sa loob ng isang lingo, dalawang beses na kame dinalaw ng mga pulis.
april 1, masyado kame maingay. we are celebrating BIL's bday. at medyo na carried away ang mga bisita, masyado silang naging maligaya at maligalig. ala una na ng madaling araw, e rinig pa ren ang kanilang halakhakan. e ang mga singaporean, masyado vinavalue ang katahimikan. kaya ayun kame e nareklamo sa mga kinauukulan. well, sabi lang naman ni police officer.... "please turn the volume down..." eh ano pa ba masasabi nya sa dalawang 6 year old na nagkakaraoke at nakanta ng twinkle twinkle little star. (ang mga manginginom kasi nasa likod bahay. hihihi) well, it was really our fault. so sorry our dear neighbors. minsan lang naman kame sa isang taon kung mag party. (oh well, once a month. )
april 9 - low crime doesn't mean no crime. yan ang slogan ng singapore. hehe, di pa kasi pinaniwalaan. ayan tuloy. between, 4am ng umaga (oo ng umaga, kasi wala naman 4am sa hapon)and 9am, kame ay nanakawan. ang mga shoe rack kasi namen e nasa harap lang ng bahay. there are 5 units of apartment pa naman bago samen. aakalain ba namen na papasok pa sya sa looban. WAAAAAHHHH! nakuha ang regalo ko na basketball shoes ke hubby. t-mac adidas. plus 2 adidas basketball shoes pa. (hmmm.... fan sya ng adidas ha!) buti na lang di nya kinuha ung bago kong gift ke hubby na nike. e sa china ko pa un nabili at wala nun dito sa singapore. ang damuhong magnanakaw, dito pa nagpalit ng shoes! dahil ang kanyang lumang shoes e iniwan nya sa labas... in fairness, adidas den ang iniwan nya! mwahahaha..... bweset.
oh well,charge it to experience. sabi nga ni hubby," alright! mapapalitan na ung basketball shoes ko. mabibilhan na naman ako ni mahal!" grrr! sapatusin ko kaya sya???
2 comments:
totoo yan, low crime doesn't mean no crime. si God na bahala sa nagnakaw ng shoes nyo. at least lahat kayo safe pa rin.
pero ha, sayang ang t-mac!!
homay, nagsukat pa talaga ha yung magnanakaw! siguro making sure kung kasya yung kukunin niya! LOL
Post a Comment