang daw ni little boy, hanap daw turtle nya. huhuhu, buti pa ang turtle hinahanap nya ako hindi. pero sabi ni mahal, kagabi daw hanap ako ni meg, so sabi daw nya sumakay ako ng emplem (airplane). ang sabi daw ni meg, kasama ko turtle nya!WAAAAHHH! turtle talaga inaaalala nya.
oh well, sabi ko na lang ke mahal bilhan ulit si little boy ng isa pang turtle pag uwi nya ngayon galing office. para isa lang mamiss ni meg. ako na lang. hehehe...
****
tama ba to? obernyt kame ngayon sa opis.. hayyy... di makatarungan to... pero ok na ren, para busy ako at di ko nararamdaman na wala ang mag-ama ko... =(
di bale lapit na ko uwi.... tatlong tulog na la-ang!!!
No comments:
Post a Comment