i'm back from the grave.
after 50 golden years sa airport, sa wakas kame ay nakarating ren sa singapore.
dapat lunes pa kame nakarating dito, ang flight namen from portland to newark e 6pm. (1hr flight) aba, e past 9pm na kame naka sakay ng eroplano. tapos pag sakay pa namen, syempre di daw nagana ang isang computer ng aming munting airplane (50-seater) ang saya-saya!
so baba ulit, lipat ng ibang plane. pag dating naman sa ere, soske malalaglag na ata puso ko sa alog dahil sa weather! para kong si keana na sumasayaw sa tugtog ng aalog-alog! feeling ko katapusan ko na! grabeee talaga! un na pinaka matindi kong lipad. para tuloy ayaw ko na umulit. grabe katakot!
so almost 11 na ren kame nakarating sa newark. e nasa ibang terminal pa, so kahit ata mag eroplano ulit ako papunta sa kabilang terminal, di pa ren kame talaga aabot. unless, e humarang ako sa runway at sumigaw na me terorista sa ilalim ng gulong nila para tumigil sila!
so to make the short story, shorter... kame po e naiwan ng eroplano papuntang SG! kaya mas mahabang journey!
eto na ngayon, alas dose ng gabi. tulog ang aking iho. kame e nasa airport. so ano ngayon ang kailangan gawin? e di humingi ng hotel sa me kasalanan. nagpunta kame sa office ng airline at nag demand ng matutulugan. aba, e mabigat magbuhat ng 12kg na bata sa buong magdamag ano! e kaso sabi ni officer, wala daw pong hotel. 3am pa daw magbubukas ang kanilang international office. ehehe, ang saya talaga.
e di ang aking pagka maldita e umiral. sabi ko sa aking esposo, hindi tayo aalis ng office hangang di tayo binibigyan ng hotel! e aba, wala akong balak mag ala tom hanks sa terminal! so tumambay lang kame dun sa office nila. tapos, ako e nangangalay na so lumabas muna ko. ng papasok ako, nasalubong ko ang officer. HMP! Ismidan ko nga. pag upo ko sabi ng asawa ko, me hotel na tayo, with transpo at meals. nyahahaha, inismidan ko pa e nagbigay na pala. buti nalang di binawi. kaya naman after nya mag explain saken kung papano un, sabay tanong sya ng "so you happy now? you were so mad at me." syempre ako naman e lumambot na ang puso, sabi ko "i'm not mad at you, i am mad at the situation. we've been at the airport since 3pm and with a difficulty level of hard cause we are carrying a toddler!" isisi ba bigla sa anak! nyahahaha....
so ayun, free hotel, transpo at meals. pero syempre di pa ren madali, kasi till 12 lang ang hotel. so by 130pm nasa airport na ulit kame kinabukasan. e 11pm ulit yung next flight. kaya ayun, lahat ng bata sa airport, kinilala na ng anak ko. at siguro dahil burong buro na anak ko kakaintay e ayun, nilinis nya ang sahig ng newark airport using his wet wipes! (at dahil scrapper ang nanay, imbes na awatin ang anak e pinicturan pa!teeheee)
sa plane naman maayos si little boy, kundi tulog nanonood lang ng tv. kaya naman amaze na amaze ang nasa likod namen. such a wonderful boy daw si little boy at behave na behave. hindi nila alam wala ng energy kasi naglinis ng airport! nyahahaha.
kaya eto po ako ngayon back to regular programming... =)
1 comment:
great that you're back safe n sound! ;)
uyyy i am still holding on to the voucher at yung supposedly invite nung bday ni andi at gift na din kay eryne. lapit ba kayo kembangan/bedok? i work near, isip ko e ihulog ko na diretso sa mailbox nyo hehehe
Post a Comment