Wala lang. Natanong ko lang. Nagka-kwentuhan lang kame ng isang kaibigan at napunta ang usapan sa karma.
Kung iisipin mo, parang di naman totoong me karma. Kasi may mga taong me ginagawang di maganda, pero para namang di kinakarma. Kasi nasa magandang tirahan, maayos ang buhay, faithful ang asawa at mababait ang mga anak.
Tapos na realize ko, sa kanya walang nangyayari. Pero ung mga taong mahal nya sa buhay dinadapuan ng sakit, ung anak nakaka-pangasawa ng nang-jojombag. Hindi ba mas masakit na karma un?
Kasi kung ako ang masama, tapos ang anak ko ang tatamaan ng karma, matutuktukan ko ata ang sarili ko. Kung may dapat makarma, ako na ren lang kasi ako ung naging masama. Di ba?
Oh well, nakakatakot isipin. Kaya ayaw ko na isipin. Papaka-bait na nga lang ako. hehehe.
1 comment:
totoo yan... what goes around comes around. like you said, kung hindi sa atin, tatama yan sa mga taong mahal natin sa buhay. sadly, yung mga taong kinakarma, hindi nila alam na karma na pala ang tumama sa kanila.
haaaaaaaaaay....
Post a Comment