Wednesday, December 28, 2005

ang mahiwagang band aid...

ano kaya meron ang band aid?
mula ng magkasugat si little boy sa kamay, para na syang na addict sa band aid.
gusto nya lagi naka band aid ang kamay kahit walang sugat.

pag me nakita sya na hawak ko na nadidikit, ilalagay na nya sa harap ko ang point finger nya. para palagyan ang tip.

nung isang gabi, nagpalagay sya ng band aid. tapos natangal ata. nung umaga na, kita ko ung kamay nya na me hawak hawak. so tinitignan ko kung ano un. ayaw ibukas ang kamay. ng makita ko kung ano un, ung band aid pala. buong gabi nya un hawak. weird.

tapos kagabi, ayaw nya saken sumunod. kasi gusto nya abutin ung gamot ko, e syempre hindi pwede.tinatawag ko sa kama, panay ang iling sa akin. ng kumuha ako ng band aid, winagayway ko lang sa harap nya tapos tumakbo na ko sa kama. aba parang mabait na tuta na sumunod sa aken. ganda pa ng ngiti. at kahit na ano pa iutos ko sinusunod.

hmmm.... ano kaya ang meron sa mahiwagang band aid?

3 comments:

Liza said...

ey cata! katuwa naman si meg! ganyan yata ang ibang kids. may pamangkin ako gustong-gusto rin ng band aid kasi natutuwa dun sa checkered pattern ng band aid. priceless moments with meg ano! =D

Lit Coo said...

band aid ba na gaya nung mga bata pa tayo? mahiwaga nga 'yun. pero kung mga band aid ngayon na may mga designs eh di siguro masyadong nakapagtataka. cutie kasi ;) kala siguro stickers hehe!

ano nga ulit generic name ng band aid? nalimutan ko hehe... plaster something ba yun?

SimplyMuah said...

liza - oo nga e priceless moments talaga.pero ung band aid ko cheap lang, ung normal lang na brown. hehe

litcoo - hihi, di ko alam generic name. lumaki na ko na band-aid lang tawag ko sa kanya

justice - hihihi, bakit panty liner? ingat ka nga baka sa noo mailagay un! pero tama ka, pati packing tape. minsan nga, si meg sinayang isang buong tape. sabi ng ama bat ko daw hinahayaan na sayangin ung tape, sabi ko naman.. hayaan na ung tape ang sayangin kasi 3 for $1 un maligaya na sya, kesa naman bilhan ko pa ng mamahalin laruan... di ba?