Wednesday, December 28, 2005

ang mahiwagang band aid...

ano kaya meron ang band aid?
mula ng magkasugat si little boy sa kamay, para na syang na addict sa band aid.
gusto nya lagi naka band aid ang kamay kahit walang sugat.

pag me nakita sya na hawak ko na nadidikit, ilalagay na nya sa harap ko ang point finger nya. para palagyan ang tip.

nung isang gabi, nagpalagay sya ng band aid. tapos natangal ata. nung umaga na, kita ko ung kamay nya na me hawak hawak. so tinitignan ko kung ano un. ayaw ibukas ang kamay. ng makita ko kung ano un, ung band aid pala. buong gabi nya un hawak. weird.

tapos kagabi, ayaw nya saken sumunod. kasi gusto nya abutin ung gamot ko, e syempre hindi pwede.tinatawag ko sa kama, panay ang iling sa akin. ng kumuha ako ng band aid, winagayway ko lang sa harap nya tapos tumakbo na ko sa kama. aba parang mabait na tuta na sumunod sa aken. ganda pa ng ngiti. at kahit na ano pa iutos ko sinusunod.

hmmm.... ano kaya ang meron sa mahiwagang band aid?

Wednesday, December 21, 2005

the drill

dahil nga nagsusuka si little boy at madalas na nasaken ang suka nya, tinuruan ko sya na magsabi saken pag nasusuka na sya...sabi ko sa kanya, little boy pag nasusuka ka sabihin mo ke mommy.. "mommy, suka meg..." tapos takbo tayo sa toilet ha...

e di ganun kame.. ilang ulit.. pag dating naman sa toilet ang gagawin nya lang e... "pffft.." para lang sya nags-spit na walang laway....

so napagod ang mommy, change the drill. kumuha ako ng plastic... at sabi ko dun sya mag suka....

little boy: mommy, suka meg...
mommy : (kuha plastic, lagay sa may bibig ni little boy)
little boy: "pffft..."

little boy: mommy, suka meg...
mommy : (kuha plastic, lagay sa may bibig ni little boy)
little boy: "pffft..."


little boy: mommy, suka meg...
mommy : (kuha plastic, lagay sa may bibig ni little boy)
little boy: "pffft..."


little boy: mommy, suka meg...
mommy : ayoko na... niloloko mo lang si mommy e....
little boy: "waaaaaaaarkkkkk" >> sumuka ke mommy
mommy : (WAAAAAHHHH! with suka all over.... )

huhuhu... huhuhu... at isa pang huhuhu.....

Monday, December 19, 2005

angels...

Have you ever questioned if there is really a God out there?

And out of nowhere, a stranger comes to you and re-affirms that yes, there is indeed a God…

mommy suka meg....

me sakit na naman ang aming little boy... 4, 5, 6am kahapon sya nag start magsuka...
after nun kala ko okay na kasi active na naman ulit... tapos nagsuka ulit ng 10pm... =(
after nun nakatulog naman na... then kanina umaga pag gising, nagsuka ulit... kaya ang mommy, hapday leave na naman... buti na lang mabait si bosing....

ang aking little boy pagka-suka sasabihn nya..."mommy, suka meg...." with matching iyak... gusto ko sagutin ng..."anak, i know... kasi lahat ng suka mo nasa aken!" with matching iyak den.... waaahhh!

pag naging nanay ka talaga, mawawala ang dire mo sa katawan.... hayyyy....

Friday, December 16, 2005

bebe talk

bago ilabas si little boy, napagusapan na namen ni mahal na walang bebe talk...
para mabilis sya makapagsalita... at bago naman mag 1yo, nakakasalita na sya ng mga simple words...

ngayon, syempre nagt-try na sya ng mga longer words at sentences... nakakatuwa kasi buyoy. hihi...

tulad kagabi naglalaro sila ng tatay nya ng THE CLAW (from the movie of jim carrey. liar liar ata un...)

sabi ni little boy... "DADDY! AK LO!"

tapos pag niyaya nya ang daddy nya sa playground... "DADDY, EY WAWND!"

DADDY: Play
LITTLE BOY: Play
DADDY: Ground
LITTLE BOY: Ground
DADDY: Play Ground
LITTLE BOY: EY WAWND!

wehehe! hang cute! at syempre andyan pa ren ang kanyang, lolo lelet.... hindi po lelet ang pangalan ng lolo nya.. ang lolo lelet ay CHOCOLATE...

at ang walang kamatayang emplem... di po plema.. airplane yan...

nakakatuwa, isa to sa mga mami-miss ko pag buo na magsalita ang little boy ko at nagsasabi na sya ng "MOMMY! DI MO KO NAIINTINDIHAN!"

waaaaah!!!

