Tuesday, August 16, 2005

mabait daw ako...

walang kokontra! kasi sabi yan ng nanay ko... hehehe...
kahapon, napaguusapan ang mga kasabihan nung alaw! si eryne (pamangkin ko) pag sinisinok ang ginagawa ng lola nya, nilalagyan ng papel or tissue sa noo. e kahapon, sininok sya habang buhat ng nanay ko. ang ginawa ng nanay ko, nilagyan ng sinulid sa noo! napapa-iling asawa ko at ang daddy ni eryne. di kasi sila naniniwala sa ganun. sabi ng lola ni eryne, aba! mas effective pala ang sinulid. na sagot naman ng nanay ko, oo laki si meg sa sinulid! mwahahaha... lalo napailing ang magkapatid. ang saken naman, hayaan na ang mga lola. at di naman mamatay ang mga bebe kung me sinulid o tissue sa noo. bakit naman ako buhay pa till now e malamang laking sinulid den ako! hehe
tapos napunta na sa pamahiin. sabi ng nanay ko, ung bahay bata (placenta) nililibing un. para daw mabait ang bata. yung saken daw nailibing ng nanay ko. sayang nga daw at di nya nagawa sa dalawa kong kapatid, kaya samen daw ako lang ang mabait! blog ko to, walang aangal! nyahahaha! at dahil nga matagal ko ng naririnig ang tungkol sa bahay bata, kala ko importante na itago un. di ko alam ang rason nun e, basta alam ko lang dapat itago. ng manganganak na ko, as in nasa delivery room na at naglalabor, tinanong ako ng aking OB...
OB : Do you want to keep the placenta?
ME: Yes.
OB : Are you a muslim?
ME : No.
OB : What are you going to do with it?
ME : What am i suppose to do with it?
OB : It is smelly you know.
ME : Actually, I don't know.
OB : So, want to keep it or not?
ME : Mahal, kukunin ba naten ang placenta?
Hubs : Ewan ko dapat ba?
ME : Alam ko tinatago un e.
Hubs: San naten itatago?
ME : Ewan ko, ano ba itsura nun? Wag na lang ano?
Hubs : Ewan ko. Sige wag na.
ME : Never mind doc, I don't want it anymore.
OB : Sure ha?
hang kuleet ni OB! ginugulo lang ako in between my contractions. ang naitago ko na lang saken ngayon, e yung pusod ni little boy. syempre di naman ung buong pusod. ung pinagputulan lang. na sabi ng lola ni eryne, dapat daw un pinagsasama sama sa mga pusod ng ibang kapatid para daw di nag-aaway away. sagot naman ng nanay ko, e gagawa ka pa ng isang bata para me makasama ung pusod nung isa! AIYOH! sumasakit ulo ko sa mga oldies!

No comments: