Wednesday, August 31, 2005

ang aking pet loro

kagabi, ang aking xyron sticker maker, ginawang scotch tape ng aking kapatid! huhuhu...

excited sya pag uwi ko... "ate, i have a gift for you!" (kasi bday ko ng sept) tapos di inabot na nya saken.... nung una di ko pa napansin... tapos... sabi ko open ko na, sabi nya up to you... sabay super smile pa...

and then.....

nung inoopen ko na... nakita ko sa tape, rub and peel, xyron....WAAAAAHHH! e di shock ang beauty ko, nakalimutan ko ang gift!tanong ko agad, "you used my things?" sagot naman nya,"ate, it wasn't me." so ako e pumunta sa mama ko at tinanong si mama, sabi ni mama, me
envelope lang daw sya na sineal. sabi ko e ma, naubos na ung tape. and sinasabi ko nga, na sinabi ko na na wag galawin gamit ko kasi nga, hindi ordinary tape or glue ang andun... tapos sabi ni mama e onti lang nga kinuha ko, and sabi naman ng papa ko, "e nakita ka ng bata e di ginaya ka. sinabi na kasi sa inyo na wag gagalaw ng gamit
dun."

muntik na ko atakihin! as in ubos ung tape!!!!

tapos pag akyat ko, humahagulgol na kapatid ko. =( ask ko si flo kung pinagalitan nya. di naman daw, tinanong lang daw nya. sabi daw kasi nga, it wasnt me, ask daw nya, are you sure? tapos lumabas na daw.

di sinundan ko sa room nya. mega ngawa. so ask ko sya

me: why are you crying?
meg sa background : y clyin?
robbie: i want to go back. (eto lagi panakot nya saken pag pinapagalitan ko. go back to philippines!)
me: answer my question, why are you crying?
meg sa background : y clyin?
robbie: it wasn't me ate. huhuhuhuhuhuhu....
me: i know it wasn't your fault.
meg sa background : um polt.
me: so, there is no reason for you to cry. i am not mad.
meg sa background : nah mad
me: i am not angry.
meg sa background : nah gagry
me: stop crying.
meg sa background : top clyin

grabe, halong shock dahil sa xyron, at aliw dahil ke little boy ang naramdaman ko kahapon. as in!

Monday, August 29, 2005

busy busy busy....

hay, di ko na naayos ung bago kong template. busy kasi... dami kasi dapat gawin...
miss ko na ang blog ko... (na miss ren kaya ako ng mga readers ko, NAKS! feeling me readers! hehe.... KAWAY para sa mga readers!hahaha :p )

hay naku, ako e napapraning na naman... natuturete ako! ang dami ko gusto gawin, dami dapat tapusin, pero TINATAMAD AKOOOOOOO! hayyyy....

di ren naman namen maayos ni hubby ang mga dapat ayusin. hay, ang hirap mag isip. lalo na kung medyo major ang pagdedesisyunan. nuninuninu...

***

kaninang umaga, para na naman ako 7yo! kasi... kasi...kasi.... hinahatid pa ko ng papa ko sa sakayan! hihi... mabigat daw kasi ang laptop ko, kaya hinatid nya ko sa bus stop. tapos sya na nagbuhat. para kong bata! wehehe... hay, mami-miss ko talaga sila pag balik nila sa pinas... feeling papa's little girl na naman ako kanina... =)

***

dapat nagt-trabaho na ko e, bakit ba ko nagb-blog pa... WAAAHHH! tinatamad talaga ko mag work!!! HAYYYYY........

Friday, August 26, 2005

Seven Things

seven things that scares me
1. ang may masamang mangyari saken, kay little boy o kay hubby.
2. ang may masamang mangyari sa parents ko o sa mga kapatid ko.
3. ang sumabit ang program ko -- na ngayon ay kasalukuyang nangyayari na!
4. mag november na - kasi uuwi na sila mama, at papasok na ng day care si little boy.
=( mami-miss ko sila. huhuhu
5. change.
6. makapag asawa ng MALDITA ang anak ko! haha.... oo paranoid ako, feeling ko kasi lalaking mabait ang anak ko kaya gusto ko e mabait mapangasawa nya. hehe.
7. ang mambabae si hubby - alam ko kasi na di ko sya kaya patawarin kahit na isang beses lang yun. kahit pa sabihin ng iba na "alang-alang" kay little boy.

seven things i like the most
1. shopping - sino ba ang hindi?
2. cooking
3. picking up new skills - pwera sa programming. wala ata talaga dito ang puso ko.
4. scrapbooking.
5. mangarap ng gising! hehe
6. mangulit
7. reading mags

seven random facts about me
1. mababaw.
2. maldita.
3. makulit
4. praning.
5. iyakin.
6. matampuhin.
7. masungit.

seven important things in my bedroom
1. marriage cert
2. pictures
3. scrapbooking things
4. PC
5. hairdryer
6. make up
7. documents


seven things i plan to do before i die
1. visit egypt
2. go to hawaii
3. have 2 more kids
4. secure meg's future (syempre ung 2 kids den, as of now si meg pa lang)
5. secure my parent's retirement (kung mauuna ako sa kanila)
6. secure robbie's educational fund - un lang nag makakaya ko bigay sa kanya.
7. make sure that my bro is stable.

seven things i can do
1. i can cook.
2. i can bake.
3. i can draw/paint/sletch -- well, i think so. :p
4. i can dance.
5. i can write programs.
6. i can sew.
7. i can get mad real bad.

seven things i can not do
1. give birth naturally. huhuhu...
2. touch a worm. mamatay na! pero di ako hahawak nun!
3. resign!
4. forgive and forget. - i can forgive but never forget.
5. ipasawalang bahala ang magulang at kapatid ko.
6. ang mangaliwa.
7. ang magpakapait ng lubos.

seven things that attract me to the opposite sex
1. smile
2. manamit
3. sense of humour
4. any talent
5. sweetness
6. pagka responsable
7. me sense kausap

seven things i say the most
1. meg, kiss mommy!
2. ayan, kasi!
3. tsk! tsk! tsk! i told you.
4. okrayan na!
5. mahal, date mo ko!
6. go for gold!
7. love you mahal... love you meg

seven celeb crushes
1. colin
2. george clooney
3. si joey ng friends
4. jay manalo
5. gary estrada
6.
7.

seven people i want to take this quiz
1. pazette
2. sookie
3. tin ni ronald
4. roslyn
5. ana
6. master
7. steph

Wednesday, August 17, 2005

scrapbooking sisters

naaliw ako kagabi...mukang me pamamanahan na ko ng aking mga gamit. =)

pag dating ko ng bahay kumatok ng room ko ang aking sister (6yo) sabi nya, "sister, can you decorate this picture please."(touch ako, ibig sabihin nagugustuhan talaga nila ang gawa ko.hehe) sya at si meg ang nasa picture.

kinuha ko na ung picture sa kamay nya, then naisip ko, why not let her decorate it. so tinanong ko sya, gusto mo ikaw mag decorate? ala! nag twinkle ang kanyang mga mata. hehe... so pinaupo ko sya sa table ko (normally, off limits ang table ko! :p) ask ko sya, what color do you want to use? syempre sa dami ng papel ko, di nya alam kung ano pipiliin. sabi ko look at the picture, there is blue, yellow and white. choose one. (mag lesson ba! haha) so pinili nya yellow, kulay ng damit nya. syempre ang pinili kong cardstock ung mumurahin lang muna! hehehe...

tapos dinikit na nya yung picture, then ask ko sya, ano pa gusto nya ilagay. sabi nya, flowers. so nag punch kame ng flowers. sabi nya, sister, can you make four flowers please so that i can put one in each corner. naks! marunong gumamit ng corners. =) then ask ko kung ano gusto nya lagay na title. ROBBIE and MEG daw. so tinuruan ko sya mag sizzix. nag cut out sya ng ROBBIE (in pink) and MEG (in blue) tapos ung corner ng papel, ung sa taas nilagyan nya ng R, ung sa baba nilagyan nya ng M.

ok na sana... kaso, tinanong nya kung ano daw ung mga colors sa table ko. (chalk)so sabi ko, chalk yan. ask sya, how do you use it? (read as : I want to use it.) so tinuruan ko, yun na ang simula ng wakas! hehe... kinulayan nya mga letters, at dahil chalk nga so nag mukang messy. =( e nakita ko sa mukha nya na nalungkot sya bigla. kasi daw so messy ng gawa nya. sabi ko, "never mind, when i did my first LO it was also very messy" at ang kanyang sagot, "CAN I SEE YOUR FIRST LAYOUT?" nyah!!! hindi mauto. change topic agad!!! never mind dear, tomorrow you make another one. then you try to make one that is cleaner. ok? sabi nya. OK. whew! buti nalang lumusot. hehe. gusto nga nya baguhin ung LO nya pa, sabi ko na lang keep namen kasi un ang first gawa nya. buti naman pumayag.

natuwa ako. kasi dalawa na kame nagsscrap sa bahay! hehe... at least masulit na mga pinamili! hahaha (patulan ba ang 6yo!)

http://community.webshots.com/album/151287154UGXhAB >> sample LO's! =)

Tuesday, August 16, 2005

mabait daw ako...

walang kokontra! kasi sabi yan ng nanay ko... hehehe...
kahapon, napaguusapan ang mga kasabihan nung alaw! si eryne (pamangkin ko) pag sinisinok ang ginagawa ng lola nya, nilalagyan ng papel or tissue sa noo. e kahapon, sininok sya habang buhat ng nanay ko. ang ginawa ng nanay ko, nilagyan ng sinulid sa noo! napapa-iling asawa ko at ang daddy ni eryne. di kasi sila naniniwala sa ganun. sabi ng lola ni eryne, aba! mas effective pala ang sinulid. na sagot naman ng nanay ko, oo laki si meg sa sinulid! mwahahaha... lalo napailing ang magkapatid. ang saken naman, hayaan na ang mga lola. at di naman mamatay ang mga bebe kung me sinulid o tissue sa noo. bakit naman ako buhay pa till now e malamang laking sinulid den ako! hehe
tapos napunta na sa pamahiin. sabi ng nanay ko, ung bahay bata (placenta) nililibing un. para daw mabait ang bata. yung saken daw nailibing ng nanay ko. sayang nga daw at di nya nagawa sa dalawa kong kapatid, kaya samen daw ako lang ang mabait! blog ko to, walang aangal! nyahahaha! at dahil nga matagal ko ng naririnig ang tungkol sa bahay bata, kala ko importante na itago un. di ko alam ang rason nun e, basta alam ko lang dapat itago. ng manganganak na ko, as in nasa delivery room na at naglalabor, tinanong ako ng aking OB...
OB : Do you want to keep the placenta?
ME: Yes.
OB : Are you a muslim?
ME : No.
OB : What are you going to do with it?
ME : What am i suppose to do with it?
OB : It is smelly you know.
ME : Actually, I don't know.
OB : So, want to keep it or not?
ME : Mahal, kukunin ba naten ang placenta?
Hubs : Ewan ko dapat ba?
ME : Alam ko tinatago un e.
Hubs: San naten itatago?
ME : Ewan ko, ano ba itsura nun? Wag na lang ano?
Hubs : Ewan ko. Sige wag na.
ME : Never mind doc, I don't want it anymore.
OB : Sure ha?
hang kuleet ni OB! ginugulo lang ako in between my contractions. ang naitago ko na lang saken ngayon, e yung pusod ni little boy. syempre di naman ung buong pusod. ung pinagputulan lang. na sabi ng lola ni eryne, dapat daw un pinagsasama sama sa mga pusod ng ibang kapatid para daw di nag-aaway away. sagot naman ng nanay ko, e gagawa ka pa ng isang bata para me makasama ung pusod nung isa! AIYOH! sumasakit ulo ko sa mga oldies!

Friday, August 12, 2005

hug me tight...

kagabi bigla na lang yumakap si little boy sa aken... yakap na kahit di ko sya hawakan e di sya mahuhulog... pati paa naka angkla saken... tapos ang sad ng face nya... bakit kaya? nararamdaman kaya nya ung pag iinarte ko nung hapon? hmmm... naka yakap sya saken hangang makatulog na sya.
bakit kaya?

Thursday, August 11, 2005

half cook...

sa mga working mom/wife....
minsan ba e naramdaman nyo na ung pakiramdam na half cook kayo? ung tipong, parang di enough yung effort mo para sa pagiging empleyado, nanay at asawa?
hay, ako ganun ngayon ang nararamdaman. parang pakiramdam ko, di sapat ung effort ko. parang di ko na nagagampanan ang aking mga duties as an employee, as a mother and as a wife... pero pakiramdam ko naman pagod na pagod ako...
alam nyo ung feeling na dapat ko pag hainan si hubby ng dinner, pero ayaw magpababa ng aming iho, kaya si hubs na naghahain... or kaya gusto ko alagaan si iho, pero wala ng isusuot na damit si hubby para sa kinabukasan at kailangan ko magplantsa? or, gusto ko tapusin na sa bahay ang project ko pero di ko magawa dahil syempre family day na ang weekends....
hay so many things to do, so little time... parang kulang na kulang tuloy ang effort ko, pakiramdam ko tag 50% lang nabibigay ko sa trabaho, sa asawa ko at sa anak ko... sabi ng asawa ko add ko na lang daw lahat para 150, lampas pa daw ako sa 100 mark! hehe... hay sana nga ganun na lang pakiramdam ko.... nalolongkot tuloy ako... =(

Monday, August 08, 2005

kuya na si little boy.

kuya na si little boy ko. nanganak na kasi si SIL. bebe gel, si eryne danielle...
ang cute cute, liit liit. na miss ko tuloy ang me bebe. pero di pa ko ready uli mag isa pa, makiki bebe na lang muna ko.

natutuwa ako ke little boy kasi ang gentle nya sa bebe. di nya pinangigilan. tino-touch nya lang gently. as in ingat na ingat sya sa baby. naiiyak nga ren lang sya pag umiiyak si eryne. nakikiramay baga! hehe.

bait ng little boy ko. oh well, kanino pa ba magmamana ng kabaitan yan e di.... sa tatay nya! hehe.

karma

last friday, me nakasabay ako sa bus. ang laki ng ulo nya. basta malaki, di ko ma explain kung pano. naupo ako sa harapan nya. habang nakatingin ako sa kanya, naiisip ko si lionel richie. kasi pareho sila ng hair-do. ung hair nya dun sa MTV ng hello.

at dahil sa kung ano ano naiisip ko, nakarma ata ako. bigla ba naman nag sneeze! ayayay! scattered rain showers! WAAAAAHHH! hay naku, halos matuklap ang balat ko sa pagpunas ko. syempre lumipat na agad ako ng upuan. gusto ko sana ibigay na sa kanya ung panyo ko kasi malinis naman ung panyo ko, kaso baka pag singa nya isoli pa saken! yuckkkkk.... kadere!

hay naku, karma talaga....