Thursday, December 17, 2009

emotional torture!

last time, pag inaaway ni little boy si bunso, ang panakot ko e ipapamigay ko na si bunso. nag backfire sa akin. kanina since magkaaway sila, sabi ni kuya ipamigay na daw si bunso. at dahil lang un sa isang candy cane. haaaay....

at dahil si kuya ang ayaw mamigay sabi ko sya na ang papamigay ko. naku awang awa ako sa itsura. grabe ang iyak at sabi ng sabi ayaw daw nya iba mommy at mami-miss nya ko. pero syempre, sabi ko ayaw ko sa madamot na anak kaya ipapamigay ko na sya.
ayun, mega promise na di na daw nya papamigay kapatid nya at mags-share na daw sya.
susmio, hangang kelan kaya effective ito. baka next time i-call ang bluff ko e yari na naman ako. :p

No comments: