Monday, October 31, 2005

ang aking storage.....

kahapon after ng mass, at dahil nasa may bandang west na ren kame, dumiretso na kame sa malayong west coast.... malayo para samen kasi naman nasa east side kame. as in dulo to dulo. grabe, ok sana kaso naman sobrang init! e sa mga nakakilala samen e alam nyo naman na siguro na di kame pwede masyado naarawan... at natutusta ang dati na naming "tan". kaya di na kame syado nagtagal at sobrang init talaga.

after sa west coast, nag punta kame IKEA. binilhan ako ni hubby ng storage. kasi gulong gulo na sya sa mga gamit ko. hehe... as in ang tingin nya sa mga gamit ko for scrapbook e "scrap" na talaga. alam nya lang na malaki na investment ko dun kaya di nya maatim na ipagtatapon. so para di masayang binilhan nya ko ng storage.

actually, dapat table un. gusto nya ko bilhan ng corner table. so naka set ang puso ko sa table. ng nagtitingin tingin na kame, parang ibinabali nya ko sa cabinet.

mahal: tingin ko kailangan mo storage. (turo sa table na me mga cabinet sa taas)
muah : table na malaki need ko. ayaw ko nyan masikip tignan.
mahal: hindi masikip yan. kita mo ha, pag nakaayos gamit mo maluwag na ung table.
muah : pag andyan ang mga gamit ko masikip na tignan, mahirap na kumilos. i need space.
mahal: e me table ka na e, need mo lang i clear un.
muah : e kasi nga ung table ko manipis, so pag nilagya ko na ang 12x12 paper, + mga gamit na gagamitin ko nagmumuka syang masikip. kaya i need a bigger table. (inis na!)
mahal: e kasi nga lahat andun gamit mo pag na clear un luluwag na ulit un.
muah : ok fine, sige storage. (nagiinit na ulo!)
mahal: un ba gusto mo?
muah : e table nga gusto ko e... puro ka naman kontra. e di sige nga storage na lang.
mahal: di ako kontra. e ano ngang table gusto mo?
muah : ung ganun...(turo sa big table)
mahal: e di sisikip ka ren nyan. (oh di ba contra talaga sya!)
muah : e di sige storage na lang.
mahal: un ba talaga gusto mo?
muah : eeeehhh gusto ko nga table, kontra ka naman... ang kuleeet mo. (di ako nasigaw paliwanag lang ba.)
mahal: gusto mo kain muna tayo?
muah : sige.


after eating.....

muah : mahal tignan mo tong storage na to.
mahal: gusto mo nyan?
muah : sige eto na lang.

nyahahaha! mga gutom lang pala kaya di magka intindihan! pag uwi po naman inayos ko na ang mga gamit ko at pareho naman kame naging happy sa resulta! =) at kung hangang kelan maayos ang mga gamit ko e hindi ko alam. wehehehe...

1 comment:

Liza said...

cata, kakatuwa naman kayo ni hubby mo. i'm sure ayaw mo lang galawin scrap stuff mo! :D