Thursday, July 10, 2008

from the little red dot to the land down under.

good day mate, greetings from the land down under!

actually, delayed greetings kasi nung sabado pa kame andito. masyado lang kame busy kaya ngayon lang ako nakapag-blog. dami kasi dapat asikasuhin. tax number, medicare, driver's license, bank account, etc etc... hay kakapagod. na miss ko bigla ang singapore, kasi sa singapore halos lahat online transactions na. chaka pag napagod taxi na and kahit di taxi we are just 5 mrt stations away from the city.

so kumusta naman ako? mabuti naman. buhay pa. ewan ko lang sa mga susunod na araw.
okay pa ako ngayon kasi nakikitira pa kame pansamantagal sa sis-in-law ko, so kung kailangan ko ng taga hawak ke bebe, or taga tingin ke little boy e meron pang gagawa nun. kumustahin nyo ulit ako pag lumipat na kame ng tirahan. hehehe.

kumpara sa pinas, i can say better dito. pero compared to sg, para akong na time warp at bumalik ng mga 10 to 15 years ago. or baka hindi lang. ibang iba ang sistema sa sg. bus at train na lang walang sinabi. na miss ko tuloy ang abadi-abadi-abadi na announcement sa sg. sa sg, nakakagala ako ng ako lang mag-isa. nagagawa ko umuwi ng alas onse or later ng walang kakaba kaba. dito hindi ko magagawa yun. skeri sa labas. lalo na pag abot ng dilim. dito nung galing kame sa city ng past 9pm, grupo pa kame e takot kame lahat. pano mga sanggano na lang ata ang nasa kalye.

pero, so far mukang okay pa rin naman desisyon namin. little boy is enjoying it here. dahil nga bawal daw mamalo dito, ang panakot ko sa kanya ide-deport ko sya papunta ng sg pag hindi behave. nagwo-work naman. hehehe. si bunso, mas gusto rin ata dito. parang mantika, malamigan lang tulog agad.

as for the household chores, well... it never ends. ngayon ko lalo na appreciate si ate anita (ang aming wonder yaya sa sg). ang hirap pala ng ginagawa nya. gusto ko tuloy bumalik ng sg para i-embrace sya ng mahigpit na mahigpit. namiss ko sya at mami-miss ko sya ng husto. (pati si mahal, miss na miss sya! same reason kaya kame, nyahahahaha)

it's different here. but life must go on... and it will for me. for us. =)

8 comments:

Kaye Limlingan said...

goodluck sa inyong adventures dyan sa land down under. sayang pupunta na kaming sg, hindi na kita mame-meet. i hope your family enjoys it there. nung nagpunta din dyan si hubby ng ilang linggo, nanibago sya, kasi ang liliit ng malls, ang aga magsara ng establishments at iba accent ng mga tao. hahaha. im sure kaya nyo yan. your family will make you stronger. :)

jen said...

buti naman at enjoy si little boy and si bunso. :) kahit asan naman kayo kung sama sama ang pamilya, kayang kaya! :)

salme said...

God bless po sa inyong new adventure! :-)

Anonymous said...

if life is a series of "short-term", we'd still be in singapore. unfortunately, hindi ganun e. so we bit the bullet and here we are, surviving the OZ life.

embrace lang natin both good and bad. it will be a tough transition from being a career mom to sahm, but what other sahm-ies said are true. iba ang rewards na ikaw ang nakasama ng anak mo in their critical growing years.

lots of hugs to you and we'll pray for your smooth adjustment in melbourne!

Liza said...

good luck cata sa inyong move to oz. medyo adjust nga lang talaga muna kayo but am sure you guys can survive it. wishing you and the family all the best in this new chapter sa buhay nyo. ingats!

Lei said...

congrats on the move.. i'm so happy for you.

MGY said...

good luck ulit sa inyo dyan, sana balang araw magkita kita tayo at mapatikim mo naman ang luto mong biko :)

~mEldita~
my untamed world
my uncensored life
i.MEL.dific
meme me

SimplyMuah said...

salamat po. sana nga kayanin ko. =)