Thursday, December 08, 2005

eri gud!

si little boy pag inutusan ko at sumunod. lagi ko sinasabi na..."wow, very good!" with matching palakpak...

so gabi gabi, tuwing lalabas na si robbie ng room namen. lagi ko sya inuutusan magsara ng pintuan. at pag sinara nya syempre me very good...

kagabi lumabas si robbie, e busy ako dahil nagbabalot ako ng gifts di ko napansin.
ang ginawa ni little boy, sinara ang pinto... tapos sabi nya..."ERI GUD!" sabay palakpak....

wehehe.. purihin ba ang sarili?

sick and tired

kahapon nagk-kwento saken si mader dear. kasama daw nya lumabas si robbie at si little boy. syempre napagkamalan na naman na mga apo sila (well, si little boy ko e apo naman talaga..)

sabi daw ng aking kapatid pag uwi ay..."mama, i am sick and tired of telling everybody that you are not my grandma...aiyoh..."

hahaha!

actually nakakapagod nga minsan pag napagkaka-malan kame na mag ina ren. lagi napagkakamalan na sya ang panganay ko... "geesh, mukha na ba akong me anak na 7yo?" pero actually pwede ko nga sya maging anak, kasi 22 na ko ng ipanganak sya. e mama ko nga 18 lang ng i-anak ako. oh di ba mas malaki pa agwat namen magkapatid kesa samin mag-ina. hehe...

Tuesday, December 06, 2005

=(

lumalaki na ang little boy ko... hindi na talaga sya baby...

nalulungkot ako ang bilis ng panahon....

=(

Friday, December 02, 2005

eh com part 2

kagabi nagbabalot ako ulit ng gifts...
(oo walang katapusang pagbabalot!)

at syempre, si little boy nangungulit na naman...

little boy: mommy, enge tep... pleaths...
mommy : (gives the tape to little boy)
little boy: en ku!
mommy : welcome!

so binigay ko na nga sa kanya. e kailangan ko na ulit. so hiniram ko...

mommy : little boy, borrow ng tape si mommy please...
little boy: (gives the tape to mommy)
mommy : thank you little boy.
little boy: eh com!

nagulat ang mommy!!! tama ba ang narinig ko??? alam na ba nga nya gamitin ang welcome?
e di syempre para malaman e ulitin.... hiningi ko ulit ang tape...

mommy : little boy, borrow ng tape si mommy please...
little boy: (gives the tape to mommy)
mommy : thank you little boy.
little boy: en ku mmm boy...

NYAH!!! tsamba lang ata ung nauna... oh well, pwede na ren. not bad for a start. =)

*************

kagabi ren nag tayo na kame ng xmas tree. actually nag decorate, kasi last week pa ata nakatayo ung tree namen. ang katulong ko isang 7yogirl at isang almost 2yo little boy.

habang ako e nagsasabit, si little boy e panay naman ang tangal...

little boy : mommy, choose oh! (mommy shoes oh! [meron kasi parang boots na decor])
little boy : mommy, socks oh! (i-suot ang xmas socks!)
little boy : mommy, broom broom oh! (xmas train decor)
little boy : mommy, ball oh! (xmas ball)

at yung 7yo girl naman e kulang na lang sya ang sumabit sa xmas tree. hehe... gusto maabot ang pinaka tuktok at mga kadulu-duluhan ng xmas tree...

ang solusyon sa dalawang makulit na chikiting... BUBBLES! binigyan ko sila ng pang bubbles at ayun, maluwalhati natapos ang pag decorate sa xmas tree... =)

Thursday, December 01, 2005

eh-com

after ko ituro ke little boy ang please (na sa kanyang pagbigkas e pleaths...)
tinuro ko naman ang thank you... ngayon marunong na ren sya mag thank you... pag binigyan mo sya ng kahit na ano, sasabihin nya sayo... "en ku!"

kaya lang kagabi, nalito ang aking iho. nagbabalot kasi ako ng mga xmas gifts. tapos humingi sya ng tape...

little boy : mommy, enge tep... (scotch tape)
little boy : imme tep pleaths...( give me tape please)
mommy : (gives tape to meg)
little boy : en ku!
mommy : you're welcome!
little boy : mommy! eh-com! (Mommy! Welcome!)
little boy : eh-com!
little boy : mommy! eh-com!
little boy : enge pa tep...eh-com!

hay paktay! pano ko ba to ipapaliwanag???