Thursday, May 03, 2007

mahirap magpalaki ng magulang.

kahapon tumawag ang yaya ko. gusto daw ako makausap ni little boy.
sabi ni little boy, "mommy inuubo ako (ubo! ubo!) at me sipon(singhot! singhot!). bili mo ako ng gamot. yung blue, orange, green at pink. (mga gamot na binibigay ng pedia nya.)

so sabi ko sige. e ng nasa drug store na ako nagdalawa isip ako, kung talaga ba inuubo sya o' nag iinarte lang. so naisip ko pakiramdaman ko muna pag uwi ko tapos saka na lang ako buy ng gamot. since meron naman ako vicks na pang ubo sa bahay.

eto ngayon, pag dating ng gabi. inuubo na nga sya. so hinanap nya mga gamot nya. sabi ko di ako nakabili e. bukas na lang. haplos na lang muna ng pagmamahal. aba tama bang litanyahan ako!
sabi nya "di ba tumawag na ako sayo. di ba sabi ko bili mo ako ng gamot. me ubo ako oh. (ubo! ubo! - yes with matching ubo talaga) bakit di mo ko binili? tumawag na ako di ba?" sosko, gusto kong sabihin.. sige masama na akong ina! pabaya! maglalayas na ako! huhuhu... pasensya na anak, tao lang!!!!

lekat oo, 3yo pa lang yan!

3 comments:

elapot said...

champion talaga tong si little boy mo cata! ahahahah

Munchkin Mommy said...

how cute! :D kaya mommy, next time, susunod ka ha! hehe! :D

Liza said...

ibang klase talaga ang reasoning ng anak mo cata! hahaha! ikaw pa ang napagalitan. kaya sa susunod, makikinig ka ha! hahahha!