nung sunday parang ang babait ng mga tao... well, compared to the typical singaporean na walang paki-alam sa mundo, last sunday e mababait sila...
1. ng pumasok kame sa church, karga ko kasi ang natutulog na little boy, binigyan ako agad nung dalagita ng upuan... un nga lang tinawag nya kong AUNTIE! (in filipino, ale or manang). hahampasin ko sana ng bigay nyang upuan e, kaso baka bawiin e mabigat si little boy. hehe. pinagtatawanan nga ako ni hubby. pero sabi nya dahil daw karga ko si little boy. sige na nga!
2. ng papunta kame sa labrador park, ung driver nung bus in-explain pa samen ung mga bus stops. kung san maganda bumaba at san ok mag stay. kahit na hirap sya mag english, pinilit nya para i-explain samen.
3. ng nasa mrt kame, meron matanda na gusto magpa-upo ke hubby kasi buhat ni hubby si little boy. bihira kasi sa kanila ang ganyan. normally, care nila sau. kahit na pa buntis ka.
4. ng bumili ako ng water, tinanong ko ung cashier kung meron sila cups. binigyan nya ko, for free pa! bait bait. bihira ang free sa singapore. hehe...
5. nung kumain kame ng kaya toast, kahit na dapat self service, in-assist nila ko. sila nagbuhat ng food ko sa table. buhat ko kasi si little boy. bihira ren un dito. kasi nga, lagi silang care ko sau.
hmmm......... ano kaya meron at mababait sila ng araw na un?
2 comments:
er.. tumingin ka ba sa salamin? baka naman mukha kang ka-awa-awa, hehehe.... joke lang! :)
mababait nga yang mga naencounter mo :D kasi minsan tinutulugan na ako mga kasabay ko sa bus para di nila ako tignan hehehe hinihimas himas ko pa nga tyan ko pero la epek!
Post a Comment