Sunday, April 06, 2008

ang aking mabait na little boy

meron binigay si ninang V kay little boy na lalagyan na hugis jeep. nilipat dito ni little boy ang mga barya nya na galing alkansya. pupunuin daw nya ung jeep para may pambili sya ng toy.

kahapon nag-uusap sila ni ate A.(yaya)

little boy : ate, ano ginagawa mo?
ate A : nagttrabaho po.
little boy : bakit ka nagt-trabaho?
ate A : para may pera ako. para mabili ko rin ang gusto ni may-may.
(anak nya na kasing age ng aking little boy.)
little boy : wag ka na magtrabaho ate. bibigyan na lang kita ng pera dun sa jeep ko para mabigyan mo si may-may ng toy.

awww.... ang bait naman. naisip nya un. natuwa ako. =)

1 comment:

Anonymous said...

ang sweet naman talaga ni little boy! :) nakakatouch ang ganon ha! :D maganda at bata pa siya marunong na talaga siya magshare. galing galing!