Tuesday, April 15, 2008

my KK bebe

hay hay hay...

sinindak na naman kami ni bunso. sinugod na naman namin sa ospital. suki na kame ng KK hosp. bigla ba naman nanginig at nangitim dahil sa taas ng lagnat!

tuesday me lagnat.

wednesday - dinala ko sa doctor.

thursday - mataas ang lagnat nung umaga. medyo nag chill na. dadalhin na sana namin ni mahal sa ospital kaya lang pag labas ng gate parang nagdahilan lang, as in nawala na ung lagnat.

nung kinahapunan, biglang inabot sa akin ni yaya. bakit daw nanginginig. so dali dali kami ni mahal nagbihis at sugod sa ospital. e bago pa kame makaalis ng bahay ung mga fingers nya, nangingitim na.

hay talaga naman! super scary moment!

nung una, baka daw dengue kasi mababa ang platelets. buti naman the ff day, ng itest ulit, okay na ung platelets nya. pero ung red blood naman daw ang mababa. need na daw pakainin para magka iron sa katawan.

grabe, sa dami ng gamot, daig pa ng aking iho ang isang drug addict. =(

1 comment:

Mga Misis ng Wifespeaks said...

kawawa naman si bunso :( sana naman ma-outgrow niya itong mga childhood ailments niya.