Tuesday, July 24, 2007

Zengki : Tagapag tangol ng mga naapi

Kahapon, sinumbong ni teacher si little boy. Lagi daw binu-bully si cousin E sa school nya. (classmates kasi sila ni cousin E sa playgroup)

Pagkakita pa lang nya sa akin kahapon aba e pinangunahan na ako. Sabi saken, "mommy di ko ina-away classmates ko!"

Sabi ko "alam ko, kasi si cousin E ang inaaway mo. Bakit mo binu-bully si cousin E, di ba dapat ikaw nag-tatangol sa kanya sa school pag me nang away sa kanya?"

Ang mabilis na sagot ng aking iho....."bakit ako magtatangol mommy, ako ba si zengki?"

Hayyyy..... katwiran.... susko, talaga naman... pano pa kaya pag katorse anyos na ito... makukutusan ko na talaga.. .

3 comments:

Anonymous said...

hahahaha! witty talaga yang anak mo Cata. Baka maging lawyer yan paglaki. :)

salme said...

nyahahaha ang galing ng 3 yo mo! indi nga naman sya si zengki, si mommy o.

salme said...

tuwang tuwa ako nung makita sa TFC sked yung zengki kasi narelate ko na kay meg hehehe