january 2 - orientation nila. feeling ko nasa pinas ako, naka civilian clothes ko pinapasok anak ko dahil first day. ayan tuloy sya lang naka civilian! ehehehe. aba malay ko ba. pers time din ni mommy e. wala naman nakalagay sa letter nila na need na naka uniform. sabi tuloy ni teacher sa kanya, "today, you are special." wehehehe.
january 3 - lekat tong service nya. usapan namen, friday ang first day na sundo. aba bigla ba naman sumulpot sa bahay! ayun tuloy pati ako napasakay sa service! brings back old memories tuloy. (memories na kung saan high school na ako e naka service pa ako at ang kasabay ko e mga kinder at prep! wahahaha)
january 4 - 2nd day pa lang nakatangap na ako ng tawag. (oh lord! ) sabi ni teacher ang takaw daw ng anak ko! (siyeeet, kakahiya. baka akalain ni teacher di ko pinapakain anak ko. PG and futek!) Actually, di naman matakaw ang term nya. ang term nya meron daw healthy appetite! ahahaha. siyeeet talaga. malupit makapag pagana ang cherifer ah. sabi daw ng anak ko, teacher i want some more. at ng sabihin nya na hindi na pwede, aba e pumunta daw sa basket nila kung saan andun ang food supply. di ko alam kung survivalist tong anak ko o talagang mashuba! hehehe
ETO PINAKA-MALUPIT!!!january 10 - habang ako e nag-eenjoy sa bahay dahil ako e naka leave. nakatangap ako ULIT ng tawag mula ke teacher. DAHIL...DAHIL...DAHIL... nanapak ang aking iho! sabi ni teacher "he threw a punch, and it landed on his classmate's face." how, oh how in the world are you going to react on that? siguro isip ni teacher,lekat tong batang to ah... PG na, basag ulo pa! ahehehe.
ang pinag-awayan... Birthday cake!
next week kasi bday ni iho. so kasama ko sya ng umorder ako ng keyk para sa bday nya. tapos sinasabi ko sa kanya na para sa bday nya un sa school. e ang siste, me nauna na nag celebrate sa kanya. akala nya bday nya un. so sinasabi nya sa classmate nya na bday nya. e meron isang classmate na tumutol. sabi daw sa kanya, "meg, its not ur birthday" ayun, sinapak na nya!
hay hay hay... sabi naman ni teacher, di naman daw kasalanan ni little boy ko kasi nga wala pa sila sense of time. so di pa nya naiintindihan ang concept na bukas or tomorrow or next week.
nakausap ko naman si little boy at aminado sya na mali sya at magso-sorry na daw sya ke teacher, dun sa may bday at dun sa sinapak nya. yun nga lang, ayaw na nya mag bday sa school. gusto nya sa bahay na lang. kasi daw, aagawan na naman sya ng bday! ahehe. wawa naman little boy ko.
hay... 2 weeks pa lang ito at nasa nursery... naway wag naman laging ganito... kundi, idi-divert ko na ang mga tawag ko ke mahal para sya na kumausap kila teacher. ehehehe...
4 comments:
grabe, pag nakakabasa ako ng kwento abt ke little boy mo e umaaliwalas ang daigdig ko sa super katatawa :D
hahaha! ang cute talaga ni meg! tuwing dadaan ako dito sa site mo, tatawa lang ako ng tatawa. hehe!
hahahah nakakatuwa ka talaga mag kwento! malay mo nga naman kung ako din yun papacivilian ko! naalala ko tuloy yung kwento ni gigi na pinapasok niya sa ibang grade level ang anak niya wrong classroom kasi lol!
napadaan! kakatawa ka mam hahahaha. dito rin po ako sa sg. - bunsoy
Post a Comment