Friday, June 02, 2006

updates! updates!

na miss ko ang blog ko! hayyyy, uber busy kaya di ko man lang mabisita ang blog ko.

15 days na laaaaaang! grabe, tuliro na ako. 2 gabi na akong puyat. (pagpasok ng june, panic na. hehe)

Nung isang gabi, ginawa namen ang table assignments. Naiinis ako kasi karamihan ng guests, kailangan pa tawagan isa isa. The term R.S.V.P. comes from the French expression "répondez s'il vous plaît", meaning "please respond". Ok fine, hindi lahat alam ang ibig sabihin ng RSVP dahil hindi naman lahat e marunong mag french. Pero naman ang nakalagay sa invite ko e "We have reserved ___ seat(s) for you. The honour of your reply is expected on or before May 28, 2006." Mahirap pa bang intindihin yun? At syempre ang pinaka nakakainis pa sa lahat e ang sabihin sayo na "sige pupunta ko, wag ko lang makalimutan." DUHHHHH! kung di ko lang iniingatan ang aking image na charmie ay naku! talaga naman. talaga naman. Sabi ko na nga ke mahal, I can be bad and di ko na lang sila tatawagan. Tapos I won't give them seats. Tutal di naman sila nag reply. Sabi lang ni mahal, it's not for us to teach them good manners and right conduct. Na sinagot ko ng I WANT TOOOO!!!! hehehe.... Henewey, tapos na ang seating arrangements namen. We only have 5 seats extra. At reserve ko pa to sa mangagaling sa pinas.

Ano pa ba kailangan ko ayusin.

Flowers - Nakakuha na ko. Not so grand, pero at least di na sya mas mahal pa sa wedding rings ko! Tama ba naman kasi na ung unang nag quote saken e mas mahal pa sa wedding rings ko ang bulaklak? Mamaya punta ko dun para bigay ko ung candles ko para tignan nila kung pano nila ia-arrange sa church.

Cake - binago ko ang cake ko. Instead na mag 3 layers ako, 1 layer na lang sya. Para na lang sa cake cutting ceremony. Ayaw ko na nga mag cake sana dahil di man nakakain ang cake, pero sabi ni mahal sayang naman ang cake cutter ko. wehehe. parang mali ang logic nya kasi ung cutter ko ang cost nun in peso lang, ang cake ko in $$$. Napamahal pa ren ako. Sabi ko naman sa kanya, magagamit ko naman ung cake knife just in case mambabae sya. :p

Bridal Shoes - nakabili na ren ako at happy ako sa nabili ko. Kasi pwede ko sya magamit kahit sa ibang araw.

Kagabi inayos namen ang name tags ng souvenirs. Pinangalanan kasi namen bawa't isa. Para me personal touch. Naks! E nanang kupo! Madugo pala. Kasi ni hand stamp namen ang bawat name, e syempre per letter ang pag stamp. Kaya ayun, alas dos na nasa kalahati pa lang kame. Pero happy naman ako sa resulta, pwede gawin bookmark after ung mga tags.

Ang mga wine para sa sponsor, darating na bukas. Bukas un naman ang aayusin namen. Kasi need pa lagyan ng label at need pa i-pack. Pero 15 lang naman ung kailangan lagyan ng label at tags so di na ganun kadugo.

Band - nakausap ko na ang band. ang band ko ay sila Mr. Brosnan??? oo, un name nila. Kung bakit hindi ko po alam! ako e costumer po lamang!

Program - meron na ren kame program. Maiksi lang program namen. 2hours lang nga ata. Yung half hour pa dun speech ko. Wehehe. Joke po.

Ano pa, ano pa? Sana wala na ko nakalimutan.

Ang wala pa pala e ang suit ni little boy! WAAAAAH! kasi di pa namen binili ung nakita namen dati. 2months ago kasi namen nakita un at kala namen e lalaki pa si little boy e kaso till now little pa ren sya. dito ako kinakabahan.

Kahapon pala dinala namen si little boy para mag practice. Sa bus sabi ko sa kanya, little boy lalakad ka sa church ha. Ang sagot nya,"achan na pillow ko?"(Pina-practice na kasi namen sya sa bahay at naglalakad sya ng pagka cute cute. pag sinabi mo pang picture! picture! e hihinto pa sya to smile. ) E di kala ko naman ok na. alamak! pag dating sa church ayaw mag lakad at naglaro na sa mga pews. At balak pa na pati ako e palusutin sa ilalim ng pews. "Mommy, luthot ka dito." Nyak! ano ba un. Sabi ko little boy lakad ka muna dito dali. So kinuha nya yung pillows, at nakuuuuuuu itinakbo mula sa door hangang altar. Para siguro tapos na ang utos ni mommy. Josmio! pano na kaya sa kasal? Oh well, bahala na si batman! Goodluck na lang sa aken. hehe

3 comments:

MrsPartyGirl said...

ganyan yata talaga ang mga tao, hanggat hindi sila nakaka-experience mag-organize ng okasyon kung saan mabaliw-baliw sila sa pagbibilang ng bisita at gastusin, hindi talaga matututunan ang silbi ng RSVP. huwag na masyadong ma-high blood, ang wrinkles! :D

Lit Coo said...

rsvp talaga isa sa sakit ng ulo. talagang ikaw ang magtatawag unless may coordinator ka. pero dagdag yan sa wdg preps memories ;)

yung rings & flowers. di ko napansin ito during the preps. sa amin magka-presyo pala halos yung dalawa. mas mahal lang ng halos Php1K yung rings namin :P

kay little boy. part ng pagiging stage mom yang ganyang feeling, hehe! ganyan na ganyan din nung pina-practice ko si kenkoy. hanggat di tapos ang pag-march sa wedding eh di mo talaga masasabi kung totopakin o hindi.

good luck. enjoy your preps. enjoy every minute lalu na sa wedding. mami-miss mo yan. sarap talaga ikasal... sarap ding mag-prepare :)

salme said...

naku, guilty po ako dito. sensya na talaga po. naloka kasi po sa pagprepare para sa pag-uwi ng pinas. enjoy your day!