last saturday, we had our naw-sg CNY party...
this time, medyo kakaiba kasi imbes na catered food, nag potluck kame.
ay, panalo lahat ng food... yummy talaga lahat... ika nga e walang itulak kabigin...
meron pala ko maitutulak! HMP! ang aking magaling na asawa!
meron kasi game, hubbies vs wives kinda thingy...
ang objective ng game is to arrange the team members according to the criteria. then pag ayos na, need umupo ng team.example.... alphabetically arrange the team according to their first name. so dapat alan, alex, bon, flo, norman, rey... yun ang easy part...
eto na ngayon... arrange the group... according sa birthday ng asawa.... (so ung guys, according sa bday ni misis, and vice versa) nauna umupo ang mga guys.. ng i-verify... ang sagot ng asawa ko, july 17 daw ang bday ko! e sept 17 kaya ako! huhuhu...
eto pa! arrange the group according to wedding anniversary... nauna na naman ang boys... ng i-verify uli, sagot ng asawa ko malakas na JUNE!!! JUNE 16!!! waaaaaaaaaahhhhhhhhh! june 17 kaya kame!
buti na lang ang focus ko e manalo sa game at hindi ang pakingan ang asawa ko, hehe.. kundi baka nagkatotoo na sabi ng nanay ko na "oy, me magkakahiwalay na dahil sa game nyo!" (kami ata yun! haha)
hay naku, patawa talaga tong asawa ko... eversince, july 17 nya ko binabati ng happy anni! i wonder, sino kaya ang ka-anni nya dati ng july 17? hmmmmmmm....nuninuninuninu....
5 comments:
my dear, wag ng dibdibin ang anniv, kung kami nga ni hubby maling anniv ang nacecelebrate every year. Pero ang bday ha... loko yan! hehehe
hahaha! napatawa talaga ko ni flo dyan ;) pero ok yan... sumaya ang party. di naman obvious na mali eh. nag-react ka lang kaya nabuko, hehe!
let us just accept that it is not part of guy's DNA to remember dates. to compensate...pag nakalimutan ang bertdey or anniversary, mas mahal ang gift! ;-)
nakow! Ipagawa na ng kalendaryo yang si Flo. :D
a-ha! sino nga ang ka-anniv ng july 16... hmmmm... hehehehe
Post a Comment