Friday, August 11, 2006

US of A

andito ako ngayon sa bansa ni uncle sam. dumating ako kahapon at isang himala dahil parang hindi ako na jetlag. nung unang punta ko kasi dito, 2 weeks ako andito eh 2 weeks ren ata ako lumulutang. e ngayon, kagabi lang ako dumating pero ok naman na ako. o' feeling ko lang ok ako kasi nasa room lang ako at di pa ko napasok. hehe.

pag alis ko ng singapore, na principal's office pa ako. e pano naman kasi, nagpalit ako ng passport. nalimutan ko naman ipalipat ang re-entry permit ko! so illegal na pala akong nagsstay sa singapore. sabi ko nga ke mahal, "tama ba un! me US visa nga ako, wala naman ako Singapore visa!" so mega sorry at promise ke officer na magpapa tatak ako pagbalik ko. Buti na lang mabait ung officer. Kung hindi naku lagot ako sa amo ko at di ako makakalipad.

Pag dating ko naman dito, naharang naman ako dahil sa laptop. Chine-check na pala pati yun.
Yun naman nag check ng laptop ko sobra chika. Tinanong pa ko kung nano-nood ako ng world cup. Me football print kasi yung shirt ko. Sabi ko, "Yeah, when I do get the chance." Ngak! Wrong answer! Natanong pa tuloy ako kung sino nanalo. Sagot ko, "Italy???" As in malaking question mark! E isang game lang ata napanood ko. At malayo pa sa semis noon. Dahil naman sa madaling araw naman pinalalabas ang game nun. Pero sabi nya un daw nanalo, natalo daw ang France. (Parang hindi naman un ang magkalaban. Ah ewan, malay ko. hehe)

Tapos kanina nagpunta na ko sa mall, parang ang mahal ng grocery dito. $50US na nagastos ko e ang onti pa ng napamili ko. Sa singapore, malayo na nararating ng $50 ko. Mukang di ako matutuwa mag grocery dito. Pero ang scrap shop nila.... siyeeeet! Para kong nasa heaven! Ang sarap mamili kasi un ang mura. Yari saken si mahal, promise nya kasi na ipapamili nya ko ng scrap items. Di nya siguro akalain na sandamakmak dito. ahehehe.

Feeling ko lang dito ang liit liit ko, bigla ako naging petite! Samantalang sa pinas at gapor e feeling ko ang laking babae ko na. Dito parang pag binalya ko ng mga makakasalubong ko e tatalsik ako. hehehe

Nakausap ko na ren kanina sila mahal at little boy. Salamat sa yahoo at libre usap. Hehe.
Kaya lang nalungkot ako kasi umiyak si little boy. Kala nya ata andun na ko sa house, kasi naririnig na nya boses ko. Panay sigaw at iyak ng "mommy, come! mommy come!" me kasama pang reaching arms. =( Kala ko pa naman ok na ung paghihiwalay namen kahapon. Kahapon kasi pag hatid saken sa airport di sya umiyak. Pano tuwang tuwa sa mga eroplano. As in nagba bye agad saken kasi daw titingin pa sya ng planes. Siguro kagabi nya lang na realize na wala ako dun.

Di ko pa ma enjoy ngayon ang isteyts, kasi di man ako marunong mag drive. Tambay lang ako sa hotel. Buti na lang free internet. Next week pa ko makakagala pag dating nila mahal.

4 comments:

Misis14 said...

nasaan ka sa 'tate? :-) ganyan din ang princesa ko nung umalis ako for bisnis trip. nyek, ang iyak ko sa hotel room. next week, alis na naman ako. :-( buhay nga naman. buti na lang meron scrapbook store napapagaliwan. :-)

elapot said...

uy miswah! san ka rito? til when ka? dali at nang makachika kita para malibang ka kahit papano :)

Olive said...

oo nga, asan ka ba ng mag-eb tayo dito sa isteyt. hanggang kelan kayo dito? hinay sa pamimili ng scrapstuff hahaha

SimplyMuah said...

nasa portland, maine po ako!
EB! na daliiiii!
olive - naku natabunan na ako ng scrap stuff! haha