Monday, May 26, 2008

ng muntik ko ng maiwala ang aking panganay.

kahapon namasyal kame.

pag labas namen ng mrt, hawak ko si little boy. tapos, pumunta sya sa lolo nya para uminom ng tubig. so akala ko kasama na sya ni lolo. pag inom nya ng tubig, sabi nya pupunta sa akin. so akala ni lolo kasama na ako. maling akala! hay hay hay!

pagkabili ko ng tubig, so kitakits na kame. biglang wala na si little boy!
sabi ni mader, asan na si little boy? nagka-tinginan kame lahat. siyet! nawawala si little boy.

takbo ako agad pabalik ng mrt. buti na lang, hindi sya nag exit. andun sya pabalik balik, iyak ng iyak at sigaw ng sigaw ng mommy at makikita mo na super frantic na talaga sya.

siguro, 5min lang ito pero ito na ata pinaka mahabang 5min sa buong buhay ko. pakiramdam ko talaga tumigil yung heartbeat ko. greatest fear ko talaga ang mawalan ng anak.(mawala na as in nawawala, na di mo alam kung nasang lupalop na sya ng mundo)

pagkakita ko sa kanya, tinakbo ko agad sya at binuhat at tinanong san sya galing. sorry sya ng sorry sa akin. di na daw sya lalayo. pero ng mahimasmasan sya, pinagalitan ren ako. bakit ko daw sya iniwan. sa susunod daw wag ko sya bibitawan! (anak promise, di na mauulit!)

paguwi namin, sabi nya sa akin sa susunod daw wag na ako tatakbo. slowly daw ako pumunta sa kanya. sabi ko bakit? sabi nya..."kasi baka madapa ka, tapos mahulog ka sa stairs. di patay ka na. mawawalan ako ng mommy."

langya, sya niwala ko lang ako pinatay na. tsk! tsk! tsk!

5 comments:

malditang bunso said...

Bwahahahaha! Ang kulet! Next time, alam mo ng wag tatakbo. :P

ceztlavie said...

iskery ha! buti nga di pa nag-exit si little boy. kundi, naku, ewan ko na lang!

Anonymous said...

whew. buti na lang at nagkita rin kayo kaagad...

elapot said...

katakot naman cata!.. pero di bale after ko matakot sa kwento mo, natawa ako sa pahabol ni meg! hahaha

salme said...

nakakatuwa talaga si little boy mo, next time nga naman, wag ka tatakbo! hehehe pero parang tumigil din puso ko sa kwento mo hahaha