Tuesday, March 18, 2008

Stupid Muah

hay hay hay... nauna ang black saturday sa aming pamilya ng dahil sa aking ka-shongahan.

saturday, me studio shoot kame ni mahal. last minute nag cancel ang mow-del.
e dahil babayarin ren naman ung studio, sabi ko ke mahal ung mga bata na lang ang i-shoot. pag dating sa studio, wala pa ung me ari. (di daw kasi nag-confirm) mga 30min pa daw bago sya makarating, so nag breakfast muna kame.

si bunso nagwawala kasi gusto maki-kain. (we started giving him solids, 5 days ago) since nag 5in1 vaccine na sya, naisip ko na okay na sya sa egg. (nung ke little boy kasi, pinakain ko sya ng 1 week na puro egg yolks at 1 week puro egg whites bago mag MMR vaccine as adviced by his pedia.) So ngayon naisip ko, okay ren lang naman siguro. wrong mistake!

pagkasubo ko ng eklok (puti pa!), maya maya nagbutlig na ang labi. e di naman kame nag worry kasi ganun lagi si bunso. pag nainitan, namumula. so kala namen e normal lang na pamumula. hindi ren naman sya nag-iiyak. nung nasa studio na medyo nag-iiyak, sabi ni yaya inaantok na yan. at ng pado-doin, nakatulog naman na nga.

shoot. shoot. shoot. click. click. click. ang nanay at ang little boy.

okay gising na ulit si bunso, sya naman ang mow-del. pag hubad ko, ang dami nang rashes sa likod. halos buong balikat na. tapos ung tenga nya, nagtu-tutong na.
so pack-up shooting. buti na lang walking distance na lang ung studio sa pedia nya.

pag dating sa clinic, wala si pedia! ibang doctor ang andun. at si bunso ko, nangingitim na. ( at ang tontang nanay, di pa talaga nahalata na nangingitim na ang kanyang bebe. si yaya pa ang nagsabi) then bigla sya nanahimik, bigla syang parang nag-sleep na lang. ni check naman nung doctor ung heartbeat, and okay naman daw. tulog lang daw talaga pero need namen isugod na sa ospital. ang ospital, 10min by cab.

pag dating sa hosp, buti na lang pinay ang nasa receiving area. at ng tanungin ano nangyari sa baby, inassist kame agad. (yung nga lang me libreng sermon pa, bakit ko daw pinakain ng egg white) tapos, ng makita ng doctor, si doctor ata e nagpanic ren parang natataranta at di malaman gagawin. tama bang si nurse pa nag-suggest ng gagawin. pina-pa admit na dahil daw need observe. di sabi namen okay. eto si nurse, bigla ako nilapitan, sabi sa akin. bibigyan ko na lang ng gamot si baby mo, tapos ilipat mo ng ospital. ang deposito dito e $3K. (parang ako ang biglang nangati!)
syempre ask ko muna, kung mabibigyan ba yan ng gamot, aabot yan sa ibang ospital? sabi nya, oo naman! (natatawa tawa pa sya! stupid question as it may seem, pero buti na ung sigurado ano!)

pagka bigay ng gamot, lipat na kame agad ng ospital. sa taxi bigla na lang nanlupaypay ang bunso. natakot ako, nidu-dutdot dutdot ko sya. (oi, bebe... wake up... tulog ka lang ba... wake up...)

pag dating naman sa kk, buti na ren lang pinay ang doctor. (yun nga lang, libreng sermon ulit..."ay bakit mo binigyan ng egg, too early pa...) tapos sabi nya ung gamot daw na binigay ke bunso e nakaka-antok (so tulog lang talaga sya sa taxi)
di na daw need i-confine kasi mukang okay naman daw ung gamot na binigay ke bunso. pero need namen antay na lang ng mga 1 hour para makita kung tuluyan ng huhupa ung rashes nya.

so antay kame sa labas. i realized, pinoys will always be pinoys. and will always be chismosa. nung nasa labas kame, me isang babae na sinusundan kame ng tingin. tapos, ng nagkkwentuhan kame lumipat sa may tabi namin. at ng di makatiis, tinanong na talaga nya ako. ("ano nangyari sa ears nya?")

after 1 hour, nag okay na si bunso. binigyan na lang kame ni doc ng gamot para iinumin sa bahay.

haaayyyy, ang hirap pala ng allergy. pagka-lipas ng otso oras, naglalabasan ulit ung pamumula nya. need talaga me follow-up na gamot. 3 araw sya ganun. mukang kagabi lang humupa na talaga. at dahil yan sa isang kutsaritang eklok lang.

tumawag pa ulit ung pedia kahapon, tanong kumusta na daw ang daughter ko... sagot ko pa, daughter? i don't have a daughter. ehehehe, toink! sabi sa akin mag ingat daw ako sa mga kinakain ko kasi magpa-pass daw un sa milk ko e breastfeeding pa si bunso at sa mga ipapa-kain ko ke bunso. ung mga bread, me egg daw un. mga cake, me egg daw un. bigla ko naisip, siyet oo nga. ang naisip ko lang wag pakain sa kanya ulit e eklok, e ang dami nga palang pagkain na may itlog.

ang nakakatawa pareho ng naisip si yaya at si mahal.

yaya : buti na lang di ako ang nag-pakain.
mahal : buti na lang di ako ang nag-pakain.


haaayyyyy.... shonga shongang nanay!

4 comments:

Charmed said...

haha! tama si yaya at si mahal... buti na lang di sila ang nagpakain... kung hindi sangkatutak na sermon ang inabot nila... I should know, ganyan din ako e. Pag ako ang nagkamali walang pwedeng mag-sermon sa kin hehe. buti ok na si bebe.

Anonymous said...

ay buti na lang ok na si bunso. nakaka-panic!!

naku kung sa akin nangyari, sermon din ang aabutin ko galing sa asawa ko, hehe. mas "expressive" yun kesa sa akin. :)

Anonymous said...

naku, mahirap talaga pag may allergies ang baby. ganyan din si jan before -- allergic to egg, cow's milk, seafoods, nuts. buti nga na-outgrow niya most of them by age 3. nuts na lang ngayon ang super delikado.

naku, doble ingat ka na ngayon sa food ni bunso!

♥SomethingPurple♥ said...

oh my! kahindik hindik naman ito buti ok na si bebe.