ang lame ng title ko. wala ako maisip e. hehe
kahapon nag start si little bebe(na hindi na bebe) sa daycare.
kala ko mae-emote ako. nagfe-feeling ako! e ni ha, ni ho di man lang ako binigyan ng aking iho. pag dating pa lang namin dun, ng makakita ng bata e aba kinalimutan ng kasama ako. hinawakan nya lang kamay ko, tumingin sa akin, tapos tumakbo na sa sandpit. tagal ko pa bago umalis, umasa na maalala nya ako. wala! napanis lang ang beauty ko.
part of me sad na iwan sya dun, part of me proud na kaya na nya out there without me and daddy. sabi daw nung teacher ke hubby pagkasundo nya, sigurado daw ba kame na first time ni little bebe sa daycare. such an easy child daw. =)
kaya lang paguwi, me kalmot sa mukha. tinanong ko kung me kumalmot sa kanya, umiling naman. tanong ko kung enjoy ba sya sa daycare, sabi nya oo. ng makatulog, nanaginip sumisigaw at tawa ng tawa. siguro nanaginip na nasa daycare. kanina pag gising nya, ask ko 'sino gusto sa daycare?' sumagot agad ng 'meeeee!' so i think, happy sya dun.
kaninang pag-alis namin, nakakatuwa sya tignan, hila hila nya ung bag nya. ayaw pahawak sa amin. gusto nya sya magdala. cute-cute. tapos pagdating sa daycare nila, nagmamadali pumasok sa room nila. pag-pasok, wala kinalimutan na naman ako. =(
pag-uwi lang nila umiyak kasi yung trains nya nakita nya hawak na nung isang bata. hindi naman makuha ni hubby kasi di sya sigurado na kay rou yun. kaya ayun mula daycare hangang dito sa house, nagiiyak. buti na lang meron ako sa kanya train na binili ulit.
hay laki na rin ni little bebe ko. ang bilis bilis naman nila lumaki.
No comments:
Post a Comment