Nag-palit ako ng email add. Ung bago kong email add, e married name ko na and with dot au na sya.
Anyway, may nag comment, "Wow! Nasa OZ ka na pala ngayon. Sarap naman! Dito (sa pinas) ang hirap pa rin."
Naisip ko, bakit kaya pag nasa ibang bansa ka, kala nila masarap ang buhay mo?
Dahil ba me snow? Believe me, hindi masaya sa may snow! Kahit demure ka, mapapamura ka ng Put@ng-in@ng Lamig yan!!!
Dahil ba $$$ ang kinikita? E $$$ rin naman ang gastos namin.
Dahil ba may kotse? E kailangan e. Ang kotse dito hindi want, kundi need. Imagine, pag linggo walang bus! E pano ka na lang magsi-simba o mamalengke? Or pag may emergency?
Eto ang realidad. Mahirap mamuhay sa ibang bansa.
Dito walang kasambahay. Ang yaya, si Mommy. Ang driver, si Daddy.
Dito walang kasambahay. Ang labandera, si Mommy. Ang plantsador, si Daddy.
Dito walang kasambahay. Ang kusinera, si Mommy. And dishwasher, si Daddy.
Dito walang kasambahay. Lahat gawa mo.
Pano naging masarap?
2 comments:
super agree ako dito cata. di narerealize ng ibang tao na mahirap sa ibang bansa lalo na kung wala kang support system.
sure, mahirap ang buhay dito in general, pero that doesn't mean na HINDI mahriap ang buhay ng mga nasa ibang bansa.
i totally agree with you. akala nang iba pag nasa Abroad ka nakahiga ka sa pera..
Post a Comment