Tuesday, November 13, 2007

little kuya with a big heart for little baby...

kahapon, ako e nagliligpit ng aking scrap room.

hetong si little bebe, ayaw magpalapag kahit tulog na. pag nilalapag sa kama nagigising. so ginawa ko ibinalot ko, at pinagitna ko sa dalawang unan. (utuin ba ang bebe. hehehe)

sa liit ng little bebe, hindi sya napansin ni little kuya. so ask ni kuya, mommy asan si baby? sagot ng malditang nanay "ay, wala na. tinapon ko na. makulit kasi e. pinamigay ko na ke uncle." (uncle = term sa mga mama (old men) dito)

susmio! palahaw ang kuya... as in WAAAAAAHHHHH to the max! at di sya tumahan sa kaka-palahaw hangat idi nya nakita ulit si bebe. ehehehe...

tapos kanina nasa ospital kame para sa aking post natal check up....

pagpasok pa lang sa lift (matandain sa lugar si kuya) hinawakan na ako agad ni kuya sa kamay sabay sabi sa akin ng "mommy, wag mo iiwan si baby sa mga nurses ha." natatandaan pa nya na dun naka confine si baby ng maiwan dahil sa jaundice.

love na love ni kuya si baby... sana talaga hangang pag-laki nila. baka pag marunong ng mang agaw ng laruan si baby e si kuya na mismo magpamigay ke baby ke uncle o kaya sa mga nurses. hehehe

1 comment:

Anonymous said...

awwww! ang sweet naman ni kuya meg. :)

Yung anak ko ganyan din ke Rou dati..ayaw magpalapag kaya ganun din technique ko...ibalot at ipitin sa unan.

N!cE
http://www.mommastuff.com
http://www.nicemorning.net