Tuesday, June 20, 2006

DEFINITELY, NOT MY WIFE!

"DEFINITELY, NOT MY WIFE!"

ayan po ang statement of the year na binitawan ng aking asawa habang hawak ang aking kamay. kung kailan at saan, inyo pong malalaman sa kabuuan ng aking wedding kwento.
Nag leave ako mula ng Tuesday na kasi parang ang dami pang dapat ayusin, pag pack ng mga souvenirs, yung pick up ng choco fountain, yung sa cake, yung sa mga damit namen. Grabe, as in mula 2 weeks ata before the wedding epuyat na ko lagi. Halos di na nga kame nagkikita ng aking si little boy.Na nakakatuwa naman kasi di naman sya nagmamaktol. Basta pag nagkikita kame sigaw lang sya ng sigaw ng MOMMMMY! MOMMMMY! MOMMMMMY! na parang miss na miss nya ko...

Fast forward to Friday, pagkuha ko ng bulaklak ko e NYAH! naiyak ako, as in mukhang kampupot. Dapat ang flowers ko e calla lilies. Mahaba na stem, tapos meron lang balot ng pearl string sa stems. aba e pagkuha ko para kong pupunta ng sementeryo. As in naiyak ako pagkita ko sa kanya. Tapos ung florist pa panay sabi saken, its ok what? Ang sabi ko maybe for you but not for me. Buti na lang andun si mahal at si kapatid. Sila nagpapakalma saken, Punta kame agad dun sa isa pang florist. Yung gumawa ng para sa church ko. It was not the perfect bouquet, pero much better than the first one. Kaya medyo nakalma na ren ako. Tinangap ko na ang tadhana na mag-mamarcha ko na mas maganda ako kesa sa bulaklak ko. Wehehehe.
Tapos, friday night nag ayos pa kame ng reception place. halos 3am na ata kame nakatulog kasi excited na!

Gising kame ng sabado ng 9am. Breakfast. Tapos, 11am nasa hotel na ang aming (home)videograper,photographer at make up artist. Nauna na make-upan si mama. Ang kukulit nila, nag transform daw si mama from being a tya pusit to nova villa. wahahaha. Tapos pa, di makali ang nanay ko. Kasi heto naman tatay ko e binulungan sya, "mas maganda pa ung make-up na ginawa sayo ng anak mo kahapon...." Nyah! e day make up lang kaya ung gawa ko ke mama kaya sobra simple lang. Kaya maya't-maya sya nag ask saken ng, uy di ata maganda make up ko... Tumigil lang ng sinabi ko na "ma, kaya medyo makapal para maganda sa pictures, kasi pag manipis yan tulad ng gawa ko di maganda sa pictures." In fairness, maganda naman make up ke mama.

Tapos, nakakatuwa sila papa, bro ko at si little boy. Nakakatuwa sila tignan na naka suit lahat. At ang aking kapatid na babae, e ang ganda sa gown nya. Mukang princesa. At maya maya ren ang kalabit at tanong na, can i look at myself in the mirror? Pano kasi sabi ko maupo lang sya sa isang tabi. E naku di talaga makali.

Fast forward sa simbahan, haaaayyyy! tama bang maiyak ako sa bridal march ko samantalang ng paglabas ko ng sasakyan e ni katiting na kaba e wala ako nararamdaman. Kasi naman ang nanay ko, pagtayo ko pa lang sa may pintuan e humahagulgol na! Tama ba un.... kaya nadala na ren ako ng aking emosyon. Naiyak na ren ako. (At ng pinanood ko ang video, naiyak na naman ako! hehehe) Nakakakilabot kasi kanta nung banda na kinuha ko, panunumpa ang kinanta nila. Maganda pagkaka deliver.

At naiyak na naman ako sa vow ng asawa ko. Kasi, pinalitan nya ung vow na pinabasa nya saken. As in gawa nya lang ata nung umaga na. Hayyy, na in love ako ulit. Pero sa hina at ng boses nya dahil sa nerbyos e ako lang ang nakarinig. Kaya kung sakali itanggi nya e wala ako makukuha na witness na sinabi nya un! hehe

Nakakatawa ng sinindihan ung candle namen, ayaw mag sindi. As in tagal nung sponsor dun sa harap ng kandila, until manawa sya at ung palito na me sindi e pinatong na nya sa ibabaw ng kandila at hangang sa maki-alam na ung aming pari. tapos ng masindihan nya, ayaw naman mamatay nung palito na hawak nya. As in mapapaso na ata sya ayaw pa ren mamatay kandila. At nung kame naman ni mahal ang magsisindi sa kandila e muntik na sumawsaw ang veil ko sa dingas!

After ng church, picto pictorial muna. Smile dito, smile doon.Hayyy! ang hirap pala maging artista, buti na lang hindi ako sikat. hehehe

Then after the pictorial, fly na sa reception. Medyo na-late nag start ang reception kasi onti pa lang ang guest ng mga 7pm. Kasi ma-traffic papunta east coast, so nag start kame mag 8 na ata.
Ang grand entrance song namen, GROW OLD WITH YOU. Feeling drew. haha! At syempre, nagpalit pa ako ng outfit, hindi lang ako nakapag retouch kaya medyo mamantika na ang fez ko nung gabi! Nasunod naman lahat ng gusto namen except for the seating arrangements. Yung mga nawie friends ko tuloy e nagka-hiwalay.

Nagulat kame ni mahal sa host namen na guy (a friend also), kasi di namen expected na ganun pala talaga kaganda ang boses, "Good evening..." pa lang nya e, mapapa-kinig ka na talaga. At ang aming host na girl (friend rin) e di ren naman nagpahuli. Kala mo e mga propeysyonal hosts talaga!

After the dinner, nagsimula na ang mga games. Ung isang game namen e longest married couple. (They have to disqualify my parents, baka kasi sabihin luto. hehe) Pero ang nanalo e ang amo ko na pana. Paktay tayo dyan!Pero buti na lang game ren sila at pumunta ren sa harap.
Then after nun ung sa singles na. Dapat, bubunot na lang kame ng names sa isang box since di naman nag lalapitan ang mga singles. E friday night, tumawag ang boyfriend ng isa kong kaibigan na dati kong opismate. Kung pwede raw e makahingi ng ilang minuto sa wedding ko, kasi daw magp-propose sya sa GF nya! Ako ang kinilig para sa kaibigan ko, so ang ginawa namen. Niluto na lang ung singles na game, instead of putting all the names of the singles,name ng guy at girl na lang ang nilagay namen so kahit ano mabunot namen, sila na un. At as in nag-propose nga! ON BENDED KNEES PA! hay kilig moment talaga, nakaka-aliw. Naiyak nga ung girl kasi wala sya ka ide-idea talaga! Grabe, bilib ako sa lakas ng loob nung guy. sabi ko nga sa friend ko, ang lupit ng bf nya mahal na mahal sya!

Tapos, me game na ib-blindfold si mahal. (Di talaga alam ni mahal ang gagawin.) Nilagyan muna sya ng takip sa mata, tapos me pintayo sila 5 babae sa harap, including me. Tapos hahawakan nya lang nag kamay in 3 seconds, and will choose kung ako ang
Girl #1: (Che, my former housemate) >> Mahal's comment: ang lambot ng kamay a!
Girl #2: (Christine, a wowie.) >> Pinili ni mahal!
Girl #3: (Rachelle, former officemate) >> Mahal's comment: Nope.
Girl #4: (ME!) >> Mahal's comment: NOT MY WIFE!
Girl #5: (Sarah, wife of a friend) >>Mahal's comment: NopeGirl
#6: (My brother) >>Mahal's comment: I'm not even sure if that's a female!

So ng tanungin sya, sabi nga nya si girl #2 daw! So inulit, pag dating saken ang sabi nya "DEFINITELY, NOT MY WIFE!" tama ba naman un!!!! tawanan talaga lahat. nagsisigawan na nga mga tao e di pa naka gets. Sabi nung host, so ang iuuwi mo e ang girl #2! Sumigaw kuya ni mahal, "HINDI NA SYA MAKAKAUWI!" hehehe...

Tapos, me mga friends kame na kumanta for us. Mga kinanta nila You(Steph), Ikaw ang tunay na ligaya(Nat) at Ikaw lamang(Ada)... Magagaling sila tatlo. Promise!

Eto na ngayon, me best man's toast di ba. E ang BIL ko ang best man. E mahiyain un. So hindi daw nya alam ang sasabihin, tapos ang SIL ko gusto kumanta with the live band. So pinipilit nya si BIL, ang sagot ni BIL e di ko na nga alam ang ii-speech ko e kakanta pa ko. ABA! ABA! ng mag speech na, ang sabi na lang e..."wish you all the best, kakanta na lang ako!" sabay sabi sa banda, ready na ba kayo? Ala! bumabat ng Be my lady! with matching emote pa talaga! sabi ng mama ko, hiyang hiya pa yan! wahahaha. Pero magaling ang pagkaka-kanta nya, parang practisado. Ang nainis si SIL kasi gumuho ang pangarap nya maka-kanta with the band kasi iniwan sya sa ere ni BIL! hahaha...

Then ang first dance namen (LOVE OF MY LIFE), sinayaw ko ang papa ko at sinayaw ni flo si mama. tapos nung kinuha nako ni flo, dapat upo na si mama at si papa, aba! ang tatay ko hindi naupo! hinila ang mama ko at niyakap! Mas sweet pa sa amen! kaka-aliw tignan!

And after nun, nag speech na kame. At syempre ako e naiyak na naman. Dahil masaya ang naging wedding namen, simple pero rock. Ang saya! As in sobra kame na touch ni mahal kasi wala na kame ni worry during the wedding. Me mga glitches, pero nakaka tuwa kasi di na nakarating samen. As in sinolve na ng mga friends namen kung kaya ren ng powers nila. Yung tipong, ung cake namen e malayo samen at ultimo naka barong ang isa nameng kaibigan (Alex) e wala syang kiber na binuhat ang cake para ilapit sa amen. Mga ganun ba. Ang saya talaga, till now high pa kame mag-asawa! =) At nakakatuwa kasi mismo mga guest nagsasabi na nag enjoy sila sa wedding. Nakakawala ng pagod. (Pero sa totoong buhay pagod pa ren ako ngayon! haha)

Ayan ang aking wedding kwento, supplier ratings to follow. =)

6 comments:

Lit Coo said...

Best Wishes Cata!

Enjoy talaga yung wedding. At kahit kailan si Flo patawa sa mga games :) Sabi ni Labs "Paktay! Di-vorce (S'pore local accent) na yan. Di-vorce." Of course he didn't mean it. Papatawa lang. Tawanan sa buong table kahit first time pa lang naming mag-meet. Nabili ang di-vorce hirit ni Labs, hehe!

SimplyMuah said...

beachbabe - tenchus! riot talaga ung wedding! hehe

litcoo - oo nga, sabi nga ni mama e. "heto talaga! mali mali" natandaan pa kasi ni mama ung sa games ng nawsg! haha

♥SomethingPurple♥ said...

uy cata!!! congrats =)))) can't wait to see the photos!!!
mmuah, em

Liza said...

hi cata! now ko lang na-read post mo and i am so happy for you and flo. ang sweet! i agree with you na a wedding can be simple but more meaningful coz it's spent with the person you love. and syempre surrounded by your family and friends. again, best wishes to both of you.

Maver said...

Tama bang naiyak din ako sa kwento?!?! Pero mas maiiyak ata ako kung di umabot ang mga missalette. Hahaha!

Genuinely happy that yours was a beautiful and successful wedding. Naks, ingles yan!

Cheers!
Monet

Maver said...

Tama bang maiyak ako sa wedding kwento?!?! Pero mas maiiyak ata ako kung di umabot ang missalette! Mwahaha!

Genuinely happy that yours was a beautiful and successful wedding.

Cheers!