haaayyyy.... sa dinami dami ng pagkain dito sa melbourne kung bakit naman biko ang hanap ng aking si little boy.
bakit naman kasi sa dinami dami ng chichirya e sa biko, kakanin at suman adik tong anak ko.
so eto na, naghanap na nga ng biko. sabi ko wala kame pangawa ng biko. sagot nya, "sa supermarket mommy, meron." so to supermarket we go.
at bakit rin naman sa dinami dami ng rice dito (calrose rice, long grain rice, etc etc rice) bakit walang glutinous rice?????
ngayon umaga, narinig ko ata ang "mommy, biko please....) ng 100x....(with uhaaaa! waaaah! uhaaaa! ni bunso in between)
so pano na gumawa ng biko in melbourne, kumuha ng isang gatang na bigas, pakuluan sa tubig, gata at asukal na pula sa kawali hangang sya ay mag-mukang biko. (bakit sa kawali? kasi tinatamad ako maghugas ng kaserola!)
ang ending... "ang sarap ng biko mo mommy."
-from the adventures of simply curacha. ang babaing walang pahinga-
:p
4 comments:
hehehe... kahit "fake" biko, pasado naman sa panlasa ni little boy mo. wagi ka pa rin! :D
mabait na bata! biko at hindi chichirya ang hanap. kaso rice eater talaga sya no?
welcome to australia cata!
funny si meg, ang hanap biko! buti na lang ang mommy very resourceful at naka-whip ng biko.
you can buy glutinous rice from asian stores.
cez - oo nga. buti na lang madali i-please itong isang to.
jen - oo. rice eater talaga! minsan nahuhuli ko sa lagayan ng bigas dumudukot at un ang pinapapak. weirdong bata!
autumn - salamat sa tip! nakabili naako ng glutinous rice. at sa asian store nga! hehe =)
Post a Comment