loooong weekend!
nagpunta kasi kame ng new jersey nitong weekend. it was suppose to be a 6-hr drive, pero dahil sa mali maling exit. ginawa namen itong almost 9 hours! kasi naman kada magtatanong kame ibang way ang sinasabi. pag nasa north side kame,sasabihin papunta south yun. pag naman nasa south na kame sasabihin samen pa north ung tinutuntun namen. kaya naman paikot ikot kame dun sa area. and we were just like an hour away na lang from our desti. soske, nagkataon pang sa may toll gate kame paikot ikot. kaya kumita samen ang toll gate! 3x kame umikot sa magkabilang toll gate. hangang sa sinundo na kame nung pupuntahan namen. kakahiya. :p mag 12 na kame nakarating sa kanila. inabot na kame ng dilim kaya ang hirap mag navigate.
then the ff day, saturday. punta kame ng sesame place. nag enjoy si little boy at ang nanay na laki sa sesame street. hehehe. si little boy nag enjoy ng husto ke elmo. ako nag enjoy ke "big bird" at si hubby nag enjoy sa mga big "b**bs! wehehe. joke only. pero grabe nga ang mga boobs nila, bakit ganun? parang ulo ko na. para tuloy akong naging dalaginding na pinamumukulan pa lang. wehehe... hay naku wholesome tong blog ko so change topic.
after sesame, nagpunta naman kame atlantic city. di man kame nag casino kasi kasama namen si little boy at di ren talaga kame mahilig ni mahal sa sugal. so nag boardwalk lang kame. at habang nagjajalan jalan sa boardwalk, e me natuwang mga puti ke little boy at ayun binigyan sya ng malaking nemo. na ewan kung pano namen un bibitbitin pa SG. baka un na hand carry ni little boy. kaya naman natigil si little boy ng pagmamaktol kasi nalula ke nemo. ayun tahimik na sya natulog pauwi ng byahe yakap si nemo. kaaliw.
sunday, rainy day. punta kame NY. napuntahan namen ang twin towers. grabe nakakakilabot ang place. empty space. ang nasa labas lang ung mga pictures. pati ung account of actual event. creepy. =( sayang di namen inabot ung lion king. kasi 330 namen nakita, 3pm ung start ng show. na enjoy sana ni little boy. di ko masyado nagustuhan ang NY. parang masyadong busy. (syempre city. hehe) parang naguguluhan ako masyado sa kanya. ang daming parang mga sangano. (para kong nasa recto. yun nga lang magaganda ang mga buildings. pag labas pa lang kasi ng terminal ng bus, ang dami na mukang sangano. me hinuhuli pa nga ang mga pulis. anobayun! nag bus tour na lang kame. medyo ma ambon ambon pa, nadala ata si little boy sa ulan kaya naman ng pauwi na, ng pasakay kame ulit sa bus sabi nya ayaw na nya sa taas. (double decker kasi ung tour bus at nasa taas kame na open)
then monday pauwi ng maine, dinaanan namen si mareng liberty. sabi samen ni ate gina, 20min lang daw ugn ferry, so balikan 40 minutes di ba. kala ko mga 1.5hours ok na kame. alamak! inabot nakame dun ng alas-singko! yaiks! so ginabi na naman kame sa daan. pahirapan na naman sa pag navigate! ayayay! ayun na nga, we missed another exit pero mas maalam na kame ngayon kaya naman medyo 10miles lang ung nasayang at back on track na naman kame. nakakatuwa si little boy, kasi alam nya na di na sya talaga pwede umalis sa car seat nya at di naman ako pwede lumipat sa likod. sasabihan na lang nya ko ng "mommy, hawak mo na lang kamay ni meg." tapos matutulog na sya. awwww! ang sweet ng anak ko. sana hangang pag laki nya, kaya pawiin ng paghawak ko ang kahit na anong dinaramdam nya. naks senti! hehe.
halos 12am na naman kame naka uwi, kaya naman di na ko naka abot sa company dinner ko. tapos di pa ko makatawag sa kanila kasi dead ang HP ko. tapos na late ako kanina pa umaga kasi nga pagod na pagod kame sa byahe at napasarap sa tulog. ayun, pag pasok ko sabi nila malapit na daw nila ko isama sa listahan ng mga missing persons. ahehe.
nag enjoy kame sa trip sobra, kahit na sobrang pagod. pero miss ko na ren ang SG kasi nilalamig talaga ko dito. partida summer daw dito. brrrrrr!
2 comments:
ang impt nag-enjoy kayo. charged to experience na lang ang mga booboos :D
aliw ang family adventures nyo. kakatuwa si lil boy mo. about the summer,, ganyan din ako nung 1st summer ko dito sa winnipeg,, eh parang december na sa baguio ah! nyaks!! take care!
Post a Comment