Thursday, March 17, 2005

ang aking iho...

1 week ako nawala sa bahay, at mukang nagmature agad ang aking little boy....

kahapon maglalaro sya ng basketball nya. kailangan un i-on para mag-count ng mga mais-shoot nya... aba, at di na nya ko kailangan... alam nya na i-on mag-isa. to the rescue pa naman sana ko, pinigilan lang ako ng tatay nya... panoorin ko daw. e di pinanood ko nga ... ayun, ng hindi nagbilang ang basketball ring, e ini-on ng aking iho... nagiisip na sya ha!

katawa pa kagabi, siguro antok na sya. e ang kanyang magaling na ama e nanonood ng daimos. ang ulirang ina naman e nanonood ng amazing race. napagisip isip nya siguro na walang pagpapatulog sa kanya. ang ginawa nya e dumapa sa unan, at tinapik tapik ang pwet nya. patulugin daw ba ang sarili.... hehehe... ang aking iho.... nakakatuwa, nakaka-aliw.... =)

3 comments:

Misis14 said...

simulan pa lang 'yan...:-) ako nga, ever ready lagi ang video cam to capture precious moments. kaaliw talaga ang mga babies. lalu na pag marunong ng tumawag na 'mama' or 'mommy'..hay ka-touch sobra! it's my no.1 'kilig' moments with bebe s.

SimplyMuah said...

grrrr.... ewan ko ke little boy bakit nawala ang mama... ngayon puro na daddddyyyy.... dadddyyyy... dadddyyyy... HMP! hehehe

ceztlavie said...

kakatuwa naman si meg! nai-imagine ko syang pinapatulog ang sarili nya! hahahaha!!! ang cute! :)