super busy sa wedding preps at sa new work kaya naman di na ko maka pag blog.
dami na nangyari at nakalimutan ko na ren ung iba. masyado makulay ang aming 2006.
january - nag resign ako.
february - umuwi sila mama. dating ang bagong yaya. start sa bago kong work.
march- umuwi si papa. resign si hubby.
april - start hubby sa bago work.
ano naman kaya sa may? siguro more on preps na kame sa wedding. tapos june na! alamak!
torete na ako.
ang bilis na ren lumaki ni little boy, from martial law (marshmallow) ngayon, marsh-milo na.
at naku, natututo na ren magbukas ng PC, TV at DVD. ayaw pa magpatulong, lagi na lang..."mommy, little boy na lang!" pero alam nya kung san sya off limits. pag gising nun sa umaga at gusto maglaro ng PC, gigisingin ako nun para buksan ang turyente (kuryente). me main switch kasi mga socket dito. so bago nya mabuksan PC, dapat naka on un. ayaw na ren magwiwi ni little boy sa pampers, gusto nya "wiwi, sa toilet lang.." at minsan ayaw na ren talaga mag suot ng pampers, gusto nya birp(brief) na lang.
ang bilis ng panahon, parang kelan lang babing baby tapos ngayon marunong na mangatwiran. at ang hirap ng utuin... pag aalis ako lalo ng ang hirap iwan. dahil di na ubra ang "me cat, sa labas tignan mo." sasagutin ka na ng, "ayaw ng cat, mommy lang!"
nung isang araw nga, nauna ko umuwi kesa ke mahal. kasi last day ni mahal sa office so me lakad sila. sabi ni little boy, "asan daddy?" sabi ko nasa office pa. sabi nya "mommy, punta tayo office daddy." sabi ko, "hindi pwede kasi malayo un e." sabi nya, "sakay tayo ng taxi mommy!" hehe, tama bang alam na nya ang concept ng taxi. hehehe.
nung weekend naman pagka gising, sabi nya "mommy gusto ko ng siopao". sabi ko, "siopao? wala tayong siopao?" sabi nya, "dun sa shell meron. labas tayo mommy. bili tayo sa shell" nyarks!!! lumalaki na talaga sya, unti unti na syang nagiging tao!!!
No comments:
Post a Comment