Kahapon, pagkahatid kay kuya on my way to work napadaan kame sa isang road accident. (Hatid ako ni mahal, with bunso on the back-seat)
Napaisip ako bigla, pano kung maaksidente kame and thinking of the worst, what if di na kame makabalik kay kuya para sumundo. Naisip ko, magagalit kaya sya sa mundo. Matatangap kaya nya na wala na sya mommy at daddy. So naisip ko dapat alam nya na ang buhay e parang life. Pwede anytime bawiin sayo.
So kinagabihan, bago matulog kinausap ko sya. Sabi ko sa kanya na pag nawala kame bigla, wag sya magagalit sa mundo. Dapat good boy pa rin sya, at dapat alagaan nya ang kapatid nya. Yep, I also think too much for a 5yo to comprehend pero buti na ung at least kahit papano prepared sya. So sabi ko, asa heaven lang kame always watching him from a distance. Then I asked him kung gusto ba nya na sa Ninang V at Ninong D sya titira. Sabi nya okay daw so that she can play with cousin E. (Would have wanted them to go with my parents, kaya lang kung nag-aaral pa sila I think better na mag continue sila dito sa OZ) I can feel na medyo croaky na ang voice nya. Naiiyak na siguro kasi sabi ko di na kame babalik.
Tapos ask nya kung bakit di na kame babalik, sabi ko ganun talaga. Pag umakyat na sa heaven, di na babalik. Sabi ko magiging old din sya tapos sya din pupunta sa langit, so dun na kame magkikita ulit.
Then sabi ko pwede rin na sya ang mauna sa heaven, sabi ko pag nangyari yun bantayan nya rin kame from above. Medyo natuliro sya. Maiyak iyak na sya, pero natawa ako sa sagot nya. Sabi nya, "Mommy, pano ko kayo babantayan. Like pag pumunta kayo sa pinoy store, e di sasakay kayo kay Sally(our car) e di hindi ko na kayo mahahabol kasi mabagal ako mag walk?" -- bata pa nga sya. hehe -- Sabi ko pag nasa heaven sya, too high na sya. So makikita nya kahit san pumunta si Sally. Natawa ako ulit sa sagot nya, sabi nya 'Mommy, if I am too high, pano ko na kayo makikita e magiging parang ant na kayo nun sa liit!' Nyahaha! nga naman. Sabi ko e di gumamit ka ng magniflying glass! Sabi nya, Oh ok.
Dasal ko lang, sana bago kame kunin ni Lord e me sarili na pamilya ang mga little boys ko para may kapalit na kame.
1 comment:
cataaaaaaaa, eto din minsan naging usapan namin ni ac...like meg, naiiyak sya and it broke my heart explaining this to him :(
Post a Comment