nag 7th birthday ang aking kapatid last saturday... i gave her a mcdo kiddie party. ininvite nya ang mga classmates nya at ANG GUGULOOOO NILAAAA! buti na lang sa mcdo sila nag party, kasi nung una gusto nya tulad ng birthday ni little boy na sa loob ng bahay. hay na windang ako. kaya pala masusungit ang mga mcdo staff dito. hehe...
binilhan ko ren sya ng snow white costume. yun gusto nya isuot, e di sige. sa lahat ng snow white sya lang ang maitim. wehehehe.... naturete lang ako sa mga nanay dito, iniiwan lang nila ang mga anak nila sa party. tinanong ako till what time yung party, ng sabihin ko na 4:30, dadaanan na lang daw nila ung anak nila ng 430. ung isa pa nga e sabi papadaanan na lang daw nya sa yaya nya ung anak nya. e DUH!!! buti kung kilala ko ang yaya ng anak nya....e ni hindi ko nga natandaan ung itsura ng anak nya. what if, tapos na ung party at wala pa yung yaya ng anak nya? e naglalabasan pa naman ung mga bata dun sa play area. aiyoh!
after ng party ni little sister, tumuloy naman kame sa east coast para sa party ni hubby. tuesday kasi papatak ang bday nya e, so in-advance na namen. konting bbq lang, munting salo salo at sandamakmak na beer. muntik umulan pero buti na lang di tumuloy. natapos kame mga 230 na ng madaling araw.kaya ayun, halos tulog kame maghapon.
parehong simpleng party lang pero parehong masaya. =)
1 comment:
happy birthday! malamang masaya ang asawa mo sa regalo mo sa kanya :D
Post a Comment