Monday, September 24, 2007

e bakit nga ba hindi na lang ganun....

kwento kagabi ni yaya, pag gising daw ni little boy e hinanap ako at eto ang kanilang naging usapan...

little boy: ate, asan si mommy?
yaya : pumasok na sa office.

little boy: bakit sya pumasok sa office? di ba sabi ko sa kanya alagan nya lang ako.
yaya : e kailangan nya pumasok sa office kasi need nya mag trabaho, para me pambili ka ng food at ng mga toys.

little boy: e aalagan nga nya ako e.
yaya : e ako na nga ang nag-aalaga sayo di ba?

little boy: si mommy na lang aalaga sa akin. ikaw na lang ang pumasok sa office at mag-trabaho.

parang maganda ang logic ng anak ko ah... bakit nga ba hindi na lang ganun... di bale nakong malapit na... =)

1 comment:

M0rN1nG & N!cE said...

oo nga bakit nga naman di na lang si yaya ang pumasok sa office. :)

Kung pwede nga lang di ba?

www.nicemorning.net