Thursday, August 11, 2005

half cook...

sa mga working mom/wife....
minsan ba e naramdaman nyo na ung pakiramdam na half cook kayo? ung tipong, parang di enough yung effort mo para sa pagiging empleyado, nanay at asawa?
hay, ako ganun ngayon ang nararamdaman. parang pakiramdam ko, di sapat ung effort ko. parang di ko na nagagampanan ang aking mga duties as an employee, as a mother and as a wife... pero pakiramdam ko naman pagod na pagod ako...
alam nyo ung feeling na dapat ko pag hainan si hubby ng dinner, pero ayaw magpababa ng aming iho, kaya si hubs na naghahain... or kaya gusto ko alagaan si iho, pero wala ng isusuot na damit si hubby para sa kinabukasan at kailangan ko magplantsa? or, gusto ko tapusin na sa bahay ang project ko pero di ko magawa dahil syempre family day na ang weekends....
hay so many things to do, so little time... parang kulang na kulang tuloy ang effort ko, pakiramdam ko tag 50% lang nabibigay ko sa trabaho, sa asawa ko at sa anak ko... sabi ng asawa ko add ko na lang daw lahat para 150, lampas pa daw ako sa 100 mark! hehe... hay sana nga ganun na lang pakiramdam ko.... nalolongkot tuloy ako... =(

2 comments:

salme said...

the fact that you feel this way means that you're a good mom, wife and employee. hehehe... cheer up!

apple said...

ako din minsan ganyan. lalo na pag nasa house ako at bf sa baby ko. ang dami kong nakikitang dapat gawin. minsan nga wish ko 3 kamay ko eh, o kaya kahit apat. pero pangit yata tignan, hehe. pero kahit ganyan, isipin mo na lang na marami kang roles sa buhay at nagagampanan mo naman kahit papaano